45 - Bouquet

14.4K 271 90
                                    

- MIKA's POV -

.

"MARRY YOUR FACE!" sabay bato ni Ara ng mga bulaklak sa mukha ni Torres saka umalis papuntang office niya. Ouch, nasuntok na nga parang nasampal pa ng mga bulaklak. Kawawang Torres. Pero kasalanan naman niya noh.

.

"Okay ka lang?" tanong ni Je at Gab na lumapit na kay Torres at inalalayan pa sa magkabilang braso para makatayo.

"I deserve that," sagot nito habang chine-check ang ilong kung may dugo. Lumapit na din kaming girls sa kanila pero si Carol ay binuksan muna ang mga ilaw.

"Oy bans, kelan ka pa dumating?" tanong ni Kim.

.

Pero bago ko pa marinig ang sagot ni Torres ay pasimple ko nang hinatak si Je. Kailangan namin mag-usap nitong asawa kong intsik na hindi man lang sinasabi sa'kin ang tungkol dito. Dinala ko siya sa may kitchen, malayo sa grupo.

.

"Ah - aray.." daing ni Je dahil nakapingot ako sa tenga niya.

"Ano 'to ha? Bakit hindi mo man lang sinabi 'to sa'kin? Kelan pa dumating 'yan? May communication kayo all this time?" dire-diretso kong tanong.

"Wala - aray.." Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay pinilit muna niyang tanggalin ang kamay ko. Pinakawalan ko na din, namumula na yung tenga eh. "Last week lang 'yan dumating at last week lang din kami nagkausap ulit. Nagpatulong dito kaya tinulungan ko."

"Bakit mo tinulungan? Alam mo naman na --"

"He's still our friend, Miks," pagputol niya sa'kin. "Tsaka hayaan mo na sila because come on, we both know na sila naman talaga ang dapat, 'di ba - aah!" Napahawak siya sa tagiliran niya dahil kinurot ko siya doon.

"Kaya nga, hayaan natin sila so dapat hindi tayo nakikialam!" pabulong kong sigaw sa asawa ko. Pasaway naman kasi, alam naman niya ang nangyari tapos tutulungan pa niya yung bansot.

"O, relax lang," sabay himas niya sa tiyan ko. "Si baby, baka laging galit sa mundo paglabas."

"Tigilan mo 'ko! Mag-uusap tayo mamaya," I said sternly saka ko siya iniwan.

.

Nang makabalik ako sa grupo ay kinakamusta ng girls si Torres habang si Gab naman ay pinapatay at inililigpit ang mga kandila. Gusto kong batuhin ng upuan ang bubwit na 'to dahil sa ginawa niya sa bestfriend ko pero tama si Je, may pinagsamahan din naman kami.

.

"Anong nangyari sa'yo at hindi ka na lang nagparamdam bigla?" I interrupted them. Napatingin naman silang lahat sa'kin saka nila dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Torres at naghintay ng isasagot nito.

"I just had to --"

"Hi, girls."

.

Natigil kaming lahat at agad na napalingon sa may pinto nang may nagsalita galing doon.

.

"Rex!" gulat na sigaw namin ng bullies.

"Uh-oh.." bulong naman ni Je na nasa likuran ko na pala.

"Hi," he smiled. May dala siyang bouquet of flowers at mukhang galing siya ng office sa suot niyang navy blue long sleeves and gray slacks.  "Si Ara?"

.

Hindi na kami nakapagsalita, sabay-sabay na lang kaming napaturo sa direction ng office nila Ara. Sumenyas naman si Rex na aakyatin na niya at tanging pagtango na lang ang naisagot namin. Nang makaalis siya ay mabilis kaming napatingin kay Torres. Iritado ang itsura ng bansot.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon