Chapter 34: Unforgettable Night For Jared

1.1K 44 19
                                    

Chapter 34: Unforgettable Night For Jared

“Iyanne.” Si Iyanne, nandito sya sa concert.

“Parehas yan nung keychain mong gitara na nahulog mo pagkaabot mo sa akin ng Milktea, nung una tayong nagkita.” Nagulat ako sa kanya, rebelasyon ito ha?

Saka ko naisip, kaya pala hindi ko na nakikita ung keychain kong yun, akala ko kung saan ko nahulog, sa harap pala nya.

“Nasa iyo ba yun? Pinulot mo?” Tanong ko sa kanya.

“Oo, safe sya sa kwarto ko, hindi ko lang naibibigay sayo.”  Ngumiti sya ng bahagya pagkasabi nya.

“Ano palang ginagawa mo dito Iyanne?” Tumingin ako sa kanya at ngumiti din ng bahagya.

“Syempre nanonood, ano ka ba. Hahaha ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo dito?” Ngumiti sya ng sobra-sobra, ganito oh.   ^______________^

Lumabas tuloy dimples nya, O.O  pogi, kahit sa dilim, sa bawat pagdaan ng maliliwanag na sinag ng ilaw sa mukha nya, kitang-kita ang walang kaduda-dudang kagwapuhan nya! Sasabayan pa nya ng isang matamis na ngiti, hay naku! kinikilig ako sa ngiti nya, sa kagwapuhan nya! hahahahahahaha wew, O.o

“Eto, go-see, ano ka din ba? hahaha” Tumawa na lang ako sa kanya..

“Wow, kaya pala chics na chics ka ngayon Kate, para kang si Alodia Gosiengfiao. Hahahahahaha” Tumawa sya..

“Hoy, hindi naman ako cosplayer noh, wala akong kinocosplay, pero alam ko maganda ako, hahahaha” Sabi ko na lang with full of self-confidence. hahahah

“Miss, can you please assist me to the CR?” May isang lalaking nakaupo sa isa harap ni Iyanne ang tumayo at gusting magpaassist..

“My pleasure sir, this way..” Kumindat ako kay Iyanne pagkalingon ko sa kanya sa likod. Ngumiti naman sya..

Habang hinahatid ko ang lalaking nagpaassist, hindi mawala sa isip ko si Iyanne.. Nasa kanya yung keychain ko na binigay ni Buddy, tapos nasa akin naman yung wallet nya.. Tadhana ba ito? Siya ba ang Pag-ibig ko? Hahaha ewan! Kung ano-ano ng naiisip ko! Pero teka, nasa akin pa pala yung wallet nya hindi ko pa naisasauli, laging nawawala sa isip ko. Tama, sasabihin ko sa kanyang nasa akin yung wallet nya, for sure hinanap din nya yun..

“I’ll just wait for you here Sir.” Sabi ko sa lalaking ihinatid ko sa CR, mukhang bata pa sya, parang teenager pa, pero anak mayaman ha? Sa VIP’s Area sya nakaupo eh.

Habang hinihintay ko si Sir, tinanaw ko si Zharie kung nasaan sya.. Ang daming tao, pero sa area ng mga VIP’s maayos lahat. Go-sees lang ang makikitang tumatayo except sa mga nagpupunta sa food area at CR. Si Zharie nakatayo lang, nakatingin sa stage. Mukhang busy din kasi sa panonood ung nakaassigned sa kanyang VIP dahil hindi man lang nagpapakuha ng food or nagpapasama sa CR..

“I’m done Miss.” Naistorbo ang panonood ko este nahinto ang panonood ko ng biglang nagsalita sa tabi ko ung Sir slash Teenager na inassist ko.

“Okay, let’s go back to your seat Sir.” Ngumiti ako at itinuro ang daan papunta sa upuan nya. Nagsimula na rin kaming maglakad.

“Miss don’t call me Sir, I’m only 15 years old.” Napatingin ako sa kanya, 15 pa lang pala sya? Eh ang tangkad nya, sing tangkad nya si Jared.

“Okay, don’t call me Miss na lang din, if you want just call me Ate Kate. Pero kapag tayong dalawa lang ha, baka kasi pagalitan ako ng event organizer pag narinig tayo, sabihin wala akong galang sayo. VIP ka pa naman.” Ngumiti ako pagkasabi ko sa kanya.

“Sige, I’ll just call you Ate Kate, basta Kerwin na lang itawag mo sa akin. O kaya Ewin, codename ko yun. Hahahahaha!” Tumawa sya ng malakas, nakakaaliw tong bata na to, how I wish I do have a younger sibling.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon