Chapter 29

137 17 0
                                    

Chapter 29
Missus’s POV

“Good morning, Kaleb!”maligalig kong bati kay Kaleb na siyang nag-aayos ng lamesa para sa almusal nina Tita. Hindi ko naman mapigilang mapanguso dahil ang hilig hilig talagang utusan ni Tita ito.

“Kumusta ang tulog mo? Nanaginip ka ba?”nakangiti ko pang tanong sa kanya.

“Hmm, mas lalo kong gumagwapo ahh, lumalaki ka na talaha. Huwag mo pa ring kakalimutan si Ate kahit na matanda ka na, huh?”nakangiti ko pang tanong sa kanya. Hindi man niya ako naririnig ay ayos lang, gusto ko lang itong kausapin.

Nang matapos siya sa pag-aayos ay tumalikod na ito doon at aalis na sana sa hapag ngunit tinawag ulit siya ni Tita na siyang paupo na sa upuan nito.

“Kuhanan mo nga ako ng kutsara diyan, Kaleb.”sabi ni Tita sa kanya. Napatango naman si Kaleb samantalang napangiwi na lang ako kay Tita. Kahit kailan ay napakamaldita talaga ng isang ‘to. Palautos pa. Tsk.

Nang iabot niya ‘yon, aalis na sana ulit ito ngunit tinawag pa siya ni Tita. Handa na akong patulan ito nang magsalita muli siya.

“Kumain ka na rin, ano pang hinihintay mo? Ipagsandok pa kita?”tanong pa nito habang pinagsasandok nga talaga si Kaleb. Parehas naman kaming natigilan ni Kaleb doon, pinaupo na rin siya ni Tita sa upuan na katabi ni Oscar na siyang malapad ang ngiti ngayon. Bahagya naman akong napangiti dahil do’n. May tinatago rin maman palang kabaitan ito, bakit tinago niya pa ng pagkatagal tagal? Bahagya na lang akong natawa sa naiisip at pinagmasdan lang si Kaleb na siyang tahimik lang sa pagkain.

Pansin kong medyo umaayos na ang pakikitungo ni Tita rito ngunit syempre, hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging palautos nito. Hindi na ata talaga ‘yon mababago.

“Oh, kumain ka pa.”sabi niya at inabutan pa si Kaleb ng ulam, natigilan ulit kaming dalawa ni Kaleb doon. Ganito raw ata talaga kapag tumatanda, bumabait ng kaunti.

“Thank you po.”sabi ni Kaleb.

“Ma, ako rin, hehe!”malapad ang ngiting sambit ni Oscar at nilapit pa sa Mama niya ang pinggan. Napatawa naman ako ng mahina. Ganoon ata talaga kapag sinimulan ng isang taong nagbabago, domino effect, ganoon na din ang iba.

Napangiti na lang din ako, kung hindi man niya ako natrato ng maayos noon, masaya na ako na, tratuhin niya ng tama si Kaleb ngayon.

Maya-maya lang ay nakabihis na si Kaleb at lumabas na ng bahay kasama si Oscar. Huminto naman sila sa garden kung nasaan si Blackie.

“Blackie~”sigaw ni Tita ngunit hindi ito lumalapit dahil nilalaro pa ni Oscar at Kaleb. Napatawa naman ako ng mahina nang lumabas si Tita para silipin si Blackie, hindi kasi talaga lumalapit sa kanya kapag nandito sina Oscar.

“Pumasok na nga kayong dalawa!”saway niya at pinapaalis na ang mga ito. Napangiti na lang ako do’n.

“Teka, sandali.”sabi pa niya nang nahawakan na si Blackie.

“Kaleb, oh. ‘Yan na lang ang pera ko, huwag ka ng mag-inarte pa.”hindi talaga namin magawang masanay kapag mabait ‘tong si Tita. Parehas pa kaming natigilan sa perang ibinigay nito. Kailanman kasi ay hindi siya naglabas ng pera para sa aming magkapatid.

Kusa na lang akong napangiti, narinig ko pa ang bulong bulong nito habang papasok ng bahay.

“Ikaw ngang alagang hayop ay nagawa kong alagaan, pamangkin ko pa kaya..”pabulong niyang saad habang papasok sa loob. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n. Kung alam ko lang na pusa lang pala ang makakapagpabago rito’y sana noon pa ako nag-uwi ng alagaing hayop dito. Napatawa naman ako sa naiisip ko pero sana nga talaga ‘yon ang ginawa ko noon. Nailing na lang din ako sa sarili dahil do’n.

Sumunod lang din ako kina Kaleb kalaunan, hindi ko mapigilang matuwa habang nakikita ko siyang nagkakaroon ng normal na buhay. May mga kaibigan na nakakausap tuwing umaga. Hindi na ganoon kalungkot ang buhay nito kahit wala na ako.

Naglakad naman na ako patungo sa bahay ni Archangel. Agad ko siyang binati nang makita.

“Good morning!”masaya kong bati sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil nagulat nanaman sa akin.

“Infairness, mukha kang model.”nakangiti ko pang saad habang pinagmamasdan siyang nag-aayos. Nagsusuot lang ‘to ng longsleeve niya. Nilapitan ko pa siya at pinagmasdan pa ang katawan nito ngunit agad akong natigilan lalo na nang sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa’t isa, although tatagos naman talaga ako kung sakaling magkadikit kami. Tila ba’y nakikipagkarera ang puso kaya naman agad akong napalayo sa kanya. Pinagtaasan niya naman ako nang kilay dahil do’n. Kita ko pa ang ngisi sa kanyang mga labi habang binubutones ang panghuling butones ng longsleeve niya.

Napairap na lang ako at bahagya pang napatikhim. Naroon pa rin ang mapang-asar na tingin mula sa kanya.

“You find me hot, don’t you?”natatawa niya pang tanong sa akin. Aba’t minsan lang ‘tong maging mahangin pero talaga nga namang nakakaasar kapag sumumpong na. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

“Sigurado ka na ba?”pag-iiba ko ng topic nang makita ko siyang pinaglalaruan lang ang kamay niya tila kinakabahan na agad nang paalis na kami.

“Don’t be scared, magpupunta ka nga roon para masolusiyon na ‘yang takot mo..”sambit ko sa kanya. Bahagya naman siyang napatango dahil do’n. Magtutungo kasi kami sa theraphy ngayon para sa second session nila.

He have a certain disorder called talassophobia. If your fear of the ocean is so strong that it has an effect on your daily life, you may have thalassophobia, or a phobia of the ocean. Naapektuhan na rin kasi ang araw araw niyang pamumuhay dahil do’n. Araw araw ay hindi siya makatulog, isa rin sa epekto noon kapag naiisip mo ang dagat. Sinubukan ko siyang pilitin na magpatheraphy para mawala na ang takot niya.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa clinic. Agad namang bumungad sa amin ang secretary ng therapist. Pinatuloy lang kami nito ngunit bahagya kaming nagtaka nang agad ‘tong tumayo at lalabas na ng room niya.

“Where are we going, Doc?”tanong ni Archangel sa kaniya.

“We’ll go to the ocean.”sabi niya kaya natigilan si Archangel. Agad ko naman siyang nilingon dahil do’n. Gusto ko mang hawakan siya’y hindi ko naman ‘yon magawa. Para bang sumisikip na agad ang dibdib nito narinig lang ang word ba ocean. Agad naman akong lumapit sa kanya.

“Hey, it’s fine, don’t be scared, I’ll be here.”sambit ko sa kanya, nginitian ko pa siya ngunit mukhang talagang doble doble na ang kabang nararamdaman nito. Naglakad na lang din ako kasunod ng therapist niya.

Pinasakay lang din naman kami nito sa kotse niya.

“Do I need to do this? What if something happen?”tanong pa ni Archangel kaya nilingon siya ng therapist niya.

“This treatment is called exposure therapy, which is actually a subset of CBT. Most people who have phobias actively avoid the object or situation they are afraid of, which can make the phobia worse. That’s why we’ll going there today.”sabi ng doctor niya sa kanya. Rinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Archangel dito sa tabi ko. Hindi ko naman mapigilan ang mag-aalala para sa kanya.

“Don’t worry it’s safe environment.”sabi pa ng therapist niya. Hindi naman sumagot si Archangel, hindi pa rin nawawala sa mukha ang kaba pakiramdam ko rin ay kung ano ano ng iniisip nito.

Maya-maya lang ay nakarating na rin naman kami sa lugar kung saan magaganap ang session. Napatingin ako kay Archangel tila ba ayaw nitong bumaba. Pinagbuksan naman siya ng therapist niya ng pinto. Matagal pa bago siya lumabas. Kita ko na agad ang panginginig dito, hindi pa man kami nakakalapit sa dagat.

Pinapawisan na rin siya ng tuluyan kaming makalapit. Mukha pang sumasakit ang ulo nito habang nanginginig, napaupo na lang ‘to, may sinasabi ang therapist niya sa kanya na hindi ko naman maintindihan. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na ‘tong bumagsak. Agad naman nilang dinala sa clinic sa malapit. Doble doble ang pag-aalalang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanyang nakapikit lang. Hindi naman ako makapagtanong sa doctor dahil wala namang makakakita sa akin dito.

Ni hindi ko maiwanan si Archangel, nanatili lang ako na nasa tabi niya. Wala pa rin ‘tong malay habang nakahiga sa kama rito sa clinic. Gusto ko man siyang hawakan ay hindi ko rin magawa. Pinagmasdan ko lang ang payapang mukha nito habang natutulog, I wish I’m not a go-between. How I wish I can take care of him just like what he was doing for me. I wish I can say that I like him too.

“I like you too..”pabulong na saad ko.

“I do like you.. I’m sorry if it took me so long to reply..”sambit ko pa. Simula no’ng maiwan ako sa train, naglie low muna ako kahit na pa hindi naman ako naparusahan, nagpakabait sa afterlife, ganoon din sa living realm pero ‘yong bagay na kahit anong gawin ko talaga’y hindi ko magagawa? ‘Yon ‘yong makipag-usap sa mga mortal. Sa kapatid ko, kay Lia, kina Oscar at lalong lalo na sa kanya. Kahit anong gawin ko’y mahirap na talagang tigilan ‘yong bagay na nakasanayan mo na. Napabuntong hininga na lang ako dahil do’n bago siya nilingon muli.

“What did you just say?”halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nagmulagat si Archangel.

“You like me too?”tanong niya na napaupo pa sa kama. Napaawang naman ang nga labi ko at hindi alam kung anong isasagot dito. Napakagat na lang ako sa aking labi at umiling pa.

“I didn’t say anything, baka nag-iisip lang ng kung ano.”natatawa ko pang saad sa kanya, ni hindi nga alam kung paano nga ba ako makakalusot.

“Really?”tanong niya pa at tumango ako. Sumimangot lang naman siya at bumalik na lang sa pagkakahiga.

“Fine, I like you too. I really do..”sambit ko bago napaiwas ng tingin. Ramdam ko naman ang titig niya sa akin dahil do’n.

“Hmm, then are we together now?”nakangiti niya pang tanong sa akin.

“Duh! Hindi tayo pwede, kahit naman na gusto kita’y hindi tayo kailanmam magiginh pwede. Kaluluwa lang ako. Makakahanap ka pa ng babaeng makakasama mo sa pagtanda and I thought you already move on?”tanong ko pa sa kanya at pinagkunutan siya ng noo. Kung tratuhin kasi ako nito’y parang wala lang naman. Parang hindi siya umamin o ano kaya walang awkwardness sa aming dalawa.

“Do you really think that I can? Lalo na kung araw araw ay nakikita kita?”tanong niya pa at napanguso.

“Edi sana’y sinabi mo! Edi hindi na sana ako nagpakita sa’yo.”sabi ko pa at inirapan siya.

“Why would I even asked that when I also want to see you?”natatawa niyang saad.

“Shut up..”sabi ko dahil ramdam ko nanaman ang mga paru-parong nagliliparan nanaman sa aking tiyan.

“And why would like another girl when you’re here?”tanong niya pa at nginitian ako. Hindi kami pwede pero bakit parang gusto kong subukan? Bakit parang gusto kong ipaglaban? Napabuntong hininga na lang ako bago siya nilingon.

“Are you sure you want to date a soul who you can’t kiss? Someone who can’t take care of you? Someone you can’t hug? Someone you can’t date normally?”tanong ko sa kanya.

“Hmm? What do you mean who can’t take care of me? You’re always the one who help me the most when I’m in my darkess night. Someone who I can’t date normally? Then let’s just make it normal.”natatawa niyang sambit sa akin.

“I don’t care if I can’t kiss, hug, or even touch you. I was fine seeing you.”sabi niya pa at ngumiti sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapaiwas ng tingin dahil do’n. I hope so. Balang araw baka maghangad ‘to na mahawakan at mayakap ako tulad ng ibang tao at nakakatakot na baka hindi ko ‘yon magawang ibigay sa kanya. Isa pang mahabanv buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya nilingon muli.

“Alright..”sabi ko kaya tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

“Let’s try it..”aniko at napanguso. Malapad naman siyang napangiti dahil do’n.

“Let’s try what?”tanong niya pa habang nakatingin sa akin.

“Dating.”

Touch of DeathWhere stories live. Discover now