Chapter 6: Iyanne's Wishlist

1.6K 68 80
                                    

Chapter 6: Iyanne's Wishlist

"Oo naman, sige hiramin mo.. Natapos ko na yang basahin, inuulit ko lang.. Bigay yan sa akin ni Papa bago ako magcollege. Kya ingatan mo yan ha?" :)

Yun na lang ang nasabi ko, halata kasi sa mukha ni  Iyanne na gusto talaga nyang mabasa yung librong yun, kaya ipinahiram ko na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi sya makahanap non. Hhhhmmm..

"Tlaga Kate??? Pahiram ako ha? Salamat talaga!"

Niyakap nya ako bigla, sa sobrang tuwa ata.. Bumilis yung tobok ng puso ko, hindi ko alam kong bakit.. Pero ngayon ko na lang ulit naramdaman to, ang init ng yakap nya, mahigpit, at mas lalong humihigpit... Yayakapin ko na sana sya ng bigla..

*Beeeeeeeeeep!*

*Beeeeeeeeeeeeeep!*

Naka-green light na pala ang stop light, naka-go na! Nakakaharang na kami sa mga kotse sa likod!

"Iyanne! Naka-go na!"

Bumitaw ng akap si Iyanne, hindi nya ata naisip na niyakap nya ako kasi bigla na lang syang nagmaneho, nakangiti pa din sya.. Sobrang laking ngiti..

"Ay! Go na pala! Tara na, milktea na milktea na ako! Thank you ulit sa book ha!"

Sabay tingn nya sa akin, at kumindat pa. Haist, napatitig pa tuloy ako sa kanya, pero mga 3 seconds lang. hahah :D

Nakarating kami sa Moonleaf, himala, hindi masyadong matao nung oras na yun. Good! ^^,

Dun kami puwesto sa may bintana, si Iyanne ang omorder. Pagkaorder nya, naupo agad sya, Pearl Milk Tea yung inorder nya.. Pareho kami..

"Gusto mo ba tong flavor na to? Eto kasi yung madalas kong inoorder eh." Sabi nya habang pasipsip sya sa straw ng milk tea nya.. Ang cute nya, para syang batang bingyan ng lollipop na katatanggal lang yung plastik,. Heheh

"Ayaw mo ba Kate??" Bigla syang tumingin sa akin, habang nakasipsip pa sa straw..

"Hindi ah!" Napailing ako, tinitignan ko kasi syang uminom. Ang cute nya. Hehehe..

Nagkwentuhan kami ng 2 oras, tungkol sa pamilya ko, sa pamilya nya.. Something personal about our family, puro yun lang.. Binigay ko na din yung I.D. nya, at yung libro ko, hiniram na din nya.. Tapos hinatid nya ako sa may sakayan ng LRT, ayoko na kasing magpahatid sa may sa amin, panigurado andun na si Mama.

Naging isang masayang araw to kasama si Iyanne, isang bagong kaibigan.

_________________________________________________________________

Iyanne's POV

Nandito na ako sa bahay, himala, walang Gig si Ate Emma, nandito sya ngayon sa bahay.. Si Gab din, andito ngayon, pero tulog na sya sa kwarto ni ate..

Dumaretso na ako sa kwarto, ayokong maghapunan, busog na ako sa paborito kong MILK TEA. XD

Naligo ako at agad na nahiga sa kama, kinuha ko yung libro ni Kate.. Maayos pa rin tong cover, parang bagong-bago pa din. Maingat si Kate, sa bagay bigay to ng Papa nya.. Binuksan ko yung libro, at nakakuha ng pansin ko ang bookmark na nakaipit sa page 25 ng libro..

“You forget what you want to remember, and you remember what you want to forget.”

― Cormac McCarthy, 

Nilagay nya sa bookmark yung isang line sa novel.. Sinulat nya tapos dinikit sa folder, ginupit nya ng pa-rectangle, nilagyan nya ng ribbon sa itaas.. at may pirma nya sa likod..

"K.:)"

Bigla kong naalala siKate, Yung totoo maganda si Kate, at ang ganda ngayon ni Kate, sa lahat ng nakilala kong magandang babae, kakaiba si Kate, kalog sya, lalo pa syang gumaganda pag ngumingiti sya.. Kakaiba tong si Kate, kakaiba.. Pinahiram pa nya sa akin tong libro nya... Sa kanya lang ako nakakita ng libro na to, sa tagal ko ng hinahanap to.. Sa tagal na..

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon