Chapter 3: Amazona

3.5K 115 3
                                    

Chapter 3: Amazona

Eli pov

Pagmulat ng mata ko. Ang pagmumukha agad ni Aika ang nabungaran ko. Ano pa nga ba? Wala naman kaming ibang kakilala dito.

"Eli wag ka namang ganyan. Ako ito si Aika. Ang bestfriend mo! Wag kang magpanggap na may amnesia." ang o.a. talaga!

"Tss may sinabi ba akong may amnesia ako?" sagot ko nalang ng tumigil na ang isang ito.

"Oh bakit ganyan ang ngiti mo?" mukhang may naiisip na naman na kalokohan itong si Aika.

"Akala ko kasi may amnesia ka. Nakakainis ka alam mo yun? Nailigtas mo nga siya. Ikaw naman ang natamaan. Magpapakamatay ka ba? Waaaah Eli isama mo na akooooo---" Kung may mangyayari din naman na masama kay aika, I'll do the same. Kami na lang ang magkasama na lumalaban sa buhay maliban sa ampunan na unang tahanan namin.

Poink!

"Aray naman." Pagrereklamo ni Aika. Isang batok ang binigay ko sa kaibigan ko. Sugat lang ito pero pinapatay na ako ng babaeng ito.

"Tara na nga umuwi na tayo. May trabaho pa tayo ang dami mo pang sinasabi." Alam ko naman na ako ang natamaan. Pero sino kaya ang nagdala sa akin dito sa clinic? Huwag mong sabihin na binuhat ako ni Aika. Magkasing katawan lang kami. Naging hulk ba ang isang ito ng hindi ko namamalayan?

"Eh Eli kasi *pout*" tila binudburan naman ng asin si Aika kung makapilipit. Kailangan na ba nitong magbanyo?

"Sino naghat--" magtatanong na sana ako ng inunahan na ako ni aika.

"Siya!" sinong siya?

"Grabe bestfriend para kang leading lady at ang pogi ng leading man mo."  at ngtwitwinkle pa ang mga mata niya. Ano kaya ang nakain nun at inihinatid ako dito. Kung anuman wala na akong pakialam. Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Hindi nga lang ako nakarinig ng kahit isang thank you mula sa kanya. At mukhang ako pa ang dapat mag thank you sa kanya.Ano ba namang buhay ito. Ang simpleng buhay ko ay parang gumuhong parang bula.

"Ano naman ang nakain nun?" tingnan nga natin kung nasaan ang utak ni aika ngayon. Pero hindi ko din kasi lubos maisip na siya ang nagbuhat sa akin papunta dito sa clinic. Ang last ko narinig sa kanya ay sinabihan niya akong clinic.

"Ewan ko. Hindi ko naman siya kasabay kumain. Hindi ba at tayo ang sabay kumain Eli. Oh hep! hep! Papalo ka na naman." See? Nasa Jupiter yata ang utak niya ngayon.

"Tss." wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kanya.

"Ang dami nang naiinggit sayo bestfriend. Nakakatuwa. Eto na ang simula ng pagsikat mo!!!" No tiyak na makakaagaw atensyon ako. Hindi pwede.

"Yun na nga Aika. Walang wala sa isip ko ang sumikat. Tara na nga." Hindi na naman umangal itong si Aika ng hinigit ko na siya palabas ng clinic.


--

"Ma'am Jane uuwi na po kami ni Eli. Ingat po kayo." pagpapaalam ni Aika sa boss namin. We're working in a restaurant as a waitress.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon