Epilogue

1K 41 23
                                    

Epilogue

Ito ako ngayon.

Nakaupo sa harap ng bintana, nakaabang lang mula dito sa aking kwarto. Napatingin ako sa nakasabit sa cork board ko sa harap ng computer table, ang keychain ni Kate na hindi ko pa rin naibabalik. Siguro nga, para sa akin iyon. Para may manatili pa ring alaala mula sa kanya. Nasa monitor ng computer ko ang profile ni Kate sa facebook, isa akong tanga para hindi marealize na sya pala yung nag-add sa akin dati. Nabasa ko pa ang last post nya sa kanyang Facebook wall, “Someday, I’ll be your greatest regret.”. That was her last status, until now hindi pa rin sya naguupdate-- at masasabi ko, nasapul ako nuon. Halos isang buwan na ang lumipas mula ng pinost nya yun sa wall nya. Ngayon, wala na rin akong lakas ng loob na iaccept yung request nya, kaso paano ko pa yun gagawin kung binura na nya ang friend request nya sa akin.

Nakapatong naman sa side table ang isang Grande size ng Milk tea. Mancha flavor, inorder ko mula sa Moonleaf. Isa sa mga favorite milk tea stores namin ni Kate. Nung mga panahong nagbobonding kami bilang magkaibigan. Mga panahong wala pang feelings na involve. Mga panahong naeenjoy lang namin ang company ng bawat isa.

Nang dahil sa isang milk tea, naging magkakilala kami ni Kate. Naging magkaibigan, hanggang sa nauwi kami sa malalim na pagtitinginan.

Nagsisisi.

Nalulungkot.

Nanghihinayang.

Yan lang ang mga nararamdaman ko sa ngayon.

Nawalan na rin ako ng gana pa sa magiging pamilya namin ni Zharie, but I’m still doing my part, being a husband-- bagamat hindi pa naman kami kasal. And sooner or later, to become a father.

Dahil sa wish list ko, nabuo ang lahat ng meron kami noon.

Masayang samahan namin ni Kate.

Mas naging malapit kami sa company ng bawat isa.

Maging ang malalim na pagtitinginan.

Pero dahil din sa wish list ko, nasira na lang ng ganun kadali ang lahat.

Nasayang na tiwala.

Pagkakaibigang nadamay na ang lahat.

Nagkasakitan ng damdamin.

Wala eh, nangyari na lahat.

Umalis na si Kate. Wala na akong aaminin.

Siguro nga, talagang nasa huli ang pagsisisi.

Sana pinaglaban ko na lang sya.

Sana naging totoo na lang ako sa nararamdaman ko.

Sana umamin na lang ako.

Sana hindi ako naduwag.

Sana hinarap ko na lang kung ano yung sinasabi nitong puso ko.

Kaso wala na, ang tangi ko na lang magagawa ay ang maghintay.

Ito, mag-abang sa anong dala ng tadhana.

Mas pinili ko ang taong gagawin ang lahat para sa akin. Pero ang taong nakatadhana na maging laman ng puso ko, ayun hinayaan ko nang makaalis.

Sana magkita ulit kami.

Dahil ngayon pa lang nagsisisi na ako.

 

"Kuya sayo na lang, mukhang kanina ka pa jan! Oh! Tanggapin mo na!"

 

Yan yung sinabi ni Kate nung inabot nya sa aking yung milk tea habang nagaabang ako kay Zharie sa labas ng University nila. Funny thing, they were close friends that time. Hays..

Napangiti na lang ako na kinuha ang Mancha Milk Tea sa side table, sabay nun ang pagtingin ko sa labas mula sa bintana. Unti-unti ng pumapatak ang ulan, mukhang uulan ng malakas dahil sa dilim ng kalangitan.

Napailing na lang ako,

“Nakikiramay sa kalungkutan ko ang langit. Hanggang kailan kaya uulan? Kailan kaya yan titila?”

 

~~END OF BOOK 1~~

*~~~~~

sacchariferousdream®

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED) 🎉
The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon