Chapter 28: MOA Eye

1.1K 40 10
                                    

Chapter 28: MOA Eye

Kita ko sa mukha ni Kate na nagulat sya sa sinabi ko, na may pagtataka sa kanya kung bakit pinasasakay ko sya agad-agad, pero hindi naman sya nagtanong pa. Binuksan nya ang likod na pintuan ng aking kotse at sumakay. Pagkasara nya ng pinto, agad ko namang pinaandar ang kotse..

"Who is she brother??" Tumingin sa kanya si Gab na katabi ko sa my harapan.

"She is your Ate Kate Gabs, be nice to her." Sabay tingin ko kay Kate gamit ang mirror na nasa harap ko..

"Kate, sya si Gabriel. Little Sister ko, 4 years old pa lang sya kaya ganyan. Makulit yan, sana matagalan mo sya, Hihihi" Totoo, makulit si Gab, kaya minsan hindi ko kayang mag-isa lang akong nagbabantay sa kanya sa bahay..

"Hi At-teh Kate!" Sumampa si Gab sa upuan at binitawan si Chibby sa lapag..

"Hey Gab! Don't put Chibby there! You're so bad! Get her and give her to Ate Kate." Napatingin ako kay Gab, ang kulit!!

Dahan-dahang kinuha ni Gab si Chibby at binigay kay Kate.

"Thanks Gabby, are you the one who's taking care of Chibby??" Tinanong ni Kate si Gab habang hinihimas si Chibby na nilagay nya sa lap nya..

"Brother  feeds Chibby, I don't want to feed Chibby. She so Takaw. And she smells so disgusting! So iwwi puppy!" Ang sagot ng maarte kong kapatid.

"Hahahah wag mong pansinin yan si Gab Kate, mataray talaga yan. Hahaha bata pa lang nakuha na ang katarayan ni Mommy!" Natawa na lang ako, nakita ko din si Kate na natawa.

"Are you studying na Gab?" Tanong ni Kate kay Gab na nakaupo at nakaharap lang sa bintana..

 "Yeah, I'm in Nursery.. And I have a crush, his name is Joshii. He's so damn cute!" Napatingin ako kay Gab, hala tong batang to, marunong na ng crush??

"I want to meet Joshii when I pick you up at school ha Gab, I think he's not cute." Inasar ko ung kapatid ko. Kasi pikon syang tunay, hahahah

"Yeah!! You'll just get envy to him, cause he is so cute! Hmmp! Ugly Brother! " Sabi na eh, pikon na bata, haha

"Ang cute nyong magkapatid Iyanne, how I wish I also have a little sister to be with.." Nakaramdam ako ng lungkot sa boses ni  Kate, may sasabihin sana ako sa kanya pero bigla namang nagsalita si Gab..

"I can be your little sister At-teh Kate,. Just don't forget to bring chocolates for me whenever you visit me at home." Nagtaas ng kilay si Gab pagkasabi nya kay Kate.

"Yeah, I will. Gab, do you like Kisses chocolates? :))" Tumingin ako kay Kate, saka ko naisip, SAAN NGA BA KAMI PUPUNTA???

"Teka, Kate, san ba tayo pupunta?" Sabay tanong ko sa kanya.

"Aba ewan ko sa inyong magkapatid Iyanne, di ba pinasakay mo lang ako dito?" Nanlaki ang mga mata ni Kate sa tanong ko.

"I wanna go to amusement park!! I want to ride the carousel!" Tumayo si Gab sa upuan ng, nagtatatalon sa excitement. Eh hindi pa nga kami nag-aagree sa sabi nya??

"Sa MOA tayo Iyanne, para malapit lang, pagabi na din kasi oh, para mabilis lang, mukhang gusto talaga ni Gab eh.." Hinawakan ako ni Kate sa balikat, kaya pumayag na din ako.

After an hour, nakarating kami sa MOA, nagpark ako ng kotse at agad- agad pumunta sa The Bay Amusement Park. Medyo padilim na, kaya mas naging okay tong pagpunta namin, mahangin, masarap sa pakiramdam yung lugar, kahit matao ayos lang..

Nang makita ni Gab ang Park, bumitaw sya sa kamay namin ni Kate, at tumakbo agad.

"Gabby!" Tinawag sya ni Kate at agad na sumunod sa kanya, napatakbo na rin ng bahagya.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon