Prologue

986 25 3
                                    

Missus’s POV

“To all go-between, magsisimula na ang byahe niyo patungo sa dreamland.”sambit sa amin ni Tatang Pedro, ang head ng mga messenger na katulad ko. Siya ang naghahandle sa lahat ng messenger dito sa aming mundo.

Nagsipila naman na kami ng mga kasamahan ko.

“Suhz, anong pangalan ng pupuntahan mo ngayon?”tanong ni Analita sa akin. Isa sa mga kasamahan ko.

“Lito Manalastas.”sambit ko.

“Oh? Balita ko’y mahal na mahal pa rin niyan ang asawa’t hindi pa rin nakakamove on ngayon.”sambit ni Paulita. Kahit kailan talaga ay chismosa ang mga ito sa mga patay.

“Kaya nga hindi makaalis alis si Aling Amore, hindi pa rin niya ito maiwanan hanggang ngayon.”sambit naman ni Analita. Napailing na lang ako sa kanila dahil lahat na ata ng patay dito’y nakakachismisan nila.

Kaya hindi pa rin nakakatungo sa Utopia e.

“Magsitigil na nga kayo’t paandar na ang train.”sambit ko na nauna ng sumakay sa kanila.

“Sus! Akala mo naman ay hindi ka isang chismosa riyan.”natatawa nilang saad sa akin. Napanguso naman ako dahil dito. Well, medyo lang at alam ko na rin naman ang tungkol kay Aling Amore at sa asawa nito.

Sumakay naman na kami sa train kung saan dadalhin kami sa dreamland. Nakahawak pa ako sa isang gilid. Naihampas ko naman ng hawak hawak na notebook si Leandro nang isadya niyang ibangga ang sarili sa akin.

“Isa pa’t hindi lang ‘yan ang matatanggap mo, kaya hindi ka pa kinukuha sa Utopia e.”sabi ko sa kanya na napailing pa.

“Wow, isa ka rin, pare-parehas lang naman tayo dito.”sambit niya sa akin.

Well, hindi ko pa rin gustong tumungo doon dahil may kapatid pa akong inaalagaan. Nag-iisa lang ‘to sa poder ng Tita kong matapobre kaya hindi ko maiwasang huwag mag-alala. Hindi pa rin naman nila ako inaanyayahan na magtungo sa Utopia dahil hindi naman ako ganoon kaseryoso sa trabaho.

Naging mensahero ako ng patay at buhay dahil magnanakaw ako sa real world dati.

“Ano, Suhz? Nagd-daydream ka nanaman ba diyan? Nandito na tayo!”sambit nila sa akin. Tumango naman ako at lumabas na sa train na sinasakyan namin.

As usual, malaperpekto ang dreamland kaya lang ay nakakatakot kapag nagtungo ka sa nightmare side. Mabuti na lang ay hindi ako roon ngayon.

Nagtungo ako sa masayang bahagi ng dreamland. Agad kong nakita si  Lito Manalastas na nakatayo lang sa isang tabi. Tulala ito, hindi ko naman na kailangan pang magpalit ng anyo dahil sa kanyang paniginip, mukha ng asawa niya ang kanyang makikita.

Dumaan ako sa harap nito, sinusundan ang script na nasa harap ko ngayon. O ‘di ba? Para lang kaming artista.

“Amore!”malakas na sigaw nito.

Nilingon ko naman ito, iniisip na ako si Aling Amore, sinabi ko lang ang mga nakasulat sa script na invisible naman sa kanyang paningin.

“Kalimutan mo na ako, aking sinta, alagaan mo ang ating mga anak.”sambit ko pa. Muntikan na akong matawa sa aking sarili sa galing ko sa pag-arte ngunit agad kong pinigilang tumawa dahil ako ang mapapagalitan ni Tatang Pedro.

Umiyak iyak pa ito, nakita ko naman sa screen na nasa likod niya kung nasaan ang actual na siya, pumapatak na rin ang luha nito habang natutulog.

Natapos ang panaginip nito, sigurado akong ilan lang ang matatandaan niya roon ngunit atleast ay natandaan niya na pinapalaya na siya ng kanyang asawa.

“Suhz!”tawag sa akin ni Analita nang matapos na ako sa aking trabaho.

“Oh, bakit?”tanong ko na pinagkunutan siya ng noo.

“Pinapatawag ka ni Tata Peter.”sambit niya sa akin. ‘Yon naman ang head ng mensahero ng mga patay.

Napabuntong hininga naman ako at nagtungo doon, paniguradong may iuutos ito sa akin.

“Suhz..”tawag niya.

“Po?”tanong ko naman.

“Magtungo ka sa nightmare, puntahan mo ang lalaking nagngangalan nito.”sambit niya na pinakita sa akin ang isang lalaking may pangalang Archangel Kane Arellano.

Ito ang lalaking madalas nilang pagchismisan dito sa Afterlife, hindi kasi kami makakalap ng impormasiyon tungkol dito, maski ang Ate niya’y hindi nagkukwento. Ang mga nakakataas lang ang may alam tungkol sa kanya.

Napabuntong hininga naman ako dahil laging sa akin inaatas ang trabaho para sa kanya. Paano’y walang naglalakas ng loob dahil nakakatakot lagi ang nakapaloob sa kanyang panaginip. Wala atang pagkakataon na maayos ito.

Nagtungo ako roon, akala ko’y matatakasan ko na ito. Pagkapasok na pagkapasok ko lang ay bumulaga na ang mga nakakatakot na creatures na nandito sa loob.

Nakita ko naman siyang nakaupo sa isang tabi. Hinihila hila siya ng mga masasamang nilalang na nandito sa loob ngunit hindi siya gumagalaw sa kanyang pwesto.

Tinignan niya naman ako ng walang kaekspre-ekspresiyon ang mukha.

“Archangel..”tawag ko sa kanya kahig na Kane ang nakasulat sa script. Well, mas maganda kasi ito. Gwapo sana ito kaya lang ay laging seryoso kapag nagtutungo ako dito. Kahit sundin ko ang script na nakasulat, para bang wala itong gustong sabihin sa Ate niya.

“Archangel.. huwag kang susuko.. magpakatatag ka.”sambit ko na hinawakan pa ang mukha nito. Napatawa pa ako sa sarili dahil nanantsing lang.

Sinabi ko pa ang ilang nakasulat sa script habang nakatingin sa mga mata niya. Nakatingin lang naman ang mga mata niya sa akin, walang kahit anong lumalabas sa kanyang bibig.

Paalis na sana ako ngunit nagulat na lang ako dahil sa unang pagkakataon ay nakapagsalita ito.

“Why are you here?”tanong niya na hindi pa rin naman umaalis sa kanyang kinauupuan.

“’Cause you need me.”sabi ko na lang dahil wala na akong script na babasahin.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now