Chapter 40: The real wife is back part I

355 15 1
                                    

Eli pov

This can't be.

I am the wife.

When the five men's gone. I decided to go look for Aika. Siya lang ang makakasagot nito since she's a witch. I believe hindi siya tatablan ng kung anumang gayuma ang nangyari rito.

Ilang beses na akong nagdodoorbell sa apartment ni Aika pero walang lumalabas. Ayon sa schedule nito. She should be home by this time.

"Miss matagal ng walang naninirahan dyan." may nagsalita sa aking likuran.

"Ano po? Pero dito po nakatira ang kaibigan ko."

"Miss baka nagkakamali ka lang ng unit. Mahigit lampas isang taon ng walang naninirahan sa apartment na yan." sagot muli ng matanda.

"Manang sigurado ba talaga kayo? Dito nakatira yung kaibigan kong si Aika. Estudyante po siya sa university na malapit dito. Tsaka anong isang taon? Dalawang linggo pa lang po ang nakakalipas." nanatiling nakatitig sa akin ang matanda.

"Pasensya ka na miss pero totoo ang sinasabi ko. Kahit magtanong ka pa sa ibang nakatira rito." napayuko na lamang ako.

"Pero maaari mo ring tanungin si Aleng Zalea. Nasa pinakaibaba siya ng unit na ito. Matagal na yun dito."

"Zalea po ba ang sinabi niyo?" Baka naman kapangalan lang ito ng taong nakilala ko noon. Tsaka imposible dahil namatay na ito.

"Oo iha kilala mo ba siya?"

"Hindi ko po sigurado. Salamat po." nagpapasalamat ako sa matanda bago nakitang pumasok ito sa katabing unit.

Bumaba ako ng ilang floor bago narating ang first floor. Dito na siguro ang sinasabi ng matanda.

Ilang beses ako nagdodoor bell ngunit walang sumasagot. Siguro wala siya ngayon dito.

Minabuti ko na lang na pumunta sa ampunan kung saan kami ni Aika nagmula. Wala akong matitirahan since kina Zach na ako nakatira simula ng ikasal kami.

Muli ko na namang naalala ang lahat.

Malapit na akong makarating ng ampunan ng makitang may karatula na nakapaskil sa labas ng ampunan. "Close"

Maging ang ampunan ay nawala na. Ano bang nangyayari?

"Prinsesa." napalingon ako sa paligid ng may nagsalita.

Naalala ko na kung sino yung nagsalita.

"Sera?"

"Prinsesa bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Ikaw Sera bakit ngayon ka lang muling nagparamdam?"

"May humaharang sa akin para gawin yun prinsesa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko rin alam. Muli akong naibalik sa aking pagtulog at nagising na lamang akong ganito na sa mundong ito. Parang napakatagal na panahon ang lumipas." Ano bang nangyayari?

"Sera they forgot about me. Aika is missing and I have no home now."

"Eli do you have any enemy? Mayroon bang gagawa ng mga ito sayo?"

"Wala naman Sera. I'm sure there is something happened when I used my power before." sandali kaming natahimik.

"Ang sabi sa akin ni Danesha.. Oras lang dito sa mundo ng mga mortal ang katumbas ng isang araw sa kanila kaya nakakapanibago na sinabi nung matanda kanina na humigit isang taon ng walang nakatira sa apartment ni Aika."

"There seems to be a time turbulence." Time? Ano bang ginawa ko?

"Sera help me. I need to find Aika and I need to return everything back to normal."

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now