22 - Confession

21.8K 373 169
                                    

- ARA's POV -

.

"Goodmorning, Arabells."

Nakarating na ako ng dorm at naabutan ko sila Ate Aby na naghahanda na ng breakfast.

"Good morning. Akyat lang po muna ako."

.

Pag-akyat ko sa kwarto namin ng bullies ay mga gising na sila except sa reyna na nakanga-nga pa.

.

"O, taas ba ng tirik ng araw dito sa dorm at naka-shades ka pa?" Tanong ni Cienne pagpasok ko.

"Oo." Naupo na ako sa kama ko at nagtanggal na ng sapatos. "Sige na, matutulog muna ako, mamaya pa naman class ko."

Pero pahiga pa lang ako nang biglang hablutin ni Kim yung shades ko.

"Aaaaah~!" Sabay-sabay nilang sigaw na parang nakakita ng multo. Nagising tuloy ang reyna na ngayon ay tinatalakan sila.

"Bakit ba.." Nagsisimula pa lang magtanong si best ay nginuso na ako nung tatlo kaya napatingin na sa akin si Mika. "Aaaaah~!" Bigla siyang tumayo at kumuha ng payong. "Sino ka?" Tanong niya habang nakatutok sa'kin yung hawak niya.

"Ewan ko sa inyo." Humiga na lang ako at nagtakip ng unan sa mukha. Wala ako sa mood para makipagkulitan sa kanila.

"Best? Best!" Sigaw ni Mika at naramdaman ko na lang na lumubog yung higaan ko.

May nagtanggal din ng unan sa mukha ko at pagdilat ko ay mga mukha nila na dikit-dikit ang sumalubong sa akin. Lahat sila ay nakatukod sa kama ko.

"Anong nangyari? Bakit ganyan mata mo?" Tanong ni best na hindi ko alam kung nag-aalala o nang-aasar.

"Baka nagpaturok ng botox, Ye," pilosopong sagot ni Cienne.

Binatukan siya ni best bilang ganti. "Malay mo nakagat ng ipis!"

"Aray ah!" Himas ni Cienne sa ulo niya. "Galing naman ng ipis, pantay na pantay kung kumagat!"

"Infairness bagay, baks. Partner na sila ng lips mo, pareho na silang pouty -- aray!" Nabatukan tuloy ni Kim. Pero natawa naman ako kahit papano sa sinabi ni Carol.

"Ano ba talagang nangyari?" Seryoso nang tanong ni Mika.

"Mamaya na lang, please?" Paki-usap ko sa kanila. Pagod ako at wala pa akong tulog kaya wala akong lakas magkwento.

"Okay, sige." Tumayo na si best mula sa kama ko. "Magsabi ka 'pag may kailangan ka ah? Bababa na kami."

.

Tumango na lang ako at nagbabaan na sila. Pumikit na ako para sana matulog pero wala pang 5 minutes ay narinig ko silang pumasok ulit sa kwarto.

.

"Best." Napamulat ako. Nasa gilid sila ng kama ko. Si Mika may dalang water basin at si Carol may hawak na towels. "Maglagay kang cold compress sa mata mo para naman mawala 'yan paggising mo."

Humatak si Kim ng upuan at doon ibinaba ni Mika ang dala niya. Sinilip ko kung ano, tubig na may yelo pala.

"O, eto yung towels," abot ni Carol sa'kin ng hawak niya.

"Bakit dalawa pa?" Tanong ko.

"Para sa lips mo yung isa, namamaga din kasi," sagot ni Cienne.

-__-

"Bulliiies!"

"Bye! Labyu!" Sabay-sabay nilang sabi at nagtakbuhan na palabas ng kwarto.

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon