47 - Invitation

12.3K 274 89
                                    

- MIKA's POV -

.

*sniff sniff* Pambihira talaga 'to. Lagi na lang akong pinapaiyak. *sniff*

.

"Ayos ka lang, hija?" tanong ni manang nang makita akong iiyak-iyak at sisinghot-singhot.

"Opo. *sniff* Ayos lang po ako, kailangan po talaga kaming magtuos nito. *sniff*"

"Dapat kasi ay hinugusan mo muna yang mga sibuyas," natatawang sabi ni manang. "O kaya ay 'wag kang hihinga para hindi mo maamoy at hindi ka maiyak."

"Manang naman, baka mauna pa akong ma-deads sa pinapalambot kong beef nyan. *sniff*" sagot ko habang patuloy na naghihiwa ng sibuyas. Natawa na lang si manang.

.

Saturday kasi ngayon at may laro ang asawa ko mamaya. Niluluto ko itong favorite niya na beef steak na maraming sibuyas for lunch para ganahan siya. Hindi para ganahan siya maglaro kundi para ganahan lang siya sa pagkain niya. Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam niya, lalo na 'pag umaga kaya hindi siya nakakakain ng maayos. Mabuti na lang at nawala na ang morning sickness ko kaya nakakakilos na ako ng maayos ngayon at maaalagaan ko naman siya.

.

"What's that smell?" Napalingon ako sa may pinto ng kitchen nang may nagsalita. Gising na si Je. Pero bakit busangot ang mukha nito?

"Good morning!" Lalapit sana ako sa kanya pero bigla siyang tumakbo papuntang sink. Dumuduwal siya at parang gustong sumuka pero wala naman lumalabas. "Okay ka lang? Masama pa din pakiramdam mo?"

"I'm fine," sagot nito pero nakayuko pa din siya sa kitchen sink.

"Sure ka? Ilang araw ka nang ganyan." Lumapit ako at hinagod ko ang likod niya. "I think you need to see a doctor."

"Hindi na." Nagmumog na siya ng bibig at inabutan ko naman siya ng towel. "Nasuka lang ako sa amoy ng sibuyas, ang tapang. Ano ba niluluto mo?"

"Huh?" Napakunot ang noo ko. "Beef steak 'to, favorite mo."

"Bakit ang dami naman ng sibuyas?" parang nandidiri niyang tanong nang makita ang mga sibuyas na hiniwa ko.

"E 'di ba gusto mo maraming ganyan sa beef steak?"

"Ayoko na ngayon, it stinks." Tinakpan pa niya ang ilong niya saka tumalikod at lumapit sa ref.

May inilabas siyang isang box mula sa ref. Mukhang cake ata ang laman. Inilapag niya ito sa bar counter saka kumuha ng platito at tinidor. Umupo siya sa bar stool saka binuksan ito. Cake nga. Nagtaka naman ako. Kelan pa nahilig sa sweets 'to?

.

"Saan galing 'yan?" Lumapit ako sa kanya. Wow, choco mousse. Mukhang masarap. Pero ang weird, bakit hindi ako natatakam tulad dati?

"I bought this last night. Nagutom ako kaya lumabas ako saglit." Sinimulan na niyang kainin ito. Sarap na sarap siya ah, ninanamnam pa ang bawat pagsubo niya.

"Hey." Inagaw ko yung tinidor niya. "Kakain na tayo, baka mabusog ka."

"Ito na lang kakainin ko." Inagaw niya sa'kin yung tinidor at sumubo na ulit.

"Hindi pwede, may game ka mamaya kaya kailangan mong kumain ng rice." Aagawin ko sana yung platito pero nilayo niya ito.

"Eeeh.." Aba, nagmamaktol na 'to ngayon? "Ayoko ng beef steak."

"Fine. Anong gusto mo?" Hindi na ako nakipagtalo dahil kailangan niyang kumain talaga.

"Hmmm.." Hinimas-himas niya ang tiyan niya habang nag-iisip. Natawa ako. Mukhang nagaya na sa'kin 'to ah. "Scrambled eggs with peanut butter."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon