Chapter 32: Past and Present "TENSES"

1.1K 40 22
                                    

Chapter 32: Past and Present "TENSES"

Zharie’s POV

Hindi ko pa din akalain, tinu-two time ako ni Iyanne? Tama ba? Nakikipagdate sya kay Kate kahit na lumalabas din kaming dalawa?

Haist..

Lumabas na ako ng coffee shop kahit na halos 1 hour pa din akong tumambay dun pagkaalis ni Millen kasama si Iyanne..

Madilim na at traffic, ewan ko ba kung sasakay ako ng jeep eh mukha namang hindi uusad ang mga sasakyan.. Naisipan ko na lang na maglakad sa kahabaan ng Quezon Ave.. Tutal kanina pa naman ako nakaupo, lakad-lakad na lang muna..

Lakad..

Lakad..

Sige lang, hanggang saan ba ako maglalakad? Eh ang haba kaya ng Quezon Avenue!? Tsk!

ANO KA BA ZHARIE RUBIANO?

Inulit ko ang sinabi ko na kanina eh iniisip ko lang..

“ANO KA BA ZHARIE RUBIANO?” Sinabi ko ng malakas..

“Tao ka. Hahahahahahaha” May nagsalita sa bandang kaliwa ko.. Wala naman akong katabi.. Kaya napatingin ako sa sasakyan na nasa kalsada..

“Bryan?!” Nakasilip sya sa bintana ng kotse nya..

“Wow, naaalala mo pa ako magandang binibini. Mabuti naman! Naknang! maganda ka pa din!” Hindi pa din sya nagbabago, palabiro pa din sya at alaskador.

“Bakit? What do you expect? Pumanget na ako? Grabe ka naman. MR. BRYAN NICOLAS.” Nagpout ako ng lips.

“Naku wag kang gumaganyan Babe! Baka bumaba ako dito at halikan ko yang lips mo! Inaakit mo ako Babe! Wag ganyan! Ggggrrrr!” Hay naku si Bryan talaga!

By the way, Bryan Nicolas was my classmate nung high school.. Lagi kaming partner sa lahat ng mga contests na Mr. and Ms.. Palagi naman kaming nananalo, iba daw yung chemistry naming dalawa.. Kaya ayun, 2nd high school nung sinimulan nya akong subukan na ligawan.. I rejected him for so many times pero ayaw nyang sumuko.. Hanggang 4th year high school.. Kahit na ayaw ko nung ginagawa nya at hindi ko na din sya pinapansin para tumigil na sya, sya tong lapit pa din ng lapit.. Hindi ko nga malaman, kung bakit kahit hayaan syang ligawan lang ako eh hindi pa rin ako pumayag.. Siguro nga, dahil Papa’s Girl ako simula pagkabata kaya talagang nung time na yun hindi ko magawang suwayin ang sabi ni Papa na after college pa ako pwedeng magboyfriend..

“Sakay ka na Babe!” Sumigaw si Bryan sa akin, pinasasakay nya ako sa kotse nya..

“Ha?” Nakatayo lang ako na nakaharap sa kanya, traffic kasi kaya konting-konti lang yung andar ng kotse nya..

“Sabi ko sakay ka na. Ihahatid na kita pauwi. Baka mapano ka pa kung maglalakad ka, pagabi na oh, ang kagandahan mo, bentang-benta yan!” Sabi nya pagkatapos ay ngumiti ng nakakaasar.

Bigla kong naisip si Iyanne, sya na ung nangliligaw sa akin, sya na.. Hindi na pwedeng magpahatid ako kahit kanino..

“Ayoko, kaya ko sarili ko. Tsaka mas gagabihin ako kung sasabay ako sayo, traffic kaya! Kaya pa kitang unahan makauwi noh.” Naglakad na ako at iniwan ko si Bryan.

“Babe! Ano ka ba! Wag kang makipaghiwalay sa akin! Pano na yung mga anak natin?! Pano na sila?! Hindi namin kaya ng wala ka Babe! Maliit pa nag mga anak natin, wag mong gawin sa amin toh!” Boses yun ni Bryan..

 Lumingon ako at nakita ko syang lumabas ng  kotse, nakatingin sya sa akin, at sumisigaw..

“Babe! Wag mo kaming iwan na pamilya mo!” Ung mukha nya seryoso, parang totoo lang.

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon