33 - BBQ

20.9K 312 79
                                    

- THOMAS' POV -

.

"Good afternoon po, Tito!" masaya kong bati sa isang matipuno at literal na kagalang-galang na ginoo na nagdidilig ng mga halaman sa harap ng kanilang bahay.

"Ang ingay!"

"Oops!" biglang bukas ko sa dala kong payong. Itinapat nanaman sa'kin yung water hose na hawak eh. I've already learned my lesson so I came prepared this time. Wahaha. "Kayo naman po.. You missed me agad? I was here naman po yesterday ah."

"Bumalik ka nga sa kinder para dumiretso yang tagalog mo!"

"Hep!" He striked with a walis ting-ting, buti na lang at nai-sara at nai-sangga ko agad yung payong ko. "Don't be mad, na-miss ko din naman po kayo eh."

"Tumahi--"

"Tito!" Saved by the commander nanaman ako. Whew, thank God at mukhang narinig ni Tita na dumating ako kaya siya lumabas. "Nagsisimula nanaman kayo ah!"

"Siya may kasalanan!" turo sa'kin ni Tito. Ako talaga? Fine. Eh di ako na. Makakapalag ba 'ko? -__-

.

It's Sunday at nandito nanaman ako sa bahay nila Ara. Alam niyo na, sinusubukan pa din palambutin ang baka -- este bata -- este Papa ni Ara. Nasabi ni Tita na nagsisimula nanaman kami dahil ganito din ang eksena namin kahapon at parang continuation lang yung nangyayari ngayon. It's actually 3 in the afternoon already, medyo late na. I really planned to go earlier in the morning but Ara told me na after lunch na lang para makapagpahinga ako sa mga pinagawa sa'kin kahapon ni Tito.

.

What actually happened yesterday? Wala naman. Sinadya lang naman ni Tito na 'wag papuntahin yung naglalaba para sa kanila so I ended up as a dakilang labandero. Grabe 'yun, that's one heck of an experience. I started at around 7am then finished it just before lunchtime. Kung hindi ako tinulungan ni Ara baka ngayong umaga pa lang ako magsasampay.

.

Then after lunch, pinag-general cleaning naman ako ni Tito at buti na lang tinulungan uli ako ni Ara. We wiped all furnitures and displays clean, sweeped and mopped every corner of their house, pati pagpapalit ng mga kurtina ay ginawa din namin. Pero okay lang, enjoy naman dahil kay Josh na nakigulo kahapon. Nakakawala ng pagod ang kakulitan at kacute-an ng batang 'yun. He became our little entertainer.

.

"Pumasok ka muna, Thomas," alok ni Tita habang si Tito ay nagpatuloy na lang sa pagdidilig ng halaman. "Gigisingin ko lang si Ara."

"Hin--"

"Nagpapahinga ang anak mo, 'wag mong istorbohin," Tito cut me off.

"Uhmm.. Opo, 'wag na po."

"O sige," Tita said while glaring at her husband. Ah eh.. "Pero pumasok ka na dun, naghahanda na ako ng merienda."

"O--"

"Hindi. Tutulungan pa niya ako doon sa garden mo," Tito cut me off again sabay tingin sa'kin. "Hindi ba?" he asked while trying to intimidate me with his eyes.

"Yang mata mo nakikita ko!" puna ni Tita.

"Bakit? Hindi ko siya makita eh. Nanlalabo na ata mata ko," palusot ni Tito at lalo pang pinalaki ang mga mata.

"Tigilan mo ako," napipikon na sabi ni Tita. "Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang nito 'pag nalaman nilang inaalila mo lang ang anak nila dito?"

"Anong masama? Buti nga at natututo 'to sa gawaing bahay. Kakayanin niyang mamuhay mag-isa at hindi na kailangang umasa sa iba," he reasoned out. Uhmm.. helloo? Nandito po ako? Kung mag-usap sila parang wala ako ah. >.<

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon