49 - I Do

18K 391 150
                                    

- MIKA's POV -

.

"Sige na, I'll see you later. Mag-taxi na lang ako," paalam ko kay Je. Bumalik na kasi kami sa condo ni Ara. Pinapauwi ko na si Je dahil girls' talk naman ang mangyayari. "Diretso ng uwi ha!"

"Opo," natatawang sagot ng asawa ko.

"Eyes on the road, straight to our house. 'Wag nang gagala ang mga mata, ha?"

"Hindi na po."

"Good."

.

Nasabi ko 'yun kasi kanina habang naghihintay ng next move namin ay kumain muna kami sa isang restaurant tapos itong si Je ay may natipuhan nanaman na laruan na hawak ng isang bata sa katapat namin na table. Tinawag pa niya yung bata ah para makita. At naloka ako nung makita ko yung itsura ng laruan, isang troll ata: malaki ang mga mata, malapad ang labi, pango ang ilong, at nakataas pa ang buhok! Kaya naman hindi pa man nahahawakan ni Je ay pinaalis ko na yung bata. Jusko, mas masahol pa kay Annabelle. Baka maging tiyanak ang anak ko! 

Pinagtapat na din namin kanina yung tungkol sa ginawa kong paghakbang sa kanya at kung ano ang ibig sabihin nito para naman aware na siya sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Ang kaso, hindi siya naniwala. Imposible daw. Mahal lang daw niya talaga ako kaya dinadamayan niya ako sa paglilihi. Sumang-ayon na lang ako, hindi ko na pinilit sa kanya yung idea. Basta nasabi ko na, hindi na ako magui-guilty sa ginawa ko.

.

"Anong gusto mong pasalubong?" I'm sure may gusto 'tong kainin. Perp pambihira talaga, dapat siya nagtatanong nito sa'kin eh.

"Hmm.." Hinimas nanaman niya ang tiyan niya. "Salted caramel cheesecake and.. fries plus vanilla ice cream."

"Hon, you have to eat healthy foods," panggagaya ko sa linya niya sa'kin dati.

"That sounded familiar," natatawa niyang sabi. "Fine, samahan mo na lang ng fruits."

"Gaya-gaya!" I exclaimed. He just laughed. "Sige na, bye. I love you."

"I love you too." Hinalikan niya ako bago ako tuluyang bumaba ng kotse.

.

Pumasok at lumapit na ako sa bullies na mga naghihintay sa lobby. Dito kami pumunta dahil malakas ang kutob namin na dito dumiretso si Ara. Tumawag kasi si Torres kanina at kinuwento na ang nangyari sa simbahan. Nagtawanan kami nang malaman namin. At ang masasabi ko lang, lagot ang bansot.

.

Sumakay na kami ng elevator. Paniguradong hindi pa kumakain si Ara kaya nagdala na kami ng lunch at siyempre, alcohol. May plano nanaman kasi si Torres. Sumunod na lang kami, nam-blackmail ang loko eh. -__-

.

Pagdating namin sa unit ni Ara ay naka-ilang doorbell kami pero walang nagbubukas. Kinatok din namin pero walang sumasagot.

.

"Baka naman wala --"

"Bukas." I was cut off when Cams tried the knob. Bukas naman pala, nagpakahirap pa kami.

"Sa sobrang lutang hindi na nakapag-lock," natatawang komento ni Cienne.

"Ara?" sigaw namin nang makapasok kami pero walang sumagot.

.

Chineck namin ang sala at kitchen area pero wala. Nagkatinginan kami at alam na. Dumiretso na kami sa kwarto niya.

.

"Best?" I called out pero wala pa din sumagot.

"Wala dito," sabi ni Kim nang ma-check ang CR.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon