Chapter 24: The girl who kidnapped

362 16 2
                                    

Eli pov

Kasalukuyan kong binabaybay ang daan papasok ng aming silid. Kung sinusundan man ako ni Zach bahala siya sa buhay niya, hindi ko pa rin siya papansinin.

Pero kung sinusundan niya ako bakit hindi siya nagsasalita o nagpapaliwanag manlang. Hindi ba usually sa mga pelikula kapag galit ang babae ay husto sa pagpapaliwanag ang lalaki. Pero ano nga ba ang aasahan mo kay Zach. May tinik yata ang lalamunan ng isang ito kaya ang tipid tipid magsalita.

Hindi na ako nakatiis at lumingon na ako pagkaliko ko sa pasilyo.

Isang matigas na braso naman ang pumulupot sa aking baywang at ang isa ay tila kinukulong ako sa dingding.

"Got you my silly cat."

"I'm not a cat Zach."

"Yeah yeah.. Can you now forgive me my wife?"

"Naku Zach huwag mo akong madala dala dyan sa kalandian mo. Hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa mo kanina."

"But as far as I knew, I am not the one who kiss that slut."

"Grabe ka naman sa slut pero.." lumingon pa ako sa kabilang side bago nagpatuloy sa pagsasalita "..she really look like one though."

"Are we now at peace?" malambing na tanong ni Zach sa gilid ng aking tenga.

"Huwag kang malikot ano ba!"

"Baka marinig tayo. Malakas pa naman pangrinig niyan ni Cap." Sasagot na sana ako kay Zach ng makarinig ako ng parang may nagbubulungan. Nilingon ko ito samantalang nanatili sa pwesto niya si Zach.

"In the count of three. You motherfuckers!" hindi pa man natatapos magsalita si Zach nagtakbuhan na ang mga lalaki.

Hindi ko napigilan ang pagtawa sa nangyari.

"Zach nakita mo yun?" ibinalik ko ang tingin kay Zach at nananatili pa rin itong nakatitig sa akin.

"Bakit?" tanong ko. Kanina pa kasi siyang nakatitig at hindi inaalis ang tingin kahit na may dumating na mga asungot.

"You're not answering me yet."

"Ohhh ah kasi ano." unti-unti akong dumausdus sa dingding. Feeling ko nagwawalling ako habang nasa harapan ang isang obra na tiyak namang ikalalambot ng tuhod ng sinuman.

Pero bago pa ako makatakas ay dali-dali na niya akong nabuhat na parang sako. Nakabaliktad ngayon ang ulo ko sa kanyang likuran.

"Zach isa! Hindi pa kita pinapatawad. Dinagdagan mo na naman ang kasalanan mo. Ibaba mo ako ngayon din!"

"Not until your naked baby." sandali akong natahimik ng tawagin niya akong baby. He always called me wife. Why changed?

"Zach!!!" hindi pa man ako tapos sa aking iniisip ng kumaripas ng takbo si Zach papunta sa aming silid. Nakakainis talaga! Naiinis nga ba ako o kinikilig? Ano ba yan Elizabeth!!!!

Nagising ako sa gabing iyon. Sinilip ko ang orasan at napansing pasado alas dos na ng madaling araw. Kamusta na kaya ang iba naming mga kaibigan. Nagkabati-bati na din kaya sila? Tiyak na isang batok ang matatanggap ko nito kay Danesha. Masakit yun, mabigat pa naman ang kamay nun.

Bumangon ako sa kamang hinihigaan namin ni Zach. Mahimbing itong natutulog ng nakaboxer lang. Huwag niyo ng tanungin kung anong nangyari.

Inayos ko ang aking dress na suot. At pumunta sa veranda ng kwarto. Nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok.

"Elizabeth..."

Nagpalinga-linga ako dahil narinig ko na may tumatawag sa akin. Boses ito ng isang babae.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon