Chapter 10: Byaheng Monumento

1.3K 55 28
                                    

Chapter 10: Byaheng Monumento

Jared's POV

Tinext ko si buddy, pupunta ako sa kanila, hindi ko nareplyan yung text nya kanina. Sobrang busy lang talaga.. Haist, ayoko nang ganito, alam ko nagtatampo yun sa akin kasi hindi ko sya tinext.. Pero bakit ganun? Dati nangungulit sya pag halos buong araw akong hindi nakapagtext sa kanya.. Bakit ngayon ni isa wala?

Tama, pupunta na lang ako sa kanila.. Babawi ako, dadalhan ko sya ng paborito nyang dessert.. Chocolate. Haist..

Pumunta ako kila Kate, tinext ko muna sya nung malapit na ako sa kanila.

Si Kate, pag tinext mo at after 5 mins hindi pa nagreply, ibig sabihin ayos lang sa kanya.

Pag nagreply sya, its either hindi pwede or may matinding dahilan.

Kakaiba eh noh? Hehe, yan ang Buddy ko.

To: BB :)

Buddy, pnta q now sa inyo, otw n aq, see u. :)

Message sent.

After 10 mins wala pa ding reply, ibig sabihin okay na pumunta ako, buti na lang at malapit na ko sa kanila.. Nag LRT na naman ako para mabilis, excited na kong makita ang Buddy ko, namimiss ko na sya,, ilang araw na..

Pagdating ko sa kanila, nakasara yung bahay nila.

"Buuuds?.

Kaaate?..

Kateriiiiiine....?"

Wala pa ding lumalabas, asan kaya sila ni Tita? May lakad ba sila? Hindi sya nagreply so ibig sabihin pwede akong pumunta, pero na saan sya? Bakit wala naman dito sa bahay nila?

Tumayo ako sa gilid ng kalsada, maghihintay ako hanggang may dumating..

 Nilingon-lingon ko ang ulo ko, baka sakaling dumating na sila..

After 5 mins, nakita ko si Kate, tumatakbo papalapit sa akin. Napangiti na ako nung nakita ko sya..

"Buddy! Kanina ka pa? Sorry ha?" Hinihingal pang sinabi ni Kate,

"Sorry ha? Hindi ako nakapagreply sa text mo kanina.. " Nahiya ako kay Buddy, pakiramdam ko, may kasalanan ako sa kanya..

"Hindi noh Jared! Ayos lang yun, wag ka nang malungkot dyan, okay naman ako eh." Tumatalon si Kate habang sinasabi nya yun, parang ang saya-saya nya.. Kahit hindi kami nagkita kanina, parang ang saya-saya nya, ano kayang nangyari??

"Nagpunta lang ako sa flower shop kanina, kasama ko yung kaibigan ko. Tapos may napulot kaming puppy, ayun, pinacheck up namin kay Mama. Tapos nag milk tea kami saglit. Tapos eto, umuwi na ako."

Halata yung saya kay Kate habang sinasabi nya yun, parang hindi ordinaryong araw to para sa kanya..

"Sinong kaibigan? Si Zharie?"

"Si Zharie? Hindi ah, lalaki tong kaibigan na sinasabi ko sayo Buddy.."

ANO DAW!?!?! LALAKI?!!?! SINOOOOOOOOO?!?!?

"SINO KATE?!" Seryoso ang mukha ko habang sinasabi yun sa kanya, naiinis kasi ako. Sinong lalaki ang kaibigang bago ng Buddy ko?!

"Grabe namang mukha yan Buddy, kwekwento ko sayo sa loob, ano tara na?"

"Oh eto pala, chocolate, alam ko bihira ka na kumaen nyan,,"

"Thank you Buddy! Tara sa loob!"

Hinatak ni Kate yung braso ko papasok sa bahay nila.. Inaya nya akong magdinner, mag pancit canton na lang daw kami. Hehehe tinamad na naman magsaing ang Buddy ko,

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon