Chapter 5: I'm getting married

3.1K 103 2
                                    

Chapter 5: I'm getting married

Eli pov

"Waaaaaaaaaah ELIIIII!" Hyper talaga as always. Kung alam mo lang Aika.

"Pwede ba Aika tumahimik ka." Wala ako sa mood. At hindi na babalik ang maganda kong mood kapag naalala ko ang proposal ng mag-asawang yun.

"Eli hindi ako makapaniwala. Ang ganda ng condo natin. Wala ng pipitsuging apartment at lalong wala ng witch!!!"

Isang batok naman ang binigay ko kay aika. Akala mo nanalo sa lotto ang naganap. Ni wala siyang paghihirap kung paano namin natatamasa ang mga bagay na ganito.

"Imbis na dinadamayan mo ako kasi ikakasal na ako tapos iniisip mo lang pala ay yung benefits mo." Iba din talaga mag-isip ang isang Aika. Walang wala akong karamay sa mga oras na ito. This world is very cruel.

"Ow come on Eli. Benefits mo din yan. ihhh excited na ako! Ako maid of honor ha!"

"Kasal sa judge lang yun! Mag ninang ka na lang." Laugh trip naman ang mukha ni Aika. Tingnan ko nga kung ano na naman iisipin ng kaibigan ko.

"Eeeh Eli naman ayaw ko nun! Magmumukha akong matanda nun." Infairness nasa katinuan.

"Alam mo pala."

"Wala pa naman kayong anak Eli, bakit nga ulit ako magnininang?" Binabawi ko na. Wala siya sa katinuan. nasa Pluto ang isip niya kahit humiwalay na ito sa solar system.

"Ewan ko sayo Aika" hindi ko papangarapin magkaanak sa isang Hari na ubod ng taray.

"Ang bad mo sakin lagi Eli."

"Shut up" tatahimik din pala. Sumasakit ang ulo ko talaga.

Ding dong!

"Ang sosyal na natin Eli. May doorbell." Speaking of doorbell, sino naman yung dumating. Don't tell me?

"Haaay naku huwag kang umastang kulang sa pag-iisip dyan Aika. Tara na papasok na tayo sa school." Mabuti pa go with the flow nalang muna.

"Hep hep mauna ka na! Alam ko naman na sundo mo yung nagdoorbell. Makaistorbo pa ako sa sweet moments niyo. Tsaka hello.... dalawang kanto lang ang school natin Eli. Ewan ko ba dyan sa asawa mo. Susunduin at ihahatid ka pa.. Super possessive este protective." Minsan mas gugustuhin ko pang kakaiba mag-isip si Aika kaysa ung ganito.

"Inutusan lang yun nina mom and dad. Wag kang mag-isip ng kung ano dyan." Totoo naman. That's one of dad's order, actually ayaw ni king but when his mom cried ay jusku, sandamakmak ang inabot ng isang Hari. At wala na ring choice but to follow. Nakitaan ko naman siya ng sobrang pagmamahal sa mga magulang at bibihira ang mga ganyan lalaki. He respected and followed his parents eventhough ayaw niya. Tingnan nalang natin kung anong mangyayari sa susunod na kabanata ng buhay ng isang elizabeth dimatuto.

"Wow feel na feel. Sige na." at tinulak na ako ni Aika palabas ng bagong tinutuluyan namin.

Paglabas ko ay wala siya. asan yun?
Aha nasa loob ng kotse. ano pa nga bang aasahan mo sa isang mighty King. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ng isang men in black.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now