Chapter 16

136 17 0
                                    

Chapter 16
Missus's POV

Nakatayo lang ako sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga kamag-anak ng mga kababaihang naging biktima ng drug lord. Maski ang ilang kaluluwa'y iyak na rin ng iyak sa isang tabi. Nandito na rin naman sina Dael para sunduin ang mga ito. Si Bea na siyang masiyahin na ngayon ay hindi magawang ngumiti habang pinagmamasdan ang ilang biktikma.

Nahuli na rin kasi ang drug lord pagkatapos ng eksena no'ng gabing 'yon. Nahanap din ang mga bangkay ng mga kaluluwa sa tulong ng mga ito.

Nang matapos ihatid ang mga ito sa libingan ay nagpaalam na rin sila sa akin.

"Detective, hindi ka pa aalis?"tanong ng mga kasamahan ni Archangel sa kanya. Simple lang 'tong tumango dahil hinihintay ako. Nanatili naman ako sa isang tabi habang nakangiti lang sa mga kaluluwang nagpapaalam sa akin.

"It was a really short journey with you, Missus, thank you for helping us. Thank you for finding justice for all of us."sabi ni Marie at mahigpit akong niyakap.

"See you in the afterlife."nakangiti kong saad sa kanila. Pakaway kaway pa habang nagpapaalam.

"Thanks."sambit ni Dael bago niya ako tinapik at umalis na sila ng mga kaluluwang sinusundo nito.

Naiwan kami ni Archangel na nakatingin lang sa mga nitso na nasa harapan namin. Tipid ko naman siyang nginitian. Ganoon din naman siya sa akin.

Nang matapos ang araw na 'yon ay mabilis din namang lumipas ang mga araw. Halos si Archangel lang ang kasama ko araw araw kapag katapos kong puntahan ang kapatid ko.

"Ma!"malakas na sigaw ni Oscar nang magparamdam ako isang gabi. Natutuwa talaga akong inaasar ito dahil takot na takot. Saka nakikita ko pa rin kasi na hindi siya nagbabago, madalas pa ring binubully si Kaleb.

"Ano nanaman, Oscar? Araw araw na lang 'yang lakas ng bunganga mo ang naririnig sa bahay!"inis na sambit ni Tita sa kanya. Bahagya naman akong natawa habang nakaupo sa aparador niya.

"Ma, sige na, alayan mo na si Ate Suhz, please."sabi ni Oscar na halos mapaiyak na sa takot. Napabuntong hininga naman ako at medyo nakonsensiya dahil do'n.

"Fine, I'll stop scaring him."bulong bulong ko habang palabas na sa kwarto nito.

"Oo na, bibisita tayo sa puntod nito."sabi na Tita kaya nanlaki ang mga mata ko at napalapit dito.

"Talaga?"sabay pa naming tanong ni Oscar.

"Oo, mag-aalay tayo ng pagkain kay Missus, tigil tigilan mo na ang anak ko."sabi pa ni Tita na nakaharap sa kung saan. Bahagya naman akong napatawa dahil do'n.

Kinabukasan, katulad nga ng usapan ng mga 'to, ang dami nilang dalang pagkain. Noong nabubuhay pa ako'y ni hindi nila ako magawang bigyan maski kapiranggot na pagkain man lang. Pero sige, hayaan ko na. Nakasunod na lang ako sa kanila habang patungo kami sa puntod ko.

"Ate Missus! Sorry na! Hindi ko na rin bubully-hin si Kaleb! Huwag ka ng magparamdam, please!"takot na takot nitong saad, parang ako lang talaga ang masisisi ng mga ito ahh. Si Tita naman ay nakasimangot lang sa isang gilid, ni hindi man lang nakipagplastikan na kumaway at bumati man lang sa akin. Well, I don't really care about that. Basta masaya na ako sa mga pagkaing isa isa nilang nilabas. Agad ko naman ng nilantakan, aba't mahirap na, may mga ligaw ding kaluluwa nakikipag-agawan kahit hindi naman para sa kanila 'yon.

"Baka naman pwedeng huwag mo ng guluhin pa si Oscar, Missus, tama naman na siguro 'tong alay namin sa'yo."sabi pa ni Tita. Hindi pa 'to nagpapaniwala noon pero tignan mo naman ngayon na kinakausap ako. Napakibit naman ako ng balikat dahil hindi ko na guguluhin si Oscar lalo na't ipinangako naman niyang hindi niya na pagdidiskitahan ang kapatid ko.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now