Chapter 18: Mafia Emperor and his wife

579 20 1
                                    

Chapter 18: Mafia Emperor and his wife

Eli pov

Hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil nasa iisang tao natuon ang atensyon ko. Sa nagbabagang asul na mga mata ni Zach. Nararamdaman ko ang dilim nito. Bakit ba siya nagagalit?

Nagsimula na silang maglakad kasabay ang limang kalalakihan na kung hindi ako nagkakamali ay ang trolls. Hindi ko na matandaan ang pangalan nila basta sila ang trolls.

"Ang gagwapo. Sino sila Danesha?" tanong ni Catherina. Nakita ko naman na bumubulong bulong si Jime. Nagpakilala na siya kanina. Nakaagaw na kasi sila ng pansin sa mga estudyante lalong lalo na sa lamesa namin.

Nagkibit balikat naman si Danesha.

"Kilala ko lang ay si King. Hindi ko kilala yung mga kasama niya. Gosh! Para silang mga katropa nitong triplets" paliwanag ni Danesha. Kilala naman talaga dito si King. Well sino bang hindi makakakilala sa kanya. Kami lang yata ni Aika nung dumating kami dito.

"Hot" mukhang tutulo na ang laway nung triplets. Paano ko nalaman? Magkakamukha sila, kulay ng buhok lang ang pinagkaiba. Wait lang katulad sila ng buhok nung tatlo sa kasama ni Zach. Tama nga si Danesha katropa nga yata nila ito.

"Wife" may diin sa pagsasalita na bigkas ni Zach. Ni hindi ko napansin na nakalapit na pala sila dito sa upuan namin.

"Ba-bakit?" bakit ba ako nauutal asawa ko yan. Nakakapanlambot kasi ang mga titig niya. Yung tipong anong ginagawa mo may asawa ka na. Teka nga nagtataksil ba ako? Saan? Kailan?

Walang atubili na hinila niya ang braso ko at hinigit papalabas ng cafeteria. Ni hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Kung kelan naman dumami na ang kaibigan namin tsaka naman ganito. Ni hindi ko na nga narinig na nagpakilala yung iba pang mga kaibigan ni Danesha.

Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito. Hindi ba niya naririnig ang mabilis na tibok ng puso ko. Lagi naman ganito ang nangyayari oras na maglapat ang balat namin. Parang wala na akong nakikita sa paligid ko. Kami nalang dalawa ang natitira sa paligid. Sa simpleng salita, nawawala ako sa sarili.



Aika pov

Umalis na yung mag-asawa. Nagkaroon naman ng saglit na katahimikan sa buong cafeteria pero literal na saglit lang yun dahil umingay na naman ulit sa loob. Naiwan kasi dito sa loob yung limang kasama ni King. I don't know them. Ngayon ko lang sila nakita.

"Tsk the mafia emperor and his wife." bulong naman nung may kulay blue na buhok. Mahina lang ito at tanging yung nasa table lang namin ang siguradong nakarinig.

"What do you mean?" tanong naman ni Danesha na hindi rin papatalo sa pagiging madaldal. Minsan nga nag contest pa kami kung sino ang unang titigil sa pagsasalita ay matatalo. At syempre nanalo ako!

Kanina ko pa napapansin ang titig na nagbibigay kilabot sa akin. Alam kong isa sa kasama namin sa lamesa ang nakatitig sa akin. Ano bang problema niya? Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi naman naglalayo ang ganda namin ni Eli. Ewan ko nga lang ba dun at never nagkaroon ng relationship. Ang dami nga gusto manligaw dun pero unang araw palang tumitigil na sila.

"Mind if we introduce ourselves ladies and gentlemen?"

"If you wish" sagot naman ni Catherina na gusto na yata makipagflirt sa isa sa lima.

"I'm Kalyx the one and only. The man of your dreams." sabay kindat. Narinig naman namin ang mahinang tawa ni Margareth. Napalingon kami sa kanya at biglang nagpanggap na parang walang ginawa. Napasmirk naman si Kalyx. Mukhang may magkakasundo.

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now