Chapter 13: Kate's Chapter

1.3K 51 41
                                    

Chapter 13: Kate's Chapter

Kate’s POV

Nagbobonding kami ngayon, kasama ko si Buddy at si Cotton.

May super duper friends.

Kwentuhan lang, asaran at kulitan dito sa Wildlife..

Oy! Dirty Ice Cream! Ayain ko nga si Buddy!

"Tara, bili tayo ice cream Buddy, ayun oh! iwan natin si Cotton dito, hehe"

Agad kaming pumunta sa nagtitinda, iniwan muna namin si Zha, hehe

“Manong! Ano hong mga flavor?” tanong ko kay Manong na nagtitinda ng ice cream.

“Mango, Chocolate at Ube Miss Beautiful,” sabi ni Manong, mambobola si Manong, Miss Beautiful daw? Heheh

“Naku Manond ikaw talaga! Chocolate sa akin, sayo Buddy?” Tumingin ako kay Buddy na nakasilip sa lagayan ng ice cream.

“Ube akin, mango na kay Zha..” Sagot ni Jared habang nakasilip pa din..

“Ay Buddy, may barya ka ba dyan? Inilapag ko pala sa mesa duon yung purse ko,” Bigla kong sinabi kay Buddy dahil hindi ko pala nakuha ung coin  purse ko..

“Aw, anduon din ung wallet ko. Dyan ka na lang, akin na yang kay Zharie ibibigay ko na sa kanya. Hintayin mo ko kukunin ko lang yung wallet ko.” Kinuha ni Jared yung Ice cream na hawak ko para kay Zha, tapos agad na umalis..

“Manong saglit ha? Wala pala kaming pera na dala. Heheh Pasensya na po.” Sabay sabi ko sa Manong na nagtitinda ng ice cream tapos subo ng ice cream..

After 5 mins, naubos ko na ung kinakain ko..

“Ang tagal naman ni Jared, Manong, isa pa nga po, yung Mango naman. Ang tagal nung kasama ko eh, hehe” humirit pa ako kay Manong, grabe! Nakakatuksong tumambay sa lagayan ng ice cream. XD

Maya-maya ay dumating na si Jared.. Dala pa rin nya yung ice cream para kay Zha. Bakit kaya??

“Buddy, ang tagal mo. Oh bakit nasa iyo na yan? Wala ba si Zharie dun?” Tanong ko sabay dila sa ice cream.

“Ah,, hindi Buddy, ayaw nya nitong flavor. Ahm, ung chocolate na lang daw..” Sabay sabi ni Jared, seryoso ung mukha nya.

“Ah ganun ba? Sige sayo na yang Mango Buddy, tara bayaran na natin si Manong tapos punta na tayo dun.”

“Ha buddy?? Mamaya na lang kaya?” Hinawakan ni Jared yung braso ko.

“Bakit? Napapano ka ba? Tara na, gusto ko ng maupo.” At naglakad na ako pabalik sa pwesto naming.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon