Bonus.5 - Eight / Eighteen

36.3K 417 222
                                    

Dedicated to: @imAsagittarian - hello! pagpasensiyahan mo na itong nakayanan kong ni-request mong loveteams. haha. thanks for reading! God bless! :D

A/N: Mahaba po ito kaya basahin niyo 'pag nasa mood kayo. Last naman na kaya tinodo ko na. Haha. Peace. Happy reading, guys! And thanks again for reading this story. :D

--------------------------------------------------------------------

.

- THOMAS' POV -

.

"AAAAAAAH~!"

.

Eighteen hours into labor ni Ara ay hindi pa din lumalabas si baby. She's in the second stage and she's been pushing for an hour already pero wala pa din. Yes, ngayon pa lang siya totoong nanganganak dahil nang dalhin namin siya sa hospital kahapon ay nasa early stage pa lang siya meaning there are contractions but still not time to give birth yet. Pero in-admit na din siya as a patient.

.

"AAAAAAH~! AYOOOKOOO NAAA~!" Ara screamed at the top of her lungs while pushing. Nakahawak din siya ng mahigpit sa mga kamay ko para dagdag buwelo.

"Konti na lang, Ara. Lalabas na," Dra. Herrera encouraged her habang nakahawak sa tiyan nito at tinutulungan din i-push ang baby palabas. "Sige na, push!"

"Kanina pa yang lalabas na 'yan eh!" reklamo ni Ara sabay ire. "MMMMP ~ AAAAH! Ayaw talaga! Hindi ko na kaya! Baka pwedeng bukas naman!"

We all laughed at that. Ano 'yun, to be continued?

"Aah - aray, aray!" Nasabunutan tuloy ako.

"Tinatawa-tawa mo diyan! Ako nagpapakahirap maglabas samantalang ikaw naman ang nagpakasarap maglagay nito sa tiyan ko!" bulyaw nito sa'kin habang nakasabunot pa din sa buhok ko. Sus, parang hindi din niya nagustuhan ah. "BUSET KA - MMMMP ~ AAAAH!"

"Araaaay~!" Napasabay ako ng sigaw dahil hindi na siya sa kamay ko kumuha ng buwelo, sa buhok ko na. Masakit, parang natanggal ang anit ko!

"Ay alam mo ba, sabi sa'kin ng asawa mo susundan niyo daw agad 'to pagkatapos," biglang sabi ni doktora after ng pag-ire namin dalawa ni Ara. Teka. Wala akong natatandaan na sinabi ko 'yun ah. "Sige, ilabas mo ang galit mo sa asawa mo. 1-2-3-push!"

"Sundan mo mukha mo! LECHE KA - MMMMP ~ AAAAH!" Buti na lang at nailayo ko na ang ulo ko. Pero leeg ko naman ang nahuli niya.

"*cough cough*" Hindi na ako nakasigaw dahil sinasakal na ako ng asawa ko. I'm tapping the nurse beside me for help pero tinawanan lang ako. -__-

"Sige pa, Ara. Sabi din ni Thomas ay ang OA mo daw, para ka daw baboy na kinakatay," dagdag pa ni doktora. Wow ah, pinapatay na nga ako ng asawa ko, masasabi ko pa ba 'yun? Tibay nitong doctor ni Ara ah.

"Ikaw ang kakatayin ko mamaya! MMMMP ~ AAAAH!"

"Ayan, nakikita ko na! Konti na lang --"

"AAAH!" Nagulat ako nang biglang nagsigawan ang mga nurse na nag-a-assist kay Dra. Herrera.

"Ara, 'wag kang hihinga!" Biglang napahawak si doktora sa tiyan ni Ara at parang diniinan ito. "Babalik si baby!"

"Eh doktora, wala na 'kong hangin. Baka ma-deads ako niyan," impit na sabi ni Ara habang nagpipigil nga ng hininga. Ako din wala nang hangin. x__x

"I mean don't breathe deeply," Dra. Herrera chuckled along with the nurses. "Just short and quick breaths."

"Aaaah.."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon