Chapter 16: Hell not Heaven

2.4K 70 1
                                    

Chapter 16: Hell not Heaven

Eli pov

Nagising nalang ako na nasa duyan sa parke. Wala na yung dalawa at wala ng bakas ng halimaw pati nung bata. Hindi ko na tuloy nakausap yung batang lalaki, sa tingin ko may kaugnayan siya kay Danesha. Nakita ko na kasi ang mga matang yun.

Naglalakad na ako pabalik ng bahay. Ano ba itong napasok ko. Parang wala lang na nakakita ako ng alien kanina. Parang wala lang na may namatay sa harapan ko.
Isang buntung hininga ang pinakawalan ko bago makarating sa mansyon.

"Where did you go?" natigil lang ang pagmumuni muni ko ng may magsalita sa harap ng Mansyon. Di ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng bahay.

"Ah ano doon sa park." totoo naman. ano ba kasing oras na. Ni wala akong celphone o relo para malaman kung anong oras na.

"Akala ko kung napano kana." si Zach kasi niyakap ako bigla. Naghurimintado na naman tuloy ang puso ko. Natitiyak ko na naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Za-zach" nauutal na ako ano ba yan Eli maghunus dili ka.

"Elizabeth I've been longing for love." love? Hindi ba siya mahal ng pamilya niya or do you mean?

Magtatanong palang sana ako ng bumitaw na siya at dire diretso sa kwarto nito. Nahiya ba sa akin ang isang zach?




Danesha pov

"Aika what happened to Eli?" kasi naman tulala si Eli dito sa malapit sa open area sa likod ng building namin. Kakadating ko lang mula sa lugar kung saan ako may nasaksihan. Naramdaman ko kasi na may malakas na pwersa ang inilabas sa tagong parte ng parke kanina kaya dali dali kong pinuntahan at baka siya na yung hinahanap ko. Pero hindi ko akalain ang matatagpuan ko doon. My brother with a terible monster sa harap nito. Hindi na nga makilala dahil lasog lasog na ito. Hindi parin niya talaga makontrol ang kapangyarihan niya. Ang hindi ko matanggap ay paanong andito si Damian sa mortal. Bago ko man siya tanungin. Iniwan lang niya ako ng mga salitang nagpagulo sa isipan ko.

"Protect her at all cost ate."

An then he left. I knew that he went back to Exola.

"Ha?" etong isa naman ngumunguya na naman. Parang kahit saan kumakain itong si Aika.

"Ubusin mo nga muna yan Aika." sagot ko naman. Baka kasi mabulunan siya. Itutulak ko talaga siya doon sa mga naglalaro sa field.

"Ewan ko dyan. Di ko na yan kasama sa bahay. Baka si King alam. Ack ack tu-tubig dane--." Sinabi ng tapusin muna ang pagkain. Ayan na nga bang sinasabi ko.

"Ei ayoko naman magtanong dun ano."
Hindi kami close ng lalaking yun. atsaka Im notsure kung magsasalita yun. Kay Eli lang yata yun nakikipag-usap dito sa university.

"Takot ka ano?" pang aasar ni Aika. Ako matakot? Wala pa akong kinatakutan. Kahit nga mga dragon ng council na araw araw namin kasparring noon hindi ako natatakot, sa isang mortal pa.

"Eh hin--" hindi na natapos ni Aika ang sasabihin niya ng may sumigaw mula sa kumpol ng mga estudyante.

"Ang gagwapo at ang gaganda ng mga tranferees grabe!!!!" may bagong transferee? Patapos na ang first sem ah. Hindi ba at late na sila?

"Yiiieee!!" Nakakainis naman ang mga sigawan. Now I know na kung anong nararamdaman ng dalawang ito kapag dumadating si King.

"Akin yung matangkad na long hair, mukhang vocalista ng banda!" parang si Jaycho lang??

"Akin yung badboy look!" parang si Lemuel??

"Pre akin yung mukhang prinsesa ha." parang si Margareth??

"Sige tol aking yung cute na chinita ha." parang si Yasmin??

"Basta walang aagaw dun sa kikay. Mukhang magaling sa kama pre!" parang si Catherina??

"Yung triplets tropa parang nasa heaven, ang gaganda" triplets? Sina Autum, summer at winter?

"Frieeend aking yung nakasalamin na hunk ha." si Jime lang naman ang nakasalamin sa amin

"Sister akin yung nice guy look ha. Grabe makalaglag panty ang ngiti niya. Super!!" at parang si bestfriend-- Hindi kaya?

"Sayang yung lalaking cute pero ang sama makatingin mukhang girlfriend niya kasi yung nakakapit sa braso niya na babae. We'll bagay naman sila" Wag mong sabihin na si Damian at Lexie yan!

"Parang Gods and Goddesses na bumaba sa langit. Literally heaven!!!"

Mga talandi talaga nagkalat sa university. Baka naman namimiss ko lang sila kaya naiisip ko na sila yun. Imposible naman na sila yun. Never in their vocabulary na pumunta dito. Least option na ata nila yun!

"Did everyone know where is Danesha May Dalida?" boses ni---- Oh no wag kang lilingon Danesha!!! NOOOOO!!!

"Oy.." kulbit ni Eli sa akin. Kelan pa ito bumalik sa katawan niya?

"Problema mo?" tanong ko

"Hindi ba Danesha May Dalida pangalan mo?" duh! pinaningkitan ko naman siya ng mata na sinasabing wag kang maingay. Tumahimik ka.

"Hinahanap ka nila." habang nginunguso niya yung grupo na dumating at hinahanap ang isang tulad ko.

"Ssssh wag kang maingay." bulong ko.

"Andito siya!" sigaw ng walang iba kundi si Aika. Paano ko nga ba naging kaibigan ang dalawang ito?

This is definitely hell not heaven!

School rumble na naman ito.

-----

Haha super ikli. Sorry nemen. HAHA

Malapit na pasko!!!

------

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon