35 - Surprise

17.3K 295 122
                                    

- ARA's POV -

.

Medyo nagising ang diwa ko nang biglang nadagdagan ang bigat sa braso ko. May sumiksik din sa may leeg ko at yumakap sa akin. Teka, hindi pa naman ganun kalaki si Kat para mayakap ako ng buo ah?

.

Pagkamulat ko ay natawa na agad ako. Sino pa nga ba ang yayakap sa'kin na mala-tuko. Dumating na pala ang hinihintay namin.

.

"Sorry," sabi nito habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Nakiliti tuloy ako. >.<

"Bakit ngayon ka lang?"

"Natuloy kami nila Jeron. Hindi ko narinig agad yung phone ko sa sobrang ingay dun," sabay higpit pa ng yakap sa'kin. "Sorry."

"Okay lang." Yumakap na din ako. Nakatagilid kami pareho at naka-unan siya sa braso ko. Feeling ko tuloy may yakap akong anak dito. "Happy birthday."

"Thank you." Hindi na ako nakapag-react nang nagbigay siya ng isang mabilis na halik sa labi. Mabilis din siyang bumalik sa pagkakasiksik sa leeg ko.

"Amoy alak," sabay tapik ko sa braso niyang nakayakap sa akin.

"Sorry," natatawa niyang sabi. "Kelan ka dumating?"

"Secret."

.

Hapon na ako dumating, bandang 4:30 siguro. Nang matalo kasi kami sa semis nung Thursday ay nagpatanong agad ako sa isa sa mga coaching staff namin kung may makukuhang flight pabalik ng Manila sa tanghali o sa hapon since umaga naman yung battle for 3rd kinabukasan. Nagpaalam naman ako ng maayos, puro pang-aasar nga lang nila ang inabot ko.

.

Medyo naloka nga lang ako sa nangyari sa'kin. Yung window of time kasi ng tapos ng game at check-in time para sa flight ko ay sakto lang para sa biyahe papuntang airport. Kaya haggard man ay dumiretso na ako ng airport after the game, wala nang ligo-ligo! Pero nagpunas at nagpalit naman ako ng shirt sa airport dahil nakakahiya naman sa makakatabi ko. Haha.

.

Nabuo naman ang plano naming ito ni Kat nang tawagan ko siya after kong ma-confirm na may nakuhang flight. Napagkasunduan namin na ngayon i-surprise ang kuya niya since wala nga siya dahil sa field trip nila. So pagdating ko dito sa bahay nila at around 8 siguro ay sinimulan na namin. Wala pa din ligo-ligo, after na lang magluto. Haha.

.

Nagluto lang namin kami ng ilan sa mga favorite niya: adobo carbonara (2-in-1 na para masaya, haha!), soy garlic chicken wings at spring rolls. Nag-bake din kami ng cupcakes. At nun ko lang na-realize na mas nakaka-haggard pala sa kusina kesa sa court. Pero infairness, consistent ako, buong araw akong haggard. Nyaha.

.

"Bakit kasi hindi niyo na lang sinabi para hindi na kami tumuloy nila Jeron at nakauwi ako ng maaga?"

"May surprise ba na sinabi sa isu-surprise?" Shunga lang talaga minsan 'to eh. "Don't worry, last na 'to."

"Bakit? 'Wag naman," parang inaantok niyang sabi. Sinilip ko siya, nakapikit ang bata.

"Wala kang kwenta i-surprise eh. Namuti na mga mata namin ni Kat kakahintay -- teka, nasaan si Kat?" Napa-angat bigla ang ulo ko nang maalala ko na si Kat nga pala ang katabi ko kanina dito.

.

Hindi ito nagsalita, ngumiti lang siya habang nakapikit pa din saka tumuro sa isang direksyon. Nang sundan ko kung saan nakaturo ang daliri niya..

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon