Chapter 40: Billiards Zone and Kate's Home

1.1K 36 14
                                    

 Chapter 40: Billiards Zone and Kate's Home

Tumingin si Iyanne kay Jared..

“H-how did you know her Jared?” Gulat na tanong nya.

Si Jared nakatingin lang sa akin. Yung mukha nya, biglang kinakabahan ang hitsura.

“Teka nga! Teka! Ibig sabihin, kayong dalawa? Kilala nyo na si Zharie?!” Biglang sabat ni Bryan.

Yung totoo, hindi ko na malaman kung anong dapat kong gawin. Tatlong lalaki ngayon ang nasa harapan ko. Tatlong lalaki na konektado ang buhay dahil lang sa nag-iisang babae. Dahil lang sa akin.

“Yes, I know her Par, so sya yung sinasabi mong bebot, Bryan?!” Tumingin sa akin bigla si Iyanne pagkasabi nya.

Kailangan kong depensahan ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Bryan sa kanilang dalawa, ayokong magkaroon sila ng masamang iisipin sa akin, lalo na si Iyanne.

“Ano bang pinagsasasabi mo sa kanila Bryan?! Psh. Yes, he knows me Iyanne. He is Bryan, my childhood friend. Hindi ko naman alam na kilala ka ng ungas na ito eh.” Umirap ako kay Bryan at agad na lumapit kay Iyanne.

“Ha?! Anong childhood friend ka dyan?!” Epal ni Bryan.

“You remember what I told you before? Na may Guy na akong nagugustuhan? Na he’s better than you? Hindi ko naman akalain na kaibigan mo pala sya, hindi na ako mahihirapan ipakilala sayo si Iyanne.” Humawak ako sa braso ni Iyanne.

“What the?! Kaibigan ko pa talaga?!” Nanlumo ata si Bryan sa sinabi ko.

“Bryan.. Par..” Sambit ni Iyanne, gusto ata nyang lapitan si Bryan.

“I understand. Oo na Zharie! Oo na! Kalilimutan na kita.” Yung mukha ni Bryan, halatang gusto ng manapak, nagtitimpi lang sya.

“Par. Pot. Wag kayong mag-away.” Ow there he is, nasa gilid nga pala si Jared.

“Pero teka Par, ikaw? How did you know Zharie?” Tanong ni Iyanne.

“A-ah ano, we have..  a.. a common friend. Di ba Jared?” Pinandilatan ko ng mata si Jared. Para mag agree na lang sya sa sinabi ko.

 “Sinong friend naman yan?” Curious na tanong ni Iyanne.

“Hmm. Classmate ko, na kilala din ni Jared. Coincidence di ba?” Ngumiti ako kay Iyanne.

Si Jared hindi maipinta ang mukha, kala mo dala nya lahat ng problema. Ewan ko ba, nalusutan ko na nga, ganyan pa din sya.

Si Bryan naman, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Kala naman nya gusto ko sya, kung makareact kasi.

Si Iyanne plain face. Un lang.

“Let’s eat.” Aya ko sa kanila.

Nakakatamad kaya manood ng billards, si Iyanne naglalaro. One on one sila ni Bryan. Parang nilalabas lahat ni Bryan yung sama ng loob nya, dahil sa tuwng hindi sya makakashoot, puro mura nilalabas ng bibig. Si Iyanne naman puro pangpagaan ng loob ang sinasabi.

Si Jared, tahimik. Nanonood lang.

Walang kumikibo, ayaw pa ata nilang kumaen. Si Jared parang ewan, tingin ko, kailangan ko syang kausapin.

“Jared, tara. Samahan mo ko sa baba.” Pinandilatan ko na naman sya, para agad na sumama.

“San kayo pupunta?” Tanong ni Bryan Ungas.

“Magpapaload lang ako, papasama ako sa kanya. Magtetext ako sa Papa ko.” Pagtataray kong sagot sa kanya.

“Bilisan nyo ha Angel.” Sabi naman ng sweet kong Iyanne.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon