36 - Surprise Pt.2

16.7K 299 87
                                    

- ARA's POV -

.

"Hahaha.."

.

Medyo nagising ako nang parang may narinig akong nagtatawanan. Nang medyo imulat ko ang mga mata ko, biglang nawala. Panaginip lang siguro. Napatingala ako at napangiti ako sa nakita ko. Si Thomas, mahimbing na natutulog at medyo humihilik pa. Naka-unan ako sa dibdib niya at nakayakap sa kanya habang nakayakap din ang isang braso niya sa akin. Pumikit na lang ulit ako, antok pa ako eh.

.

"Should we wake them up?" Bilis ko naman ata managinip?

"'Wag na, puyat ang mga 'yan." Eh bakit aware ako? Gising pa ang diwa ko pero nananginip na ako?

"HAPPY BIRTHDAY, KUYAAA~!"

.

"Aray!"

.

Napabalikwas ako nang may biglang sumigaw. Nahulog tuloy ako sa pagkakahiga sa.. sofa? Tsk. Dito na pala kami nakatulog ni Thomas.

.

"Are you okay, hija?"

.

O__O

.

T-Tita?

.

Napatingin ako sa katabi niya..

.

T-Tito?

.

Napatingin ako sa tumatawa..

.

"Are you okay, apo?" S-si Lola.

.

Napatingin ako sa batang tumatakbo..

.

"What happened?" Si Kat.

"Anong nangyari?" Pati si Thomas nagising na.

.

Kumpleto ang cast! Lahat sila ay nakapalibot na at nakayuko sa'kin habang nakahiga ako dito sa sahig. Shemay. Gusto ko na lang i-rolyo ang sarili ko sa carpet at gumulong na palabas. Huhu.

.

"Anong ginagawa mo diyan? Natulak ba kita?" nag-aalalang tanong ni Thomas. "Sorry."

.

Tutulungan na sana niya ako pero mabilis na akong tumayo sa sarili ko. Tumalikod ako kaagad para ayusin ang sarili ko. Nakakahiya, sabog na sabog pa ata ang buhok ko. Feeling ko din ang puffy ng mga mata ko sa sobra pang antok tapos baka may mga muta pa ako.

.

"Mom? Dad?" Napansin na ni Thomas ang parents niya. "What are you doing here?"

"SURPRISE!" sabay na sigaw nila sabay tawa. "Happy birthday!"

.

Pagkaharap ko sa kanila ay magkakayakap na silang tatlo, si Thomas at ang parents niya. Napangiti na lang ako dahil sa nakita kong napakalaking ngiti sa mukha ni Thomas. Nakisali din si Kat sa kanila pati na din si Lola. Kinuha ko naman agad ang phone ni Thomas sa center table saka ko sila kinuhanan ng picture.

.

*click*   Oops. Ang lakas pala ng shutter sound nito. Napatigil tuloy sila at napatingin sa akin. Ano ba 'yan, ang aga-aga puro kapalpakan na ako. Nakasira pa ako ng moment ngayon. >.<

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon