Chapter 22: Plan number One

392 20 2
                                    

Chapter 22: Plan number One

Danesha pov

You heard it right! Ako ang magsasalita ngayon. Nais kong marinig niyo kung anong nasa isipan ng isang Danesha. Natutuwa ako dahil tiyak na magiging masaya ang pagtambay namin sa tinatawag nilang boracay. Isa sa magandang destinasyon dito sa mortal world.

"Let's go." napapailing nalang ako sa kalokohan ni Catherina. Napakunoot noo naan sina Aika at eli. Siguro ay hindi lang sila sanay sa bunganga ni Catherina. Anyways mukha namang exciting!

"Ano yang nginingisi mo ate Dane. Naku naku isusumbong talaga kita kay Dami my loves" nabura naman ang aking pagngisi ng magsalita ang batang laging nakadikit sa kapatid ko. I doubt kung pinaglihi ba ni tita Leslie si Lexie sa tuko. You know the reptile na maingay lalo na sa gabi.

  "Pwede ba Lexie! For once lumayo layo ka nga sa akin at kapag hindi kita natantya. Titigil talaga yang paghinga mo." napaatras naman siya. mukhang natakot ko nga yata ang bata. Kilala niya ako sa pagiging maiksi ang pasendya. Si Alexandric nga lang nakakatagal sa akin. Kahit si Damian umaalis sa harap ko. At ayaw na ayaw ko ng mga cheesy. It's so eww.

"Gagawin ba talaga natin yun Catherina?" nakita ko naman na humabol si Eli kay Catherina na nagunguna sa pagsugod. Yeah right susugod kami. Ang talino ni Catherina diba. Note the sarcasm!

"Eli wag kang matakot. Lalaki lang yan. Although asawa mo na si Captain edi mas malaki ang karapatan mo na gawin ang sinabi ko. You're the legal wife. Ipamukha mo sa babae ng asawa mo na ikaw ang may-ari sa asawa mo."

"Ang o.a. Catherina. Hindi pa nga tayo sigurado" sabat ko naman. Kung maka motivate kasi siya kay Eli. Tinuturuan maging bratinella.

"Tama hindi dapat tayo magpadalos dalos".  segunda naman ni Autumn na walang ginawa kundi sipatin ang kuko niyang may nail polish. Huwag niyo ng hulaan ang kulay. Ikamamatay niya yan kapag hindi favorite color niya ang nailagay sa kuko niya.

"Wow coming from one of the triplets. Tumahimik nalang nga kayo. Wala nga kayo maisuggest dyan kung makareklamo kayo. Wala namang mawawala kung pupunta tayo dun diba." Sabagay my point si Catherina.

"Wala ngang masama pero mga naka swimsuit lang tayo. Wala doon ang dagat, andun sa kabila." sabay turo ni Aika sa dagat. May point din naman siya dun. Swerte naman ni Jaycho sa babaeng ito. Witty ang humor!

"Or else may dagat din doon." sabay turo kung saan kami pupunta. Erase ko na yung witty ang humor. Siraulo ang best na term. Minsan talaga si Aika the best!

Nagkaisa ang lahat na ituloy ang plano. Ang unang sisilip sa lugar kung nasaan ang mga boys ay si Yasmin. Dahil siya ang pinaka maliit. Hindi siya mapapansin agad agad. I also help her to hide her presence. Tiyak na mararamdaman agad siya nina Jaycho kung hindi namin gagawin yun.

Bumalik si Yasmin na kumakamot sa ulo.

"Maraming babae sa loob." simpleng saad niya.

"May babae ba sa harap ni Jime?" sabat agad ni Catherina at niyugyog ang balikat ni Yasmin na ngayon ay mukhang nahihilo na. Naku naman. Isang oras ng hindi kumakain ang batang yan. Mahihimatay na yan any moment. Pero teka nga. Napalingon ako kay Catherina na hawak hawak si Yasmin.

"Kaunti nalang Catherina iisipin ko talagang nagkabalikan na kayo ni Jime. Hindi ba pwedeng si Eli ang unang magtanong. Sa ating lahat siya ang may asawa sa loob." sabat ko. Utang na loob naman ng matapos na itong kalokohan na ito. I don't care naman kahit may babae si Alexandric. Subukan lang niya. Sinabi ko ba yun? Duh!

Tumabi naman siya at hinayaang makalapit si Eli kay Yasmin.

"May nakita ka bang ahm.. babae.. ahm sa asawa ko?"

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon