Chapter 27: Code 9

255 11 0
                                    

Aika pov

Nararamdam ko parin ang kalituhan kay Eli at patuloy parin itong nag-iisip tungkol sa nangyari at natuklasan. Siguro kahit ako din naman. Big revelations naman kasi talaga yun.

Nandito na kasi kami sa cafeteria pero tila isa lamang akong hangin sa kanyang tabi. Naubos ko na ang aking pagkain ngunit nananatiling kumpleto pa rin ang pagkain ni Eli.

"Aika." unti-unti ko lang naman inuusog yung pinggan niya kaya lang napansin naman. Sayang!

"Wife your friends are not here?" sabay halik ni King sa noon ni Eli. Ayan na naman ang mga langgam sumusugod na naman. Sweetness overload.

"Aika's here." sabay turo sa akin ni Eli kahit na nakatulala pa din ito.

Kumaway naman ako habang sinisimsim ang aking fruit shake. Ang sarap pala nito. Palagi na akong bibili nito. Yum yum!

"What I mean is the other one and the other one. They are so many of them."

Napapalo naman ako sa lamesa namin habang tumatawa dahil sa sinabi ni King. Sino kaya yung other one and other one?

Napalingon naman ako sa ibang gawi at ibinalik ang pagsimsim sa aking fruit shake ng sabay akong lingunin ng mag-asawa. Atleast hindi na nakatulala si Eli hindi ba?

"You okay wife?"

"Hmm."

"You should eat your food."

"I am."

"But you didn't--" bago pa man matapos ni King ang sasabihin niya ay may umeksena sa sweetness overload ng dalawa.

"Cap your here lang pala!"

"What is it Saavedra?"

"Sorry na sa istorbo Cap. Hindi kasi pumasok si Kalyx kaya ako tuloy pinapunta nung tatlo." Sinong tatlo? Ah baka yung mga crush nung triplets. Sila lang naman lagi ang magkakasama.

"What is it again Saavedra?"

"Chill chill Cap.. Code 9." bigla-bigla naman tumayo si King. Lumingon ito kay Thunder pero muling ibinalik ang tingin kay Eli.

"I'll get going wife. Be safe."

"Hmm." isang halik sa noo ang iniwan ni King kay Eli bago umalis.

"Anong ginagawa mo Aika?" tanong sa akin ni Eli ng napansin niyang tila nagtataboy ako ng kung ano sa lamesa namin.

"Nagtataboy ng mga langgam. Kakainis ang dami nila." napangiti naman si Eli. Minsan iisipin ko na mas magandang ako ang kasama ni Eli.

Ako na lang lagi ang nagpapangiti sa taong ito.



Thunder pov

Nakakainis naman kasi bakit ngayon pa naisipan umabsent ni Kalyx. Ano bang pinagkakaabalahan nung taong yun. Mabisita nga mamaya sa bahay nila.

"What's the situation?" tanong ni Cap pagkapasok na pagkapasok namin sa silid kung nasaan ang iba pa.

"Auction Cap."

"F*ck is that code 9?" muntik na rin akong mapamura ng magmura si Cap. Taenaman bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon.

"Cap the rosegold necklace of your mom is found as one of the items." sagot ko na lamang. Yun ang narinig ko kay L kanina. Tumabi ako kay Cedric.

"Really Dela Merced?" Isang tango naman ang isinagot ni L. Bakit kaya hindi siya mag-explain dito kay Cap. Ito namang dalawa ni Jethro at Cedric wala manlang maitulong. Pawang mga nagpupunas ng kanilang baril. We are inside our private room here in school since Cap owned the school. We are given this previledged to accomodate one of the VIP rooms.

"When?" Siniko ko naman si Cedric kasi hindi ko alam ang background ng kwento. I am the bomb diffuser here. I don't usually get informations, that's L's work for pete sake!

"Friday 12th at 17:30." sagot ni L.

"That's tomorrow." muli saad ni Cap bago umupo sa kanyang upuan. Kaming lima ay may sari-sariling sofa na depende na sayo kung anong style o disenyo. Huwag mong tatangkain na umupo sa hindi mo upuan. May something sa sofa na yan. Kung gusto mo pang mabuhay.

"Tomorrow is also our first month as a couple." mahinang saad ni Cap.

"She may understand Cap." himala na nagsalita itong si Jethro habang patuloy sa pagpupunas sa kanyang long gun. Sniper ang gago!

"We better finish this early. I need to spend the best night to my wife."

"Areglado Cap!" sigaw ko pa. Kahit matagal na kaming magkakasama. Hindi parin talaga ako nagiging kumportable kapag si Cap ang nagsalita. Being a leader is like an intact ang scripted to his soul.

"Where is Shandler?" tanong nito.

"Hindi ko rin alam Cap. Usually nauuna dito ang lalaking yun pero ngayon missing in action." sagot ko nalang bago humilata sa sofa ko. Nakakapagod ang araw na ito. Ayoko ng pumasok sa PE. That subject sucks!

"Go to his house Saavedra. You know what to do." napaayos naman ako ng upo sa binanggit ni Cap.

"Pasabugin ko na ba ang bungo ni Kalyx Cap?"

"What if I do it to you first?" napakamot nalang ako sa ulo ko. Sabi ko nga hindi nalang ako magsasalita.

Napasipol naman sa aking tabi si Jethro. Tatamaan sakin ang dalawang ito kapag umalis na si Cap.

Tumayo na si Cap at handa nang umalis. Ngumiti ako ng malapad.

"You're really happy that I am leaving Saavedra." sa aking nanlalaking mga mata kahit hindi lumingon si Cap ay alam niyang nakangiti ako. Ang bangis talaga nitong Captain namin.

"Yes Cap nakita ko nga rin." segunda pa ni Jethro. Tatamaan talaga sakin ang lalaking ito.

"Hindi Cap ano kasi." paliwanag ko pa.

"You better move your ass out of here and do your task." pumailanlang ang matigas na boses na Cap sa loob.

Dali-dali naman akong napatayo at hinigit ang aking backpack. Nandito lahat ng gamit ko not for school but for underground missions.

"Maghanda kayo pagbalik ko." bubulong bulong ko sa dalawa bago tumalikod.

"Cap may sinasabi si Thunder." sipsip naman ni Cedric na nakangisi ng muli kung lingunin ang dalawa. Pasalamat sila at hindi sa kanila nakatingin si Cap. Kasalukuyan kasi itong nasa may bar counter at naghahanda ng iinumin nito.

"You saying something Saavedra?" tinataasan talaga ako ng buhok kapag nagsasalita itong si Cap parang nakasanla ang buhay mo sa bawat salitang binibitawan nito.

"Wala naman Cap sabi ko lang ang aga yata niyan baka mag-alala si misis mo kapag naamoy kang amoy alak."

Naibaba naman ni Cap ang kanyang shot glass dahil sa aking sinabi.

"Yeah." iniangat muli niya ito pero inikot ikot na lamang ang yelo at lamang inumin sa loob nito.

"You should drink this before you leave."
nanlalaki naman ang aking mga mata. Hinawakan pa ni Cap ang aking balikat ng madaanan niya ako. Anong himala ang nangyayari sa mundo.

Pagkalabas na pagkalabas naman ni Cap ay bumulanghit ng tawa ang dalawa. Si L naman ay walang pakialam as usual. Nakatitig lang sa computer niya habang nagtatype ng kung ano-anong codes.

"Papatayin ka talaga ni Cap Thunder." pahayag ni Cedric habang hindi magkamayaw sa pagtawa. Binitawan na nga nito ang baril na nililinis kanina pa. Mga mapagpanggap sabi ko na nga ba!

"Oo nga Saavedra." dagdag pa ni Jethro na ngumunguya na ng bubblem gum. Isa pa ang isang ito.

Napailing na lamang ako. Does Cap even know that I have allergy in alcohol.

For pete sake gusto na nga yata niya akong patayin.

Damn life!

Mapuntahan na nga lang ang gagong si Kalyx.

----
to be continued..

update ulit. Haha pasensya na maikli. Update ulit latersss..

dakilangmissBi
---

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now