Chapter 47: Zharie's Last Ace

949 28 14
                                    

Chapter 47: Zharie’s Last Ace

Magpapanggap muna akong wala akong alam. Ayokong magmukhang walang pinagaralan kung susugurin ko sila basta-basta. Kahit hindi pa ako tapos sa pagaaral, alam ko ang dapat kong ikilos. Kailangan kong pagplanuhan ang lahat. Mahirap ng magkamali.

Before lunch babalik na kami ng Manila. Kaya nagaayos na kami ng mga gamit namin para iimpake.

Nagaayos ng gamit si Kate kaya tinulungan ko na sya dahil tapos naman na ako sa mga gamit ko. Sa isa nyang bag, nakita ko ang isa sa mga dahilan kung bakit masasabi kong matalino ako. Ang wallet ni Iyanne. Grabe lang, hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang wallet ni Iyanne? Bakit kaya hindi pa nya ibalik? Sus, ikapapahamak pa nya ito. Ooppss. Sorry, idea ko yun. Baka maisip nya, iligtas pa nya sarili nya.

“Cotton, okay na yan.” Sabi ni Kate, nabigla ako sa kanya. Kaya agad kong sinara ang bag nya.

“Okay, tara let’s go!” sabi ko na lang.

Sa byahe pauwi lahat kami nakatulog. Sa eroplano tulog na nga, pagdating pa sa van tulog din lahat. Pero nung nasa van na, duon gumana ang utak ko. Duon nabuo ang plano ko. Tignan ko lang kung hindi ako maawardan ng best kontrabida award sa gagawin ko.

Nagising ng saglit si Kate, kaya sinimulan ko na ang plano.

“Kate, pahiram ng mirror mo.” Sabi ko kay Kate na nakaupo sa likuran ko banda.

“Ikaw na kumuha Zha, ito bag ko.” As usual, alam kong ibibigay sa akin ni Kate ang bag nya, ugali nya yan eh, pinapadirect na ako sa bag nya. Tamad yan maghanap sa bag nya.

“Okay.” Inabot nya ang bag nya. Ito ung bag nya na kung saan nakita ko ung wallet ni Iyanne.

Agad kong hinanap ang wallet ni Iyanne. Yun naman talaga ang pakay ko eh, hindi ang salamin. Meron naman ako nun noh. Ang wallet ni Iyanne, yun ang kailangan ko.

Kinapa ko ang bag ni Kate. Medyo marami syang gamit, kaya hinanap ko ng mabuti kung nasaan ang wallet ni Iyanne. Nang makita ko, agad kong isinilid sa bag kong nakabukas na at kanina pa naghihintay sa wallet ni Iyanne na ipasok ko sa kanya.

“Candy, here’s your bag! Thanks!” sabi ko na full of smile.

“You’re welcome Cotton.” Sabay pikit ni Kate.

Sige lang Kate, ngayon nakakatulog ka pa ng maayos. Sigurado akong kagabi nakatulog ka din ng maayos pagkatapos nyo akong pagtaksilan ng Boyfriend ko. Malamang inakit mo pa si Iyanne. Alam kong nasaktan ka dahil sya ang Kuyang Pogi mo. Wag ka na ding magalala na magisip ng paraan kung paano sasabihin sa akin yang sikreto mo na nagugustuhan mo na si Iyanne. Kasi kami na, sorry. At kaya mo nga ito ginagawa eh. Dahil hindi na kayo pwede. Sumisimple ka pa kay Iyanne. Gusto mo pang agawin sya sa akin. Sorry ulit, pero sa simula’t sapul pa lang, akin na sya.

Pagdating sa Manila, kumain muna kami sa Restaurant. After nun, nauna na ang family ni Iyanne na umuwi, gusto daw ni Iyanne na ihatid kami sa bahay namin lahat para masigurado ang parents namin na ligtas kami hanggang pagbalik. Ako na ang nagsuggest na mauna nang ihatid si Kate. Syempre, para sang-ayon lahat sa plano ko.

Pagdating namin sa lugar nila Kate..

“Sige guys dito na lang.” nagwave ng ba-bye si Kate.

“Ihahatid kita sa inyo, magpapakita ako sa Mama mo.” Singit naman ni Iyanne. Ewan, papansin din eh, aalis na nga si Kate. Pero sige, tama yan.

“Wala ata si Mama eh, pero sige, ikaw bahala.” Ngiti nitong si Kate.

Pagbaba ni Kate sa kotse, sumunod si Iyanne. Pati si Jared bumaba na din, nagsisunuran sila pati sina Bryan at Millen. Good. Sang-ayon lahat sa plano ko. This is it. Let the camera roll, and let the show begin.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon