Chapter 9: The Other Guy

1.4K 60 39
                                    

Chapter 9: The Other Guy

Pumunta na kami sa Flower Shop, si Tita lang ang nandun, nasa harap sya ng cash register.

“Oh Kate, napasyal ka? Himala, wala ka nanaman magawa sa inyo? Aba, at may kasama kang pogi. Boyfriend mo?”

Tuloy-tuloy na sinabi ni Tita, haist, ang daldal talaga! Nakakahiya kay Iyanne, napakunot ako sa noo sa sinabi ni Tita, at sya, tumatawa..  Kinalabit ako ni Iyanne sa braso,

“Ang kulit ng tita mo. hehe” binulong nya sa akin..

Napatingin ako sa sinabi nya at napangiti ng bahagya.. At mas napangiti pa nya ako ng kunin nya sa braso ko si Chibby, sinabi nyang..

“Halika na Chibby, pagod na si Mommy mo na kargahin ka, dito ka na kay Daddy..”

Kumindat sya sa akin pagkakuha nya kay Chibby, nakatingin lang ako sa kanya sa sinabi nya..

“Talaga? Magboyfriend kayo Kate? Himala, nagkaboyfriend ka na ulit?!”

Tumaas ang kilay ni Tita, haist. Nagiisip na naman sya agad-agad ng hindi naman totoo. =/

“No tita! Hindi ko sya boyfriend.”

“Eh bakit may mommy-daddy na kayo? At yang puppy pa ang anak nyo? Wag mo nang ilihim, sige ako ng magsasabi sa Mama mo kung natatakot ka.”

Walang paki si Iyanne sa usapan naming ni tita, naglalaro sila ni Chibby. Kaya nilapitan ko si Tita at sinabi ang totoo.

“Tita, hindi nga po kami, napulot lang naming ni Iyanne yang tuta, hindi ko alam kung bakit nya naisip yung mommy-daddy na yun.  Pero promise po, hindi ko sya boyfriend Tita. Magkaibigan lang po kami.”

Tumingin si Tita kay Iyanne, nakita nyang nilalaro pa rin ni Iyanne si Chibby.

“Sige, maniniwala na ako, pero pogi sya Katerine, mukha ding may kaya sa buhay, nakakahiya naman tong Flower Shop natin..”

“Hindi tita, sya po ang nagsabi na kung pwede syang sumama dito.”

“Oh sige, kumain na tayo, baka gutom na yang pogi mong bisita.”

Kumain na kami ng lunch, pagkatapos nun ay tumulong kami ni Iyanne na kahit paano ay magbantay sa shop. Natuwa yung mga namimili dahil may cute na nag-aassist sa kanila, kaya natuwa din si Tita dahil nadagdagan ang benta namin sa araw na to.

Mga 3:30 ay umalis na kami ni Iyanne, pupunta kami sa Pet Shop, ipapacheck up namin kay Mama si Chibby. Binigyan ni Tita si Iyanne ng isang bouquet ng ibat-ibang bulaklak, bilang pasasalamat daw.

Sumakay na ulit kami ng kotse papunta kay Mama,

“Ang cool ng Tita mo, hehe”

“Oo naman.” Sinabi ko habang hinihimas si Chibby na natutulog sa hita ko..

“Wala ka palang boyfriend?”

Napatingin ako sa sinabi ni Iyanne at napangiti ng konti..

“Wala nga, ayoko na kasi muna ulit magkaroon ng boyfriend.”

Napatingin sa akin si Iyanne, “Bakit naman? Sa ganda mong yan, imposible ding walang nanliligaw sayo.”

“Ayoko lang talaga.. Ayoko na muna.. Pwede ding, ayoko na ulit..”

 .......................

Natahimik kami ni Iyanne, mga ilang segundo din. Kaya naisip kong ako na lang ang babasag ng katahimikan namin..

“Eh ikaw? May girlfriend ka ba?”

“Meron sana, kung pumayag lang sya..” Deretso ang tingin ni Iyanne. Haist, seryoso na naman sya, iba talaga sya pag seryoso, parang nagtratransform..

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon