Chapter 12: Wallet

1.3K 55 40
                                    

Chapter 12: Wallet

Zharie's POV

I miss Iyanne,. Bakit hindi na sya nagtetext sa akin? Dati rati kapag 1 week na akong hindi nagtetext mangungulit na sya para kausapin ako, mangangamusta ng paulit-ulit malaman nya lang na talagang okay ako.. Bakit ngayon parang nakalimot na ata sya? Ano kayang nangyari?

Itext ko kaya sya? Ay hindi.. Ay oo,, itext ko na sya,, Ay tama, wag,. Waaaaaaaaaaaaaah! Naguguluhan na ako! Gusto ko na syang itext, haist! Bahala na nga, itetext ko na sya, bahala na talaga. Basta namimiss ko na Angel ko. :(

 Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa study table ko..

To: Iyanne, My Angel

Miss u..

Message sent.

Hinintay ko syang magreply, after 5 mins.. Wala pa ding reply coming from him.. Haist..

Bakit ganun?

Nagbago na ba sya? :(

Dati rati wala pang 1 minute, may reply na sya.. What happened to you Iyanne? What happened to my Angel? :(

Naligo na lang ako, may lakad nga pala kami nila Candy, kasama si Jared. Yung bestfriend nya. Mukhang dala ni Jared yung kotse ny, susunduin daw nila ako eh. Pupunta kaming Wildlife, sa QC.. Sa QC daw, sana makita ko si Iyanne dun, kahit makasalubong lang.. Basta, makita ko lang ulit sya..

Pagkatapos kong maligo, tumakbo ako agad sa study table ko, kinuha at  tinignan ko agad yung cellphone ko, baka kasi nagreply na si Iyanne.. Pero wala pa din, sobrang lungkot na ung nararamdaman ko..  Kaya nagbihis na lang ako, nagpatuyo ng buhok at nag-ayos ng sarili.. Maya-maya kasi darating na sina Candy..

Nag-aayos na ako ng bag ng biglang may natext, baka si Candy. Malapit na siguro sila..

Message Received.

From: Iyanne, My Angel

Miss u 2.

Huh? Bakit ganito ung reply nya? Wala man lang kaemo-emotion?

Reply.

Kmsta k n? Hnd k n ngttxt ha? Bc n b?

Message Sent.

Bigla akong kinabahan, kinakabahan ako sa maaari nyang isagot.. Baka hindi ko magustuhan, baka masaktan ako sa ireply nya.. Ay hindi, bakit naman nya yun gagawin eh mahal nya ako, hindi sya agad na magbabago..

Message Received:

From: Iyanne, My Angel

Aus lng. Oo eh, mjo bc n.

Ano ba namang reply to ni Iyanne? Walang kalambing lambing?? Haist! Napapano na ba sya?! Baka naman may dinadate na syang iba? Ah hindi! Hindi sya ganun, hindi nya ako agad-agad na papalitan sa puso nya, alam ko, mahal nya ako. Sinabi nya yun, patutunayan nya yun sabi nya.. Pero teka, hindi pala ako pumayag..

Reply.

Bc san? My gf k n? My dndate k n b?

Message sent.

Mas nakakakaba, mas sobrang nakakakaba.. Sana, ung isagot nya, ung pabor sa nararamdaman ko.. Ayokong masaktan.. Dahil kung sino man ang babaeng nagugustuhan na ni Iyanne ngayon, I swear. Hindi sya magiging masaya. Hinding-hindi..

Unang naging akin si Iyanne, at hanggang kahuli-hulihan, AKIN LANG SYA.

Matagal bago ulit nagreply si Iyanne, mga after 10 mins..

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon