Chapter 29: Auction Part II

237 15 3
                                    

Eli pov

Nagkakagulo na sa buong lugar. Pinipigilan kong maiyak dahil alam kung hindi pwede kahit gustong-gusto kong bumalik kung nasaan si Zach. Bakit ba kasi hindi pa ito sumabay sa amin paglabas.

"Kalyx bumalik tayo sa loob. Nandoon pa si Zach." pigil ko kay Kalyx.

"Hindi maaari lady Cap! Sigurado na kung hindi man ako matotodas sa labanang ito tiyak totodasin ako ni Cap kapag bumalik tayo sa loob." hinigit akong muli ni Kalyx.

"Kalyx sige na! Sasabihin ko naman na ako ang namilit sayo." patuloy parin ako nitong hinihila patungo kung saan.

"Utang na loob Lady Cap ayaw ko pang mamatay. Maraming babae ang iiyak."

"Okay lang na umiyak sila."

Marahas akong nilingon ni Kalyx. "Lady Cap attitude ka din?"

"Kalyx naman please.. Let's go back!" higit higit ko na ang isang braso ni Kalyx.

"Hindi tala-" bago pa man matapos ni Kalyx ang sasabihin ay may sumabog sa aming likuran dahilan para mabitawan ako ni Kalyx. 

Naramdaman ko na tumilapon ako nang hindi gaanong malayo. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Nagpalinga -linga ako para hanapin si Kalyx pero hindi ko ito matagpuan.

"Don't move or else." isang malamig na bagay ang naramdaman ko sa aking sintido. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay tanda ng pagsuko.

Lumapit ito sa akin at bumulong.

"Hmm makinis. Miss pwede ba?" anong pwede ba? Natatakot na ako sa kung ano mang binabalak ng lalaki na ito sa akin.

"Huwag po." pagsusumamo ko.

"Huwag ka ng maingay." tinakpan nito ang aking bibig at hinila sa madilim na lugar. Itinulak ako nito kaya napadapa ako sa lupa.

"Huwag po please."

"Mabilis lang ito miss." nakatayo ito ngayon sa aking harapan ng makarinig ako ng putok ng baril na alam kong nasa harapan ko lang ang nagpaputok nito. Sa nanlalaking mga mata ay bumagsak ang katawan ng lalaki sa aking harapan.

"Fuck! what are you doing here. Shit Sandler!" sigaw ni Zach. Nakahinga ako ng maluwag na makitang si Zach ang taong dumating. May hawak itong baril na tila umuusok pa. Kung ganoon ay siya ang nagpaputok ng baril at ang pumatay sa lalaki.

"Za-zach."

"Ssshh wife it's okay now." lumapit sa akin si Zach at niyakap ako. Hinahagod nito ang aking likod kahit hindi naman ako umiiyak. Hindi ako pwedeng lumuha dahil baka masaktan ko si Zach.

"Cap all clear! We should now go!" sigaw ni Thunder.

"Got it." inalalayan akong makatayo ni Zach. Pero hanggang ngayon nanginginig parin ang tuhod ko. Naramdaman yata ni Zach ang panginginig ko kaya binuhat na niya ako ng bridal style.

Itinago ko na lamang ang aking mukha sa dibdib ni Zach. Hinawakan nito ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso. Hindi ko napansin na nakakuyom na pala ito at nagugusot ko na pala ang manggas ng kanyang coat.

"It's okay now wife. You're safe with me."

"Zach let's go home please." ramdam ko na nanghihina na ako at anumang oras ay mawawalan ako ng malay.

"We will wife." hindi ko na narinig pa ang sagot ni Zach dahil hindi ko alam kung anong nangyari.




"Cap paano mo ngayon eexplain kay Lady Cap ang mga naganap?"

"Bakit kaya hindi muna natin pag-explainin ang nagbantay kay Lady Cap?"

"Cap maniwala ka. May sumabog talaga tapos may humila sakin palayo sa lugar na tangna lang talaga."

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now