Chapter 14: Water

2.4K 85 0
                                    

Chapter 14: Water

Eli pov

Andito kami sa cafeteria ni Aika. Si Danesha hindi pa namin nakikita. Si Zach hindi ko parin nakikita.

"Ang astig ni Danesha diba Eli?" biglang tanong ni Aika habang sumusubo nung spghetti niya.

"At bakit?" paano naman naging astig yun?

"May powers siya at may dalawang mundo pa." may powers din naman ako, iisa nga lang ang mundo ko. Pero possible kaya na. Ayokong isipin ang bagay na yun. Ayokong maiwan mag-isa si Aika.

"Andito lang pala kayo. Kumaen na ba kayo?" Speaking of.

"Oo andito kami nakikita mo naman diba? Danesha san ka pala galing?" hindi talaga matatahimik itong si aika

"Dyan dyan lang. Alam mo naman ako gusto ko na namamasyal." ano pa nga bang aasahan namin kay Danesha. Tsaka alam namin may hinahanap siya.

"Sabagay." itanong ko na kaya sa kanya kung kilala niya ako. malay niyo diba galing palabtalaga ako sa mundo nila at napadpad ako dito. Iniisip ko lang si Aika.
Paano kapag tama ang hinala ko. I need to go where I belong pero ewan ko. naiinis na ako sa kaiisip sa bagay na yun.

"Balita ko swimming daw ang P.E. natin ngayon." biglang nagsalita si danesha habang umiinom sa chuckie ko. Feeling close talaga ang isang ito.

"Ah ganoon ba." sagot ko nalang sabay agaw nung chuckie ko. sayang yun. mahal pa naman dito.

"Hindi niyo ba alam?" sasagot ba ako kung alam namin. Minsan may malala pa pala kay Aika at sa pagsama ko sa dalawang ito ang ikakawala ko sa katinuan.

"Hindi. Pero okay lang naman diba Eli." Hyper na sagot naman ni Aika.

Tumango na lang ako at inubos na ang natitira kong pagkain. Ayaw ko ng sumagot at baka kung saang dimension na naman tayo dalhin ni aika.

At the swimming area...

"Talaga bang okay lang sayo dito Eli?" pag-aalalang tanong ni Aika. Actually Im not fond of water. Ewan ko ba. Feeling ko kasi palaging may mangyayaring masama.

"Oo naman bakit?" sagot ko nalang. Hindi naman ako pwedeng mag excuse at sabihin ang nasa isip ko. Hindi ako special student at higit sa lahat scholar lang ako dito. Tinuloy ko pa din pagiging scholar. sayang naman atsaka yun talaga ang nasimulan namin ni aika. Way din namin yun para hindi namin pabayaan ang grades namin atsaka asawa ko naman ang may-ari nitong university. Speaking of asawa. Nasaan ang asawa ko. Minsan nalang kami magkita. Iniiwasan ba niya ako?

"Eh diba nalunod ka dati nung grade school tayo?" That was long ago. Kaya nga iniiwasan ko ang mga ganitong lugar. Siguro natrauma lang ako sa pagkakalunod ko noon.

"Ano ka ba Aika nakaligtas ako hindi ba?" I got rescued pero no one knows who it was or what it was. Its really magical. magtataka pa ba ako kung ako mismo may kakaibang nakikita sa hinaharap ng iba at may kaibigan kaming may kapangyarihan.

"Pero hindi ka ba nagtataka kung paano ka nakaligtas? You know parang may sariling buhay yung tubig pati mga lamang-dagat at iniligtas ka?" sa dagat nga ako nalunod noon. Nagkaroon kasi kami ng kasiyahan noon at ang lahat ng bata sa ampunan ay inanyayahan sa lugar na yun.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now