12 - New

30.8K 312 92
                                    

- MIKA's POV -

.

New school year and first day of classes. Nandito kami ngayon ng bullies sa library. Ngayon ko na kasi napiling sabihin sa dalawang lukaret ang tungkol sa amin ni Jeron. Kinuha ko na yung opportunity since puro maaga kaming na-dismiss dahil first day pa lang at wala pang idi-discuss yung prof. Hinihinitay na lang namin yung dalawa, si Jeron at Thomas, na dumating. Bakit sa library? Para hindi sila maka-react ng bongga sa maririnig nila. O, 'di ba? I'm so great!

"Bakit ba tayo nandito?" reklamo ni Cienne. Sasagot na sana ako nang magsalita siya uli. "At 'wag mong sasabihin na mag-aaral. Unang araw pa lang ng klase kaya 'wag mo kaming eechosen."

"At bakit ka nandiyan sa tapat namin, baks? Ano 'to, presscon?" dagdag naman ni Carol. Nasa mahabang table kasi kami at silang apat ang magkakatabi at ako ang mag-isa dito sa tapat nila.

"Relax lang kayo diyan --"

"Sorry, we're late." Ayan na. Narinig ko na ang boses ng boyfriend kong intsik. This is it.

Nagulat naman yung dalawa sa nakita nila.

"Tekaa.." parang nag-iisip na nagtatakang sabi ni Cienne. Bigla siyang napatingin kay Ara. "Sus, akala ko naman tungkol kay Yeye 'to. Ikaw pala makikipaglandian. Sinama mo pa kami."

Pffft. Kaloka. Palibhasa kasama si Thomas at ang lolo mo, ang bilis na lumapit kay Ara. Mukhang hahalik pa sana sa cheek nang biglang iniharang ni Ara ang kamay niya.

"Tigilan mo 'ko. Wala akong kinalaman dito," sagot ni Ara kay Cienne habang naka-facepalm pa din ang kamay sa mukha ni Torres. "At ikaw," tumingin na siya kay Thomas, "dun ka sa tapat umupo." Saka niya tinulak ang mukha ng jowa niya. Hard talaga ng babaeng 'to.

"Hmmp." Patampong lumipat si Torres sa tapat ni Ara.

"Hi." Si Jeron na umupo na sa tabi ko. Siya ngayon ang nasa gitna namin ni Torres. Wooh, okay, hingang malalim.

"So, ano ngang meron?" medyo iritang sabi ni Cienne.

Tumingin ako kay Ara at Kim, tinanguan ko sila para simulan na ang  plano. Umakbay na sila sa dalawa, si Kim kay Carol at si Ara kay Cienne. Tinaasan naman sila ng kilay nung dalawa. Si Jeron hinawakan na ang kamay ko sa ilalim ng table.

"Guys, may sasabihin ako." Tumingin na sa'kin yung dalawa. Tumango ulit ako kila Ara at Kim para sa next step. Bigla nilang tinakpan ang bibig nung dalawa. "Kami na ni Jeron." Saka ko tinaas ang kamay namin ni Jeron na magkahawak.

Nanlaki yung mata nila Cienne at Carol, at nagtangka pa silang sumigaw. "xwsdfse!"

Sinusubukan nilang tanggalin yung kamay na nakatakip sa kanila pero anong laban nila sa dalawang amazona. Haha.

"Kumalma muna kayo bago nila tanggalin 'yan," kundisyon ko. "At para na din makapag-explain na kami."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon