Chapter 18

140 18 0
                                    

Chapter 18
Missus’s POV

“What was that? I thought lulusot lang ako!”hindi ko makapaniwalang saad kaya napatawa at nailing na lang sa akin si Archangel. Agad naman akong napatakbo kay Kaleb at niyakap ito, ganoon lang din ‘yon. Hindi ko man ‘to nararamdaman atleast nayakap ko siya.

“What was that?”pabulong na tanong niya.

“Bakit tumataas ang balahibo mo, Pre, sabi ko na nga ba may multo rito e.”sabi ni Margo habang tinuturo ang balahibo ni Kaleb na tumaas nga. Hindi ko naman maiwasang mapatawa ng mahina dahil do’n.

“Alam mo, parehas talaga kayo ni Fin, parehas takot amp!”sabi ni Alex sa kanila. Nagtawanan naman sila at inasar si Fin saka Margo.

“Oh, shut up, Alex, hiyang hiya naman kami sa’yo!”naiiling nilang saad kay Alex na tinatawanan lang naman sila. Mapang-asar pang ngumisi si Alex sa kanila.

“Your sister just hugged you..”sabi ni Archangel nang dumaan siya sa tabi ni Kaleb. Napangiti naman ako at bahagya pang nagthumbs up. Napangiti na lang din ‘to kalaunan dahil do’n.

“Really?”nakangiting tanong ni Kaleb. Tumango lang si Archangel sa kanya kaya malapad ang naging ngiti nito.

Nagsimula na rin naman silang kumilos kasama ang mga volunteers. Napangiti na lang ako habang nanonood sa kanila sa pagtatanim. Wala rin naman akong maitutulong kung hindi ang makitingin tingin lang. Malapad lang ang ngiti ko habang nanonood. Napatawa pa ako ng mahina nang mapatingin kina Detdet at nagthumbs up pa ang mga ito.

Nang matapos sila sa pagtatanim, inasikaso na rin naman nila ang kanya-kanya nilang kakainin. Sumilong lang sila sa mapunong parte kung nasaan ang mga kapre. Hindi rin naman sila ginugulo ng mga ‘to dahil abalang abala sila sa pagsusugal. Napangiti na lang ako habang tinitignan silang nagkakatuwaan dito.

“Hindi ko alam na ganito pala ang hilig mo, Kane.”casual na casual na saad ni Bryan wari ba’y close sila. Hindi ko naman maiwasang matawa at mapalingon kay Archangel. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay kaya mas lalo pa akong napangiti. He doesn’t have friends since then, baka sakaling sina Bryan na ‘yon.

“It’s not.”simple lang na saad ni Archangel kaya napakibit ako ng balikat.

“What’s the thing you really like? ‘Yong magkulong sa opisina at manghuli ng criminal o ano?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Tinignan niya naman ako bago napakibit ng balikat.

“I like hiking but I don’t have time for that.”mahinang sambit niya ngunit natigilan nang marinig siya nina Bryan at Renato.

“Talaga, Detective? Ako rin!”maligalig na saad ni Renato at nagkwento ng hiking experience niya kay Archangel. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita ko siyang nakikipagkwentuhan dito.

“Why don’t we hike tomorrow morning before we go home?”nakangiti namang tanong ni Bryan.

“Talaga, Officer? Sige po!”nakangiting pagsang-ayon ni Renato. Napatingin naman sila kay Archangel na nagkibit lang ng balikat..

“Yeah, sure.”sabi naman mi Archangel at napatango.

“Salamat, Lods!”nakangiting saad ni Bryan kaya pinagkunutan lang siya ng noo ni Archangel. Napatawa naman ako ng mahina dahil do’n.

“Sama rin kami, Officer!”sabi nina Alex.

“Oo naman, agahan niyo ng gising!”sabi naman ni Bryan kaya tumango ang mga ito at isa rin sa mga excited na nagkukwentuhan kung anong gusto nilang gawin. Napatingin naman ako kay Archangel at malapad na ngumiti sa kanya.

“What are you looking at?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Umiling naman ako ngunit ang ngiti sa mga labi’y hindi pa rin nawawala. Masaya ako na kahit paano’y magagawa niya ang gusto niyang gawin dito. Mabilis lang ding natapos ang araw at sumapit na ang gabi.

Nang matapos silang magsikainan at kanya-kanyang hilamos, nagsipasok na rin sila sa kani-kanilang tent. Well, magkakasama naman sa iisang tent sina Archangel at sina Bryan habang sina Kaleb naman ay nasa iisang tent din kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hindi na muna ako pumasok sa tent at nagtungo kung nasaan ang mga kapre, hanggang ngayon ay nagsusugal pa rin.

“Ang iingay niyo, gabing gabi na.”pamumuna ko sa kanila.

“Mahina na nga lang ang tinig namin.”reklamo nila na hanggang ngayon may tabako pa ring hawak.

Napatawa pa ako nang magsitayuan pa ang mga ito nang may mga umalulong at akala mo’y may party kung magsayawan. Napailing na lang ako at natatawang nakikisayaw habang nasa balikat pa rin ni Detdet. Natigilan lang ako nang makita ko si Archangel na nasa labas pala, nakangiti ito habang nakatingin sa akin ngunit nang makita ako’y bahagya siyang nagpigil ng tawa. Hindi ko naman mapigilang mapasimangot dahil do’n. Well, wala naman kasi akong talent pagdating sa pagsasayaw.

“Anong nginingiti ngiti mo diyan, huh?”tanong ko na pinaningkitan siya ng mga mata.

“What? I’m not!”sabi niya at nagtaas pa ng dalawang kamay. Nagtawanan na lang din naman kami kalaunan. Naupo kami sa may parteng walang gaanong puno kaya naman kitang kita ang mga bituin sa kalangitan.

“Are you really close with them?”tanong niya at tinuro ang mga kapre na nagsasayawan pa rin hanggang ngayon.

“Medj.”natatawa kong saad. Hindi ko rin naman pwedeng ikwento ang ibang bagay sa kanya katulad na lang nang mga pangyayari sa afterlife. Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi ito nagtatanong patungkol do’n, it’s fine by him kung ano man ang ikukwento ko.

“When I died, it was really scary.. I was scared at ghost that time.. kung saan saan ko sila nakikita, little did I know, I was also a ghost.”pagkukwento ko. Kita ko rin namang nakikinig lang ito sa kung anong sinasabi ko.

“I don’t really know what to do, ‘yong mga kababalaghan na sabi sabi lang noon, tuluyan ko ng nakikita ngayon.”sabi ko pa at napanguso habang nagkukwento. Kapag naalala ko ‘yon

“But do you know what scared me the most? ‘Yong ideyang hindi ko na maalalagaan si Kaleb, ang bata pa ng kapatid ko, wala na kaming magulang at hindi ko gustong maranasan niya rin kung ano man ‘yong naranasan ko. Mataas ang pangarap no’n e, gusto kong matupad niya lahat ng ‘yon.”pagkukwento ko pa. He was just looking at me, listening. Hindi ko maiwasang maalala kung paano ako umiyak kapag nakikita ko pa lang si Kaleb no’n. Tinakasan ko rin ng ilang beses si Dael no’n dahil ayaw ko pang sumama sa afterlife. Gusto ko pa kasi talagang alagaan noon ang kapatid ko. I know I won’t be able to to do that kung aalis na ako ng ganoon ganoon lang.

But they gave me chance, kahit paano’y binigyan pa rin ako ng pagkakataon para makita ko ang kapatid ko, kahit sandali lang. Gusto ko pang makitang maging successful sa buhay si Kaleb. Gusto ko pang makita siyang masaya habang bumubuo ng sarili niyang pamilya. Alam kong imposible pero gusto kong masaksihan ‘yon bago ako tuluyang mawala.

“If the time comes, kapag tuluyan na talaga akong naglaho, hope you can really treat Kaleb just like your lil brother.. pero syempre, hindi naman sapilitan.”natatawa kong saad sa kanya. Seryoso lang naman siyang nakatingin sa akin dahil do’n.

“Aalis ka?”tanong niya sa akin.

“Hmm, of course, I’m ghost, hindi ‘yon imposible.”natatawa kong saad.

“Right.. you’ll left me too..”hindi ko naman narinig ang sinabi nito dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin.

“But of course! Hindi pa ngayon!”natatawa kong saad sa kanya.

“Sa ngayon ay pagtiyagaan mo muna ang mukha ko, ikaw din, baka mamiss mo ako.”natatawa kong pagbibiro sa kanya. Nginiwian niya lang ako kaya napatawa ako ng mahina.

“By the way, thanks.”sambit ko kay Archangel habang nakatingin lang sa kalangitan.

“For what?”tanong niya naman sa akin at nilingon ako.

“Hmm, for everything and for helping them.”sabi ko at tinuro pa ang mga kapreng nagpaparty pa rin hanggang ngayon.

“It’s nothing, I did that for myself.”sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.

“I don’t want you to bother me, okay?”aniya pa at napanguso kaya nagkibit na lang ako ng balikat. Parehas pa kaming napalingon sa kakahuyan nang makarinig ng ingay.

“What’s going on?”tanong ko kay Archangel. Nagkibit siya ng balikat. Nagtungo naman ako roon at nakita ko sina Kaleb at mga kaibigan nito kasama pa sina Bryan.

Halos mapatalon sila sa gulat nang makita si Archangel na pinapanood lang sila.

“Where are you going?”tanong ni Archangel sa kanila.

“Hehe, mamasyal lang, Lods.”alanganing saad ni Bryan.

“It’s already late, go back to your tent.”sabi ni Archangel sa kanila.

“If something happen to one of you, what do you think will happen?”tanong pa ni Archangel sa kanila.

“Hindi kami makatulog, Kuya Kane! Gusto lang naman po namin mamasyal!”sabi ni Dame.

“No, Kuya, they want to ghost hunt!”panlalaglag naman ni Fin na mukhang takot din ngunit sumama na lang dahil ayaw din namang maiwan sa tent. Nag-angilan naman ang mga ‘to kaya napailing na lang din ako sa kanila.

“Just go back to sleep.”sabi ni Archangel bago tumalikod ngunit agad nilang hinawakan ‘to.

“Kuya! Sige na. Hindi naman gaanong madilim diyan oh, saka may flash light naman kaming dala!”sabi pa nila. Napangiwi na lang ako sa kakulitan ng mga ito, tila ba hindi hihinto hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Napailing na lang ako dahil do’n.

Nilingon naman sila ni Archangel bago ako nilingon. Napakibit na lang din ako ng balikat, hindi rin naman ganoon nakakatakot para sa akin dahil may mga nakakalat na kapre rito na pupwede kong paghingian ng tulong kung sakaling may mga ligaw na masasamang kaluluwa.

“Sige na, payagan mo na.”sabi ko na lang dahil para ‘tong mga batang magwawala pa kung hindi papayagan.

“Fine, let’s go.”sabi ni Archangel kaya napatalon silang lahat. Napailing na lang ako sa kanila at bahagyang napangiti pa.

Marami silang hawak na flashlight, napailing na lang ako nang kanya-kanya rin naman silang kapit sa kanilang mga kaibigan. Aba’t gustong magghost hunt pero takot din naman. Napatawa pa ako kay Bryan at Renato na siyang nakahawak pa kay Archangel nang mahigpit. Maski sina Fin ay kay Kaleb naman nakahawak, hindi ko nga alam kung paanong nangyaring isang araw ay kaibigan na ni Kaleb ‘tong si Fin.

Nagkukwentuhan lang sila ng mga kababalaghan habang naglalakad kaya parehas kaming napailing ni Archangel sa kanila. Halata kasing gawa gawa lang ng mga hinayupak ang pinagsasabi. Napatawa pa ako sa paraan ng pagkukwento nitong si Bryan, halatang nanakot lang.

Nang nasa madilim na kaming parte, mas lalo pang humigpit ang kapit nila sa isa’t isa. Mas lalo lang akong nailing. Ang lakas magyaya pero sila naman ‘tong takot.

Pakanta kanta pa ako habang nakasunod sa kanila.

“Wait, naririnig niyo ba ang naririnig ko?”tanong ni Alex. Napakunot naman ako ng noo at sinubukang makinig ngunit wala naman.

“What was that?”tanong pa nila. Mas lalo lang kumunot ang noo ko at sumilip pa kung saan, wala rin naman kaming ibang kasama, maski ligaw na kaluluwa’y wala rin naman.

“Hala! Meron nga! Hindi ako nagbibiro!”sabi pa nila. Nailing na lang si Archangel sa mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Napatawa naman ako ng mahina at sumunod pa kina Kaleb at Archangel na nauuna ng maglakad.

“Waaahhh!!!”malakas nilang sigaw.

“Mayroong nakasunod sainyo, Kane!”sigaw pa nina Bryan at kanya-kanya silang takbuhan pabalik sa pinanggalingan. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo dahil do’n.

“Ate?”tanong ni Kaleb at nakatapat siya sa akin.

“Nakikita mo ako?”tanong ko pero mukhang hindi naman.

“That’s Ate! I saw it too!”hindi makapaniwalang saad ni Kaleb. Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya pero mukhang sandali lang talaga ako nito nakita.

“It’s already 12 o’clock, you know what does that mean, right?”tanong pa sa akin ni Detdet na kanina pa rin nakasunod sa amin. Malakas kasi ang enerhiya ng mga kaluluwa sa ganitong oras kaya minsan, nagagawa nilang magpakita sa ibang tao sa sobrang daling panahon.

Nagkatinginan naman kami ni Archangel na siyang napakibit lang ng balikat sa akin. Nang lingunin ko ulit si Kaleb ay nakatayo pa rin siya kung saan niya ako nakita kanina. Natatawa naman akong bumalik do’n at nginitian siya na para bang nakikita ako nito kahit malabo naman ‘yon.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now