Chapter 26: Stay

290 12 0
                                    

Eli pov

Today is another day..

Hindi ko na muna iniisip kung anong nangyari noon sa aming bakasyon. Balik eskwela na naman.

"Aika, Eli pwede ko ba kayong makausap?" habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay biglang lumapit sa pwesto namin si Danesha.

"Sige Danesha sa likod tayo ng building." tumayo na ako dahil parang napakaimportante ng gusto niyang sabihin.

"Uyy Eli.. Danesha.. top secret ba itong pag-uusapan natin bakit kailangan sa likod pa tayo ng building? Hindi ba pwede sa cafeteria nalang. Nagugutom na ako. Maawa naman kayo sa mga little pets ko." Pumangalumbaba pa si Aika sa lamesa niya.

"Kadiri ka naman Aika. Top secret ito bilis na. Mamaya ka na kumain." hinila na ni Danesha si Aika habang nakasunod naman ako sa dalawa.

"So what now?"

"What what ka dyan? Umupo ka nga dito." hinila ni Danesha si Aika paupo sa damuhan at dahil kanina pa ako sunod ng sunod sa dalawa. Umupo nalang din ako tulad nila. Magkakaharap kaming tatlo ngayon.

"Maglalaro ba tayo ng spirit of the glass?"

"What the hell Aika. First of all wala tayong glass dito. Secondly we're here to inform you two that I need to go back to our world."

"Eh diba umaalis ka naman talaga at bumabalik sa mundo niyo Danesha?" tanong ko.

Sunod-sunod na pagtango naman ang ginagawa ni Aika.

"Medyo matatagalan kasi ang pagbabalik ko. We need to do a mission there."

"Wow ang astig nun!" pumapalakpak pang pahayag ni Aika.

"Hindi yun astig Aika. May malaking problema na kinakaharap ang Exola. The council needs us and it is the first time in history that they can't fix it on their own." napayuko naman si Danesha habang nagkukwento sa amin ni Aika.

"Huwag kang mag-alala. Tiyak na masusulusyunan niyo din yan. Ano pa at sama-sama kayo hindi ba?"

"Oo nga Danesha. Nandito lang kami ni Eli handa kang kupkupin kapag nawalan ka na ng mundo."

"AIKA!" sabay na sigaw namin ni Danesha.

"Ay sorry. Ano basta nandito lang kami para sayo."

Napabuntong hininga nalang si Danesha.

"Kung hindi lang ako isa sa pinapatawag ng reyna hindi ako babalik."

"How about your parents?"

"They are busy arguing with each other. Kaya nga naging ganyan si Damian. Nawalan na ng pakialam sa paligid. Si Lexie at ako na nga lang ata nakikita nun."

"Ganoon ba. Pero atleast nandyan ang magulang mo para sa inyong magkapatid. Unlike sa amin ni Eli." Nagtinginan kami ni Aika at totoo siya dahil napakaswerte ni Danesha dahil meron siyang complete family.

"Salamat sa inyong dalawa. Kayo lang talaga ang naging mga kaibigan ko dito kahit matagal na ako dito."

"At sana mahanap mo na rin ang bestfriend mo."

"I think I found her.." sabay ngiti ni Danesha. Nangiti na rin kami ni Aika pagkatapos. Sa wakas natuldukan na ang kanyang matagal na paghahanap.

"Anyways, see you when I see you." pagkaway pa ni Danesha habang nagsisimula ng tumayo.

"Wala bang definite days o months o years  o decade o century ang balik mo?" tanong ni Aika. Ang tagal naman yata ng decade o century?

"Not sure Aika. Mabilis ang takbo sa oras sa mundo namin. Kaya nga ilang daan taon na ako hindi ba."

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon