Chapter 32: Time

222 11 1
                                    

Cedric pov

5 minutes..

4 minutes..

3 minutes..

2 minutes..

"Shit 1 minute left." bulong ko.

Isang mabilis na harurot ang ginawa ni Thunder. Ang taong kahit kailan hindi nagmadali sa pagpapatakbo ng sasakyan. Natitiyak kong desidido ito ngayon at hawak niya ang buhay ng asawa ni Cap.

Ginawa na nila ang mga dapat nilang gawin ayon sa plano ni Cap. Ako itinaas ko pa ang paa ko sa manibela. Back-up ako remember. Nagsimula na din magbakbakan sa labas. Shit! Wala pa bang instruction si Cap sa akin?

"Cedric ready the bomb." naibaba ko naman ang paa ko ng magsalita si Cap. Shitzu! Totoo ba?

"Roger Cap."

I did my thing. Inside our car. Kalyx installed different bombs. Mother bomber!

"Cap ready."

"In my count of three get out of your car."

"What the fucking shit Cap! Three lang ang bilang? Paano kapag inabutan ako."

"I said in the count of three. I will not count yet." Akala ko ngayon na. Pinawasinan ako doon.

Pasipol-sipol pa ako sa loob ng sasakyan habang naghihintay ng bilang ni Cap.

"Aray ang sakit nun." napahawak nalang ako sa sariling ilong. Nakita ko kasi kung paano suntukin ni Cap ang ilong nung isang lalaki. Galit na galit si Cap. Ngayon ko nalang ulit siya nakita na ganyan. Sa mga labanan kasi normal na nanaunuod lang si Cap o di kaya'y wala siyang pwersa kapag lumalaban. Itinuturing niya lang itong mga manika kung saktan pero sa nakikita ko ngayon ay mapapatay niya yung tao kahit sa isang suntok lamang.

Ayan ang banta sa buhay naming lima. Galitin mo na ang lahat huwag lang si Cap. At kahit ano naman ang mangyari nakasumpa na ang aming loyalty sa isang katulad ni Cap. Kaming lima ay may sari-sariling pinagmulan na tanging si Cap lang ang nakakaalam ng kwento ng bawat isa. Sa madaling sabi, inampon kaming lima ni Cap. Pinag-aral at binihisan.

Alam kong sa murang edad ni Cap hindi kapani-paniwala na ganoon ang nangyari. Talaga lamang bata pa lang si Cap, may puso siya sa mga tulad namin. Kaya kahit sabihin ng iba na isang halimaw si Cap. Sa aming lima isa siyang tunay na kaibigan. Noon boss ang tawag namin sa kanya pero palagi niya kaming binabatukan at sinasabing hindi ko kayo tauhan. Simula noon narelaize nalang din namin na hindi tauhan ang hinahanap ni Cap sa amin kung hindi mga kaibigan at makakasama sa kung anong laban ang susuungin niya.

At dahil Captain ang tawag namin sa kanya. Actually kalokohan lang iyon ni Kalyx nung una dahil kahit mga kaibigan kami ni Cap hindi parin sapat para tawagin namin siya sa kanyang pangalan. Kaya bilang paggalang tinawag namin siyang Cap at kahit anong utos ang ipagawan nito sa amin ay buong loob namin itong ginagawa. Maraming naitulong si Cap sa bawat isa sa amin at yun ang bagay na hinding-hindi namin makakalimutan.

Napansin ko na pinagtutulungan si Kalyx ng halos sampung lalaki. Napasipol nalang ako ng patumbahin itong sabay-sabay ni Kalyx. Isa parin na halimaw ang isang ito.

Si L naman na genius freak ay hindi lang sa computer magaling. He's a deadly assassin for pete sake.

Jethro on the other side is missing in action. But I know where he is.. He's preparing for his long shot. He's the sniper of the group.

At ako, heto at dakilang back-up.

Napabalik naman ang tingin ko kay Cap ng may palaso ang tumama sa tagiliran nito. Pero hindi yun ang nakapagpanganga sa akin dahil pagkatapos ng isang palaso ay halos sampung palaso ang tumama sa katawan ni Cap. Umaalpas na ngayon ang dugo sa bibig nito.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now