Chapter 43: Kate's Debüt: Stressful?

1.1K 39 25
                                    

Chapter 43: Kate’s Debüt: Stressful?

Pakiramdam ko ako si Cinderella..

Kaharap ko ang aking Prince Charming. Papalapit sya sa akin.

At hiningi nya ang aking kamay, unti-unti sumasabay kami sa indayog ng tugtugin. Nakatingin sa sya aking mga mata. Ako, nakahawak sa kanyang mga braso. Bumabagal ang oras. Pakiramdam ko hindi uso ang orasan sa mga sandaling ito. Hanggang sa matanaw sa ‘di kalayuan ang isang babae. Ang mga tingin nyang nakakasugat sa sobrang talim. Saka ako nagising sa katotohanan. Hindi ito fairy tale. Ako si Kate, Prinsesa ni Mama at Papa, sya si Iyanne ang inaakala kong Prinsipe ko. At si Zharie, ang tunay nyang Prinsesa.

“Kate.. I’m so sorry..” Bulong ni Iyanne.

“No need to apologize, okay lang yun. It’s just being my escort, not big obligation.” Then I smiled back to him.

“I know it hurts Kate.. Nung araw na nagback out ako. Yun din ang araw na naging kami ni Zharie.” He added.

Biglang sumakit ung dibdib ko. Pakiramdam ko, wala akong dapat ikagalit o ikaselos. But it really hurts, I don’t expect this. I shouldn’t feel this. Magkaibigan lang kami ni Iyanne, he doesn’t even court me. Pero bakit parang nasasaktan ako na sinabi nya yun. I don’t have any idea of him courting someone. I don’t even have any idea of him, having Zharie as his girlfriend. My Cotton.

“Please Iyanne, it’s really okay. No big deal. Don’t ruin my night. Nakakainis lang ang paulit-ulit na sorry. Okay naman na kasi. Just forget want happened.” I said.

“And that’s the 18 Romantic Dances of our Debutant, Katerine. May we call on all the Handsome Men who joined Kate her 18 Dances. Picture taking time!” Biglang sabi ng MC.

Naglapitan ang lahat ng mga nakasayaw ko kanina. Sina Papa, Tito’s at Cousins. Classmates, Jared at si Iyanne. I had pictured with them.

After 10 minutes of taking pictures, start naman ng 18 Precious Desires.

Every participants ay may hawak na music box, kapag turn na nila sabihin ung wishes nila sa akin, pagkalapit nila bubuksan nila iyon at sasabihin ang wish sa akin.

Nauna si Mama.  Medyo natouch pa ako sa sinabi ni Mama. Naluha din ako pero hinug nya ako agad at biniro na baka mabura ang make-up ko.

Nagsunod sunod na. Hanggang sa ang last na, ang 18th. Si Cotton.

Dahan-dahan syang tumayo mula sa pagkakaupo, kinuha ang last Music Box na nasa table. At nakangiting lumapit sa akin.

Nagsimula syang magsalita.

“Hi My Dearest Close Friend Kate. Happy 18th Birthday.” Binuksan nya ang Music Box.

“Cotton..” Mahina kong sabi.

“Candy, all the good things in life are yours now. Actually, wala na akong mahihiling pa para sayo. You have good parents, nice set of friends. A very lovable Best friend over there. (sabay turo nya kay Jared na nasa bandang likuran namin sa stage.) You have me, your Cotton. I can’t ask for more. Siguro love life na lang. Since you’re not a kid anymore, I think you’re allowed to have boyfriend na di ba? Just open your eyes Kate, yung mga taong sobrang malapit sa atin akala natin kaibigan lang pala, minsan un pa yung nakatadhana sa atin. May nagmamahal sayo, malay mo nasa likod mo lang sya. Kaya ang wish ko, sana buksan mo yang isip mo at puso, para sa kanya. Ulit. I love you Candy. ” Nagbeso beso kami. At agad syang humarap sa mga tao.

“Wow, a very nice Wish Miss Zharie. Let’s see kung sino ba yang sinasabi nya. Si escort ba? Hahaha so let’s have picture taking again!” Sabi ulit ng MC.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon