Chapter 3: Teddy Bear

1.8K 81 72
                                    

Chapter 3: Teddy Bear

"Keychain?? May kasamang keychain tong binigay nya?? Mapapawi ba nito ang uhaw ko?"

Maganda yung keychain, gitara yung shape nya. Mga 3 inches yung laki nya, gawa sa metal. Tinignan ko yung likod kung may nakalagay.

"BUDDY."

Buddy yung nakalagay. Buddy yung pangalan nya? Buddy yung nickname nya?

________________________________________________________________

Ako si Iyanne Chris Añuguerro, "AYAN", yan ang pronounciation ng pangalan ko, akala kasi ni Mommy last child na akong ipapanganak nya, kaya ayun, pinagtripan ata ang pangalan na ibinigay sa akin. Haha 18 years old na ako. Pangalawa ako sa aming 3 na magkakapatid. Si ate Emmanuel na 21 years old at si Gabriel na bunso namin, 5 years old. Pareho silang babae. Parang baliktad eh noh? ako pang babae pangalan ko, sila puro panglalaki. Btw, Nakatira kami sa QC, si Mommy at si Daddy kadalasan nasa mga business trip nila, kaya kaming tatlo, ang palaging naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay namin. Ayos naman, si  Ate Emma, kumakanta sa mga resto-bar, pinagbawalan na yun ni Mommy pero pawasay, kaya ayan, hanggang ngayon, hindi pa din graduate. 1 year na lang sana at graduate na sya, naadik lang sa pagkanta. Si Gab, sya ang angel ng pamilya. Minsan sinasama sya ni Mommy pag sa Asia lang yung Business trip nila, o kaya pag malayo ang trip nila at matagal silang hindi makakauwi dun muna sa relatives namin sa Makati pinagsta-stay si Gab, minsan kasi hindi namin maasikaso ni Ate Emma. Kahit pasaway akong anak, pinipilit kong magaral ng mabuti. Pinipilit ko ng baguhin yung sarili ko.

____________________________________________________________

Yung babaeng nagbigay sa akin ng milktea? Ang ganda nya, kulot yung buhok nya, parang sa mga artista, natural ba yun? O nung nakita ko lang sya? Magkukulot pa ng buhok sa pagpasok sa school? Effort naman ata yun, anong oras sya gumigising para lang gawin yun? Pero maganda sya, maganda din ang height nya para sa babae. 5'6". Balingkinitan ang katawan. Maputi, mapupulang natural ang labi nya. Pero hindi ko makita ang mata nya nung una, nakashades kasi sya.

Pagkaabot nya nung milktea, umalis sya agad. Hindi ko alm kung bakit nya yun binigay, basta ang sabi nya..

"Kuya sayo na lang, mukhang kanina ka pa jan! Oh! Tanggapin mo na!"

Nagulat ako sa ginawa nya, bakit naman nya kasi ako bibigyan ng Milktea? Hindi ko naman sya kilala. Tapos umalis na sya agad. Pagkabigay nya, may nahulog syang keychain. Pagkapulot ko, ibibigay ko  sana kaso bigla na syang nawala.

"Ang bilis naman nya maglakad??"

Tinignan ko yung milktea na binigay ni Ate, buti at malamig pa. Pero hindi ko alam kung iinumin ko ba yung binigay nya, baka mamaya kung saan nya lang to nakuha. Pero mukhang hindi naman.

"Ano kayang flavor nito??"

kahit mahilig ako sa milktea, hindi ko pa ata natitikman yung ganitong flavor ng milktea.

"Saan ba to nabili ni ate?"

 "Moonleaf."

Bihira na akong bumili sa Moonleaf, may ganito pa lang flavor. Pero ayoko pa din syang inumin.

Naglakad na ako papalayo mula sa kinatatayuan ko, papasok na lang ako ng school. Sayang yung uniform ko.

*Kring!*

*Kring!*

Bryan Nicolas

Calling..

"Oh Par.."

"Par nasaan ka? Hindi ka ba papasok? Anjan ka na naman sa school nila Angel mo?"

"Oo Par. May klase ba tayo? Papasok na ako.." sinasabi ko yun habang naglalakad at nakatingin sa milktea na binigay ni ate sa akin.

"Wala Par, haha swerte ka! Oy Pot, magmalling naman tayo mamaya. Namimiss ko ng magshopping ng mga chickas.  Hahaha"

Pot, ayan ang nickname ko sa bahay. Si Mommy ang nagpangalan sa akin nyan, nagaya na ng mga kaibigan ko dahil yan palagi ang tawag sa akin ni Mommy pag nasa bahay ang barkada ko. Eh kahit naman wala sila, yan talaga ang tawag ni Mommy sa akin.

"Oo sige, sige. Basta kasama kayo ni Jared."

"Sasabay lang daw si Jared sa atin, magkikita daw sila ng Mommy niya eh. Kaya tayong 2 lang ang makakapagmalling."

"Oh sige sige."

Pagkababa ko ng phone, dumaretso na ako papasok ng school.

___________________________________________

Kate's POV

Uwian na!!

Sa wakas, 6pm na.

Dideresto na ako sa SM, malamang andun na si Buddy, palagi yun maaga, alam nyang ayoko ng pinaghihintay nya ang babae. :)

Pagdating ko ng SM 7pm na, andun na sya sa palagi naming meeting place. Sa labas ng bookstore. Ang pogi ng buddy ko, hehe nakangiti na sya sa malayo pa lang na nakikita nya ako. Lumapit ako agad sa kanya at binigyan sya ng isang malutong na kurot sa ilong.

"Budddddddddddy!"

"BB ano ba!! Ilong ko!!"

"Hahah! Ang gwapo mo kasi eh, tara, libre mo na ako ng milktea!"

Nginitian ko sya ng sobrang tamis, madali kasing mapapayag si Buddy ng ganong ngiti ko. hihi :)

Nasa Chatime na kami, gusto sana naming tumambay sa place. Kaso maraming tao, kaya si Jared na lang daw ang pipila, magtake-out na lang daw kami.. Umupo muna ako sa labas ng Chatime, dun sa may halamanan.. Ayaw kasi ni Jared na makipila pa ako, marami nga kasing tao.. Daming estudyante, pano, uwian time na kasi, at malapit na din ang dinner. Nagkalat na naman ang tao sa mall. >.< Nakakasakit naman ng ulo yung ganito. Hmp!

"Buddy, cr muna ako.. " lumapit ako kay Jared.

"Sige BB :))))"

Nagtinginan ang mga tao nung tinawag nya akong BB, akala ata nila magboyfriend kami.

"Ingat ka BB ha?" Sabay kurot sa pisngi ko ng marahan.

"JARED." seryoso ang mukha kong sinabi yan kay Buddy,

"Sorry na, sige Buddy. Cr ka na."

______________________________________________________

Jared's POV

Ayaw na ayaw ni Kate na tinatawag ko syang BB lalo na pag nasa public kami, napagkakamalan daw kasi kaming magboyfriend. Eh bagay naman kasi kami. Kaso hindi pwede. BESTBUDDY kasi kami, hanggang dun na lang talaga yun.

Ang tagal kong makabili ng milktea, haist. Sobrang daming tao. Dapat sila Par ang kasama ko ngayon, eh kaso nagaya sila kung kelan naaya ko na si Kate. Minsan mas gusto ko talagang si Kate ang kasama, sina Bry naman palagi ko kasama sa school. Kaya kunwari si Mommy na lang ang kikitain ko, ayokong makilala nila si Kate, madali nilang magugustuhan si Kate. Hindi lang dahil sa maganda sya, kundi pati ang ugali nya tiyak na madali nilang mapapakisamahan.

Tumitingin tingin din ako sa labas habang nakapila, baka kasi nasa labas na si Buddy. Pero iba ang nakita ko, PATAY.

"Par!"

"Par!"

"Umiinom mommy mo ng milktea? Asan si Tita?"

 "Ah-h.. An-no.. Naglibot libot si Mommy. Bumili lang ako, oh saan kayo? Si Iyanne asan?"

 "Hay naku tol, tinanung mo pa, eh di andun oh! Sa mga stuffed toy. Lagi naman yun dumadaan dun pag andito tayo."

Tumitingin na naman si Iyanne ng TEDDY BEAR.

*~~~~~

sacchariferousdream®

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon