Chapter 22: The Savior Saves The Princess

1.2K 40 17
                                    

Chapter 22: The Savior Saves The Princess

“What is the meaning of this Katerine?!” Napatingin kami ni Kate sa Mama nya. At agad kaming bumitaw sa pagkakadikit namin..

“Ma, ah-ano kasi.. Ano..” Nanginginig yung boses ni Kate.. Hindi nya ata alam kung anong sasabihin.. Kailangan ako na ang magsalita..

“You Iyanne, what are you doing here in my daughter’s room?!” Galit na si Tita Ara.. I should be a man, kailangan ko ng ipagtanggol si Kate..

“Mama, napuwing lang po si Iyanne, tsaka naglalaro kami. Don’t act to much..” Siniko ako ni Kate, tumingin sya sa akin at nilakihan ang mata..

“Ah opo tita, napuwing kasi ako kanina.. Tapos naglalaro kami.. Opo.. Tama.. Paunahan mabilang yung buhok sa pilik-mata.. Opo, yun nga.. Bilangan ng buhok sa eye lashes..” Ano ba yung naisip ko?! Hala ka naman, nakakatawa ata yung naisip kong laro.. Hindi ata convincing.. Tsk.. Tsk..

“What?! Counting of eye lashes?! Kate?! What’s this?! For God sake!” Sabin a eh, hindi nga convincing yung sinabi ko.. tsk..

Lumabas na si Tita ng kwarto ni Kate.. Medyo nakahinga na kami, pero hindi ko pa din alam kung nakalusot ba yung reason namin..

“Bakit eye lashes yung sinabi mo? Pimples dapat yung sasabihin ko eh..” Bumulong si Kate sa akin.. Tapos ngumiti ng bahagya..

“Ha? Are you kidding? Hindi maniniwala si Titan oh, nakita mo ba kung may pimple ako kahit isa? Wala di ba?” Napangiti na din ako sa kanya..

Hindi pa man kami nakakagalaw ni Kate, bumukas na naman ang pinto ng kwarto ni Kate..

“You two, bumaba na kayo.”  Si Tita Ara, pinabababa na kami.. Agad din nyang sinara ang pinto at bumaba na..

“Tara na Iyanne, galit na si Mama.. Ngayon na lang ulit sya nagalit ng ganyan dahil sa akin.. Tara..” Nalungkot yung mukha ni Kate, nauna na syang naglakad.. Kaya sinundan ko din sya agad..

“Kate, I’m so sorry.. Hindi ko sinasadya yung mga nangyari.. Sorry talaga..” Hinawakan ko sya sa braso bago ko yan sabihin.. Lumingon naman sya..

“Nangyari na Iyanne, kahit papano let’s be thankful na hindi nakita ni Mama.. Pero hindi na dapat yun maulit.. Lalo na, we have no commitment..” Inalis ni Kate yung kamay ko sa braso nya.. At tumango sa akin.. Naglakad na sya.. Sumunod na din ako..

Pagkababa namin ni Kate nakita namin si Tita na nasa kusina, mukhang nagpre-prepare.. Magluluto ata.. Nahihiya na ako kay Tita Ara.. Kaya magpapaalam na ako pauwi..

“Sige Kate, next time na lang ulit.. I should go home na..” Nagpaalam na ako kay Kate, tumango lang sya at ngumiti ng kaonti..

Papalapit na ako sa kusina ng magsalita si Tita Ara..

“Stay. Dito ka na maghapunan.. Nagluluto ako. Wag ka ng tumanggi. Cause I insist.” Medyo kalmado na yung boses ng Mama ni Kate..

Pero wala na akong nagawa, may kasalanan ako sa Mama ni Kate, hinalikan ko yung prinsesa nya.. Hinalikan ko ang prinsesa nya ng walang paalam.. Nang hindi sinasadya.. Ay hindi, sinadya ko pala yun, yung halik.. Pero yung nararamdaman ko, hindi ko sinasadya.. Kasi parang kusa na lang.. Na yung puso ko, iba yung nararamdaman pag kasama ko si Kate.. May kakaibang bilis ang tibok ng puso ko.. May kakaibang kasiyahan na dala..

“Upo ka na lang muna Iyanne.. Nood ka na lang din..” Nakaupo sa sofa si Kate.. Nanonood.. Naupo na lang din ako.. Sa kabilang dulo ng sofa..

30 mins ang lumipas, walang ibang maririnig kundi ang tv na nakabukas.. Walang nagsasalita sa kahit sino sa amin.. Hanggang sa matapos magluto si Tita Ara..

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon