Chapter 39: At The Billiards Zone

1.1K 36 18
                                    

Chapter 39: At The Billiards Zone

Iyanne’s POV

That day was awesome. I mean, yeah it’s awesome walking, running under the rain. Isa yun sa mga wishes ko, ang makaligo sa ulan. Thanks for Kate who was with me that time. Sabi ko na eh, lucky charm ko talaga sya. :)

But I got sick, ewan ko ba. Dahil siguro sa halos ilang araw na napuyat ako magreview. Ilang araw na hindi kumpleto ang tulog, tapos naulanan? Okay lang kahit nagkasakit ako, worth it naman eh. I should be thankful kay Kate, pati.. Pati kay Zharie, who was with me the whole night after I played under the rain.

**FLASHBACK.

I’m so happy na bumalik ng campus, naisip ko kasi si Millen. Baka makita ko pa sya, sasabay akong umuwi . Naglakad lang ako hanggang sa makita ko si Zharie sa front gate ng school, sinalubong nya ako nung nakita nya ako. Unti-unti nakakaramdam na ako ng sakit sa ulo. Hindi ko na lang pinakita na may masakit sa akin. Hindi ko alam, pero tingin ko hindi pa din kasi talaga ako makaget over sa nangyari na naligo kami ni Kate sa ulan, ang utak ko at ang puso ko punong-puno pa din ng kaligayahan dahil sa nangyari.

"Iyanne! Oh basang-basa ka?! Hindi ka man lang sumilong?!" Bungad sa akin ni Zharie pagkalapit nya.

"Ang saya Zharie! Sobrang saya!!" I just expressed the happiness that I feel nung mga oras na yun. Pero pagkasabi ko nun, bigla na lang dumilim ang paningin ko. All of a sudden wala na akong nakita.

I just woke kinaumagahan. Hindi ko agad idinilat ang aking mata nung medyo nagising na ako, para kasing inaantok pa ako. Kusang pumipikit ang mata ko para matulog muli. After ilang minutes, idinilat ko na ang mga mata ko. Ibinaling ko ang aking tingin sa paligid ng kwarto ko. At ayun, nasa kwarto ko pala si Zharie. Nakatitig lang sa sya sa akin. Nasa may paahan ko sya, malapit sa study table ko.

“Oh Zharie. A-anong ginagawa mo dito? Ang aga pa..” Sabay punas ko ng aking kamay sa mata.

“Hindi mo maalala? Hinimatay ka kahapon nung nakita kita sa school nyo. Basang-basa ka ng ulan.” Sinabi ni Zharie habang papalapit sa akin.

“Ah oo, naligo kami sa ulan..” Bulong ko sa sarili.

“Are you fine? Do you wanna eat?” Hinimas ni Zharie ang ulo ko.

“I’m okay. So ikaw? Ikaw yung nagbantay sa akin the whole night?” Tumingin ako kay Zharie.

“Sino pa bang ine-expect mo? Ang kasambahay nyo? Si Ate Emma? Si Millen? O baka si Gabriel. May iba pa ba kaysa sa aming lima?” Parang may meaning yung sinabi ni Zharie, pero baka ako lang yung nag-iisip na meron pa ngang iba. Kasi, meron naman talagang iba.

“Ah, wala. Salamat sa pagaalaga Zharie. Salamat.. Pwede bang favor? I want to rest na.. Uhmm. Uhmm.. Mamaya na lang ako kakain. You can go home and rest. Uhmm.. Uhmm.. Don’t worry. Okay na ako.” Nagturn ako sa kabilang side ng bed pagkasabi ko kay Zharie.

I know she took care of me last night, but I felt disappointed. I thought it was Kate who was with me.

Wala na akong narinig pagkatapos kong tumalikod, pero pinakikiramdaman ko si Zharie. Kung anong gagawin nya or what. Kung lalapit ba sya o lalabas na ng kwarto.

“You’ll never forget this day Iyanne, katulad ng hindi ko paglimot sa araw na ito. Walang ibang mag-aalaga sayo katulad ng pag-aalagang ginawa ko para sayo. Kahit sino man yan, kahit sino man sya. Hinding-hindi nya ako mapapantayan. I SWEAR. I REALLY SWEAR.” Biglang sumara ang pinto ng kwarto ko, lumabas si Zharie pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang yun.

**END OF FLASHBACK.

And Kate also took care of me. Dahil sa kanya natupad yung isa na naman sa mga wishes ko, ang maligo sa ulan. Tapos eto ngayon, nakakain na ako ng beef. Medyo hindi ko ineexpect yun, kaya may saya na naman akong naramdaman.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon