39 - Sky

12.8K 291 127
                                    

- MIKA's POV -

.

"Ang panget mo," natatawa habang umiiyak kong sabi sa katabi ko.

"Ang panget mo din," natatawa habang umiiyak din niyang sabi sa'kin.

.

Nandito kami ngayon ng bestfriend ko sa playground malapit sa dorm. Hindi naman talaga kami nag-usap na magkikita at magnganga-ngawa dito pero wala eh, magkadikit na ata talaga ang mga bituka namin. Nauna lang siguro ako ng mga 10 minutes sa kanya at buti na lang nakilala niya ako kahit nakatalikod ako. At buti na lang din at nagpakilala siya agad bago tumabi sa'kin kundi baka may marka na ng tsinelas ang mukha niya ngayon.

.

At nang makita niya akong umiiyak kanina ay naki-iyak na din siya, hindi ko alam kung bakit. Pero wala munang nagsalita, hinayaan na lang muna namin ilabas ang mga nararamdaman namin. Mukha kaming tanga pero wala kaming pakialam.

.

"Anyare sa'yo? Bakit nakikigaya ka?" natatawa kong tanong habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang laylayan ng shirt ko. Wala akong panyo eh.

"Umiiyak ka eh kaya naiyak na din ako," natatawa naman niyang sagot habang pinapahiran ang kanyang mga luha gamit naman ang kamay. "Alam mo naman na long lost twins tayo, 'di ba?"

"Bruha!"

.

Tumawa na lang kaming dalawa. Nabaliw na nga talaga kami. Pero pagkatapos ng halakhakan ay nabalot naman kami ng katahimikan. Alam ko, naramdaman ko na na may pinagdadaanan din itong babaeng 'to.

.

"Spill it, best. Anong problema mo?" Pero hindi siya sumagot. Umiling lang ito saka ngumiti ng bahagya. Confirmed, may problema nga 'to. "Kilala na kita kaya magsalita ka na."

Medyo natawa naman siya, "Ikaw muna, mas ma-drama yung akin."

"Alam mo na yung akin noh," mataray kong sagot. Tinaasan naman niya ako ng kilay, alam niyang may kasunod pa. "Nakita ko sila kanina sa isang coffee shop."

"O?" Nagulat at nanlaki ang mga mata niya. "Anong ginawa mo?"

.

Kinwento ko na lang sa kanya ang buong pangyayari. Then it hit me. Siguro nga mali yung ginawa ko pero 'yun ang naramdaman ko eh. Nainis ako. Nagselos ako. Nasaktan ako. He's my first boyfriend, and it may sound as an excuse pero wala pa akong alam sa do's and dont's ng isang relationship kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

.

"Sinabi ko naman sa'yo na makikipagkita siya dun sa babae, 'di ba? Dapat hinayaan mo na lang muna," nangangaral na sabi ni best. "Lalo lang tuloy lumaki yung away niyo."

"Sorry naman. Gets mo naman ako 'pag sinabi kong nainis ako dahil ang saya niyang tingnan kanina, 'di ba?" Napayuko na lang ako. "Na parang wala kaming problemang dalawa kung makipagtawanan siya sa babaeng 'yun?"

"Best, alangan naman humagulgol at maglupasay 'yun sa harap nung babae?" Napanguso na lang ako. PInagtawanan pa ako ng walangya kong bestfriend. "Baka naman masayang nakikipag-usap si Teng dun sa babae dahil na-confirm niya na wala talagang ibang nangyari, hindi mo ba naisip 'yun?"

"Magkano binayad sa'yo nung intsik na 'yun ah?" Fine. Talo na ako sa reasoning nitong babaeng 'to. May point ang bruhang tinatawanan pa ako ngayon. "Ah basta, mahal ko yung ugok kaya nainis talaga ako, nakadagdag pa siguro na may tuldok ako ngayon."

"Sabi na nga ba." Lalo pang lumakas ang tawa ng gaga. "Pero best, mahal mo naman pala, bakit hindi mo pa patawarin?"

"Madaling magpatawad pero hindi madaling makalimot." Ayoko naman na palagi ko na lang siyang masumbatan tulad ng nangyari kanina. Gusto ko munang bumalik ang buong tiwala ko sa kanya bago ko siya tanggapin uli. "'Time lang, best.."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon