Chapter 36: Warm hug

224 13 1
                                    

Eli pov

Magdadapit-hapon na. Tumatakbo ako ngayon pabalik ng palasyo.

Kailangan kong makausap ang hari. Kailangan kong malaman ang totoo..

"Hoy Eli bakit nagmamadali ka?" nakasalubong ko si Caterina na may dalang pamaypay na may iba-ibang kulay.

"Caterina kung mahal mo talaga si Jime. Huwag mong pigilan. Ipaglaban mo!" sigaw ko bago tumakbo ulit papuntang palasyo.

"What the hell!!!" narinig kong sigaw nito. Napangiti nalang ako.

Malapit na ako sa palasyo ng makita ko Damian.

"Prinsesa." tawag nito. Himala at hindi nito kasama si Lexie.

"Oh hi Damian! Nasa loob ba ang hari at reyna?" tanong ko.

"Hindi naman sila umaalis prinsesa." ang poker face talaga ng isang ito. Hindi manlang nagmana kay Danesha. Ang poging bata pa naman.

"Okay salamat." at ginulo ko ang buhok nito bago pinagpatuloy ang pagtakbo.

"Arrgh kung hindi ka lang prinsesa!" natatawa nalang ako sa reaksyon ni Damian.

Nakapasok na ako sa palasyo. Itingil ko na ang pagtakbo dahil baka kung anong isipin ng ibang wizard kapag nakita nilang ang prinsesa ay tumatakbo na parang walang manners.

Speaking of prinsesa. Hindi ko pa nakikita si Margareth. Nasaan kaya yun?

Malapit na ako sa bulwagan ng makasalubong ko ang triplets na kamag-anak ng mga trolls na kaibigan ni Zach. Naalala ko na naman si Zach. I feel a sudden pain in my chest upon remembering his name.

"Hi prinsesa!"

"Helooo mahaaaal na prinseeesaaa!"

"Prinsesa wag mo sila pansinin. Me! Me!"

Napakamot na lang ako sa ulo sa sinasabi ng tatlo. Kinawayan ko na lamang sila bago pumasok sa loob.

"Prinse--" akmang magsasalita pa ang tatlo ngunit nakapasok na ako sa loob. Na mabilis ko rin namang pinagsisihan. Dapat pinakinggan ko muna ang sasabihin nung tatlo. Anyways andito na ako. Lalakasan ko nalang ang loob ko.

  Isang grupo ng wizard ang ngayon ay nasa harapan ng hari at reyna.

"Elizabeth." natutuwang bigkas ng reyna

Nagsiyukuan naman ang mga wizard na nandito sa loob.

"Magsitayo kayo." saad ng hari. Ngayon ko lamang siya narinig magsalita. Authority filled the air.

"Ang seryoso mo kuya!" nanlalaki ang aking mga mata ng magsalita ang medyo may kaliitan sa kanilang babae. Ang tinutukoy ba niya ay ang hari?

"Ano ba Yelah!" sabat naman ng isa.

"Hahahaha" tumatawa ngayon ang reyna. Ano naman kayang tinatawanan niya?

"Elizabeth halika. Ipapakilala ko sayo ang council."

Lumapit ako papuntang unahan. Inilahad ng reyna ang kamay niya sa akin. Inilapit ko ito at hinigit niya ako palapit sa kanyang trono.

The feeling is nostalgic. It feels warm.

"Elizabeth. They are the council."

"Hi Lady Elizabeth. I'm Jem Marie Ilao. Water element user. I am also the twin of your father." Water? Twin? nagpalit-lipat ang tingin ko sa unang council at sa hari. They didn't resemble anything.

"Look at them my child." I stunned. This is the first time. He refer and talk to me. Why do I feel like I want to cry.

"Hala ka kuya. You make her cry." pahabol ng unang council. Pinalis ko naman ito ng aking kaliwang kamay at ngayon ay ngumiti sa harap nila.

"How can I call you?" tanong ko sa unang council na nagpakilala.

"You may call me Lady Jem or Auntie Jem or Beautiful Jem whatever you prefer is fine with me." She's indeed beautiful. She looks young just like the king and queen.

"Just call her Marie." In a split of a second the king is now wet because of Lady Jem's power. I swear, I want to burst out laughing, I just stop myself.

"Jem, I am still the king for pete sake!" dumagundong ang boses ng hari pero imbis na matakot ay matatawa ka nalang.

Naglabas ito ng apoy sa kamay nito dahilan para matuloy paunti-unti ang kasuotan nito. He's a fire user I think.

"Whatever!" napalingon ako sa reyna ng marinig ko itong tumatawa ng mahina. Ngayon ko lang nalaman at naintindihan. Ito siguro ang nais ipahiwatig ni Jaycho. May responsibilidad nga sila bilang council pero hindi ito dahilan para hindi mo maranasan maging masaya.

"Ang gulo-gulo niyong kambal. Ako na nga magpapakilala. Nice to meet you princess. I am Leslie Capistrano. Wind element user. I am no one's sister here." She's a goddess. She's really beautiful with her long wavy hair.

"Bitter" singit ng isang council. Siya yung tumatawag ng kuya sa hari.

"Ahhhh ibaba mo ako Leslie. Kuya help!" sigaw nito dahil sa isang iglap pinalipad ito ni Lady Leslie.

"Leslie." maawtoridad na bigkas ng hari.

"Tsk." binaba na ito ni Leslie. Maikli ang pasensya ng isang ito. Nanginig ako.

"Akala mo siya ay hindi nanggulo. Turn ko na. I am Nhes Dalida. Ice element User. My wife is also a council member. Here she is. Dhada Dalida, earth element user." pakilala ng bukod tanging lalaki sa grupo. He's a God. He's really beautiful.

Sandali. Napakunot ang noo ko ng may mahalata ako. He resembles Damian na nakasalubong ko kanina. Is he?

"What the effin cake! Ako magpapakilala ng sarili ko!" sabat naman ng isa sa kanila. Siya siguro si Lady Dhada. She's just like Lady Jem and Lady Lexie. But with her full bangs she outstand the stage for being beautiful.

"Ang dami mo lang sasabihin macoconsume mo ang oras ng iba."

"Tsk!"

"Sa bahay na kayo magbugbugan na mag-asawa. Its now my turn. I am Julie Madrigal, the healing angel. Nice to meet you princess Elizabeth" she's very light. Ang aliwalas ng kanyang presensya. With her chinita eyes. She really look like an angel or is she really an angel?

"She's just a wizard. Kung may angel man dito. Iyon ay ang ang iyong ina." Napalingon ako kay Lady Jem ng magsalita ito. Napatakip naman ito ng bibig ng matapos magsalita. May bagay ba akong hindi dapat malaman.

"She just ready your mind don't worry." bulong sa akin ng reyna.

"Ako naman! I am Yelah Ilao Duco. Thunder element user. Nice to meet you my dearest pamangkin." lumapit pa ito sa akin at kinamayan ako. Natatawa nalang ako sa inaasal nito. Parang hindi siya isang council.

"You now knew each other, you may now leave. We will talk to her." pahayag ng hari.

"Sungit!" narinig ko pang saad ni Lady Yelah.

  Napangiti nalang ako.

Ito ang mga taong pinagkakatiwalaan ng hari at reyna.

Ng makalabas na sila ay nagsalita na ang hari. Tumayo ang hari at reyna sa kanilang trono. Bumaba ito sa pwesto kung nasaan ang council kanina. Ngayon ay naiwan akong nasa itaas. Akma na akong hahakbang pababa ng pigilan ako ng reyna.

"You all know them. Its my time to introduce myself." yumuko ito bilang pagbibigay galang. Pero isa siyang hari. Siya dapat ang ginagalang.

"I am Franz Aries Ilao, Fire element user and your father." nakatingin ako ngayon dito.

"I miss you my child." a tear fell from my eyes. Hindi ko na inintindi ang sinabi ng reyna. Tumakbo ako pababa ng trono at inamba ng yakap ang aking ama. Unti-unti ko ring naramdaman ang payakap nito sa akin. Hindi kalaunan ay yumakap sa rin ang reyna sa aking likuran.

This warm feeling is what I am longing for all this time.

My parents presence.

----
to be continued...

Ano isa pa ba? Let's see. Masipag si author ngayon!!!

dakilangmissBi
---

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now