Chapter 2: She is a what?

3.7K 119 0
                                    

Chapter 2: She is a what?

Eli pov

Hi I'm Elizabeth Dimatuto. Eli for short. Alam ko naman na normal na itong pagpapakilala ko mga madla.

By the way I'm 17 years of age. Studying Accountancy in Cole University. Alam ko din na nagtataka kayo kung paano ko nalaman na may masasaktan na lalaki. It's because napakuskus sa batong matilos.. Joke! Basta ang alam ko ay nakakakita ako ng mangyayari sa hinaharap. Magtaka na kayo kasi ako nagtataka din noon. Basta alam ko special power ko yan.

Ang nakakapagtaka lang... how come nakikita ko ang mangyayari sa taong yun, tanging mga kilala ko o nakita ko nadati ang nakikitaan ko ng mangyayari sa hinaharap... hindi dibdib ang pinag-uusapan natin dito ha I mean future! Utak niyo mga madla. Napatawa nalang ako sa naisip ko.

At yung lagi ko namang kasama ay si Junaika Alvares. 17 din siya tulad ko. Magkasama na kami niyan simula pagkabata. Lumaki kami sa ampunan na nasa bundok at kasalukuyan na kaming naninirahan sa isang apartment. Hello uso din yung tumayo sa sariling mga paa bukod sa may paa talaga kami, ang mapag aral ang aming mga sarili ang tinutukoy ko.

*BRAAG BRAAAG BRAAAG* [tunog yan ng helicopter na sinasakyan ni king]

Pagkalanding nung helicopter sa field ay may lumabas na dalawang lalaki na nakablack suit at sinundan nung isang lalaki na naka-uniform. I think siya na si King.

Hmmm hindi maiitanggi na may itsura ang lalaki. May sobrang kisig na pangangatawan, tiyak na araw-araw may ehersisyo at talagang matangkad, baka naman member sa basketball team ang isang ito. Hindi maiitangging literal na bumaba mula sa langit ang lalaking ito. And damn those lips, parang ang sarap magpahalik. Syempre alangan naman ako ang humalik, babaeng maria Clara ito mga madla.

Ang kanyang blue eyes ang talagang makatawag pansin. Yung tipong titigan ka lang niya, tiyak na maglalaglagan ang anumang saplot mo sa katawan. Actually may pakakaparehas kami kaya lang ang akin ay pula pero tinatakluban ko ng contacts. Hindi kasi normal yun at nagmumukha akong adik kapag hindi ko tinakpan. Over-all. Complete package kaso mukhang snob at masungit.

"Eli type mo?" out of nowhere na tanong ni Aika.

"Sabi ko nga hindi ei. he-he"

Paglingon ko dun sa king na yun...

Nanlalaki ang aking mga mata dahil ngayon sigurado na akong siya ang tinutukoy ng nakita ko kanina.

Tumatakbo ako papalapit sa lalaki. Hindi na ako napigilan pa ni aika.

"ELIIIII!" Nagtitili na si aika at sobra na ang kaba ko habang lumalapit sa tinatawag nilang king.

Ano nga ba ang ginawa ko?

Tinulak ko si king? Napahiga kami parehas sa damuhan at ako ang nasa ibabaw niya. Ang lapit lapit tuloy ng mukha namin sa isa't isa. Oh em gee. Mas gwapo pa pala siya sa malapitan. Ang tangos ng ilong. At ang kinis ng balat. Halos mag kulay rosa ang pisngi niya dahil siguro sa init. Hanep! Pero ang mata niyang kulay asul.. bakit ganun? Walang emosyon akong nakikita. Sobrang seryoso at cold nito.

Dub.dub.dub

"Ooops. he-he." Napabalik ako sa realidad ng magsalita si Aika.

Biglang may nagpanting sa akin. Si Aika! Ang babaeng ito talaga! Isinigaw niya ang pangalan ko. Mabilis akong napalingon kay Aika. Ayoko kasi sa lahat binabaggit ng malakas ang pangalan ko.

"You can now get up young lady." napalingon naman ako kay King at mabilis ang naging pagtayo ko ng may bumulong malapit sa tainga ko. Nakakapanindig balahibo ang boses na yun pero hindi mapigilan ng puso kong magtatambling ng halos isang daang beses. Nagpagpag ako ng aking palda at nagpalinga-linga ako sa paligid. Teka lang bakit andaming viewers? Patay na!

Ang college life koooooo!!!!

"Oh my gosh muntik ng matamaan si King."

"How come nakita agad ni girl na masasaktan si King? Sobrang bilis ng pangyayari."

"Young master King okay lang ba kayo?" tanong ng isang men in black niya. Hindi naman niya pinansin ang isa sa men in black niya at bagkus ay tinitigan ako sa mga mata sabay sabing "Clinic." yun lang ang sinabi niya at tumalikod na. Wala man lang ba na thank you???

"E-eli okay ka lang ba?" Hindi ko naman napansin na nakalapit na pala sa akin si Aika. Tumango ako pero nakakaramdam ako ng pagkahilo.

"ELIIII!" sigaw na naman ni Aika

"Ilang beses ko bang dapat sabihin Aika. Wag mong isisigaw ang panga--" malumanay na pagsasalita ko pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng suddenly it blackout, ni hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ni Aika.

Pero bago pa ko mawalan ng malay. May nakita akong lalaki.... sino ka? Naramdaman ko ang matigas na braso na pumulupot sa aking katawan.

At hindi ko na alam kung anong kasunod na nangyari.

-----

THE WIFE OF MAFIA EMPEROR IS AN ENCHANTRESS

written by: dakilangmissBi

----

The Enchantress Wife of the Mafia EmperorWhere stories live. Discover now