Chapter 11: About the other world

2.6K 84 2
                                    

Chapter 11: About the other world

Eli pov

"Hmmm ang sarap talaga ng pagkain ng mga tao."

"Mga tao? Hindi ka ba tao?" Heto kami ni Aika nakatingin lang sa babaeng ito na halos mabilaukan na kung makakain. Ngayon lang ba ito nakakain after 48 years?

"Ah haha ano ba naman kayo syempre...





....Hindi." nanlalaki naman ang mata namin ni Aika. May kutob na kami pero isinisiwalang bahala lang namin.

"What do you mean hindi?" si aika ang naunang makabawi sa amin. Improving na talaga itong kaibigan ko. Lumilinaw na ang pag-iisip.

"Kasi sa tingin ko mapagkakatiwalaan kayo." mapagkakatiwalaan? What does she mean?

"Paano mo nasisigurado mapagkakatiwalaan kami?" bagkus ay tanong ko. I need to gather information first.

"Iniligtas niyo nga ako dun sa mga halimaw na yun."

"Sabagay so?" sabay na pagsang ayon namin ni Aika.

"So?" tanong niya.

"Anong so?" ganting tanong namin

"Hindi ako tao because I'm a wizard. A good wizard ha. Sabagay wala ng bad wizard sa mundo nalipol na ng reyna." wizard? What the hell may ganun ba?

"Ang gulo." si Aika naguguluhan pero hindi siya nagulat  manlang? Sabagay sa akin nga na may kakaiba hindi siya nagulat sa taong kaharap pa kaya namin.

"Ang totoo niyan. I'm from the other world. It was called Exola." May other world pala talaga so ibig sabihin totoo yung under world?

"Kabilang mundo?" parang ang dating naman noon ay sumakabilang buhay na.

"Maraming mundo hindi pa lang yun nadidiskubre ng mga tao. So going back to the topic, I'm from Exola. Actually I am Danesha Mae Dalida. I have the power of ice. Nakuha ko ang power ko sa father ko. He's one of the council sa palasyo. My mother is also part of the council and she has the power of earth at nakuha yun ng kapatid kong si Damiel." Teka teka!! power of what?

"Wow?" tila pagsang ayon naman ni Aika.

"May itatanong pa ba kayo?" madami! teka ano nga ba?

"Bakit ka nandito? Bakit hindi mo pinagtanggol sarili mo kanina? Ilang taon kana? Maganda ba sa mundo niyo? Pwede bang makarating ang tao dun?"

"Aika." banta ko kay Aika. o.a. talaga tong isang ito.

"Peace Eli." sabay peace sign ng kaibigan ko.

"Bakit ako nandito? Wala lang. Namamasyal" tinitigan naman namin siya ni Aika

" Kami ba ay pinagloloko mo?"

"Hindi ha. i have my two reasons. First ayun nga nagliliwaliw lang ako sandali and secondly hinahanap ko kasi yung bestfriend ko." bigla naman siyang naging malungkot mula sa pagiging kwela kanina.

"Bestfriend mo? Isa rin ba siyang wizard? Baki--" tinakpan ko na yung bunganga ni Aika. Ang daldal talaga. Isa pa nga lang ang nasasagot ni Danesha. Dadagdagan na naman niya ng tanong.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now