32 - Aftermath

22.1K 330 104
                                    

- ARA's POV -

.

“Aray – aray.”

.

Pauwi na kami ng dorm at feeling langgam lang sila Ate dahil pinagkukurot lang naman ako sa tagiliran habang naglalakad kami. Sila Thomas din ay pauwi na. Patangu-tango lang si bansot habang naka-akbay at may sinasabi si Kuya LA sa kanya. Nauuna sila sa amin kaya nakikita ko. Hmp. Buti pa mga lalaki, akbay lang at bulong, walang extra curricular activities na nalalaman.

“Kailan pa naging kayo?” tanong ni Ate Liss sa kaliwa ko.

“Secret, walang clue - aray!” Paluin ba ako sa pwet. Ano ‘ko, bata? -__-

Napalingon ang mga naghihintay na makatawid na Archers sa amin dahil sa sigaw ko. Nakikipagtarayan si Ate Liss sa kanila habang kami ni Thomas ay nag-uusap sa tingin. Yung mga mata niya, nagtatanong kung okay lang ba ako. Tumango na lang ako at ngumiti bilang sagot. Tinanong ko din siya sa tingin. Tumango din ito at kumindat pa saka ibinalik ang tingin sa harap. Baliw na lalaki, lalo kaming pag-iinitan 'pag may nakakita dun sa ginawa niya eh.

“Maharot, baby,” natatawang sabi ni Ate Aby sa kabilang gilid ko. Maharot agad? Hindi ba pwedeng nag-aalala lang kami para sa isa’t isa? >.<

“May sumisimpleng landi,” panunukso ng bullies na kanina pa mga tumatawa sa likod ko. Tsk. Nakita nga nila.

“Isa pa kayo!” baling ni Ate Liss sa kanila. “May mga alam kayo, hindi niyo man lang sinabi!”

“Aray – aray!” Mga nakurot din. Haha, buti nga!

"What do you expect, Liss? Alam mo naman na 'all for one, one for all' ang mga 'yan," natatawang sabi ni Ate Mich. Tumpak! Beauty and brains talaga, pwedeng beauty queen.

"Bullies! Magsibalik kayo dito!" Wala eh, nagtakbuhan na kami sa dorm. Haler, masakit kaya!

.

Pagkadating namin ng bullies sa dorm ay dumiretso na ako ng upo sa sofa. Alam ko naman na dito din bagsak ko eh. Sila Mika naman ay umakyat muna sa kwarto para magpalit ng damit.

.

.

"Anong ibig sabihin nun, Ara? Akala ko ba pinagpustahan ka lang nila ng barkada niya? Eh bakit ngayon ay tinanggap mo nanaman siya? Blah.. blah.. blah.."

"Tandaan mo, kung nagawa ka niyang lokohin dati ay kayang-kaya niya ulit gawin 'yun. Hindi ganun kabilis magbago ang mga lalaki, Ara. Blah.. blah.. blah.."

"Marami naman iba diyan, baby. Si Tigs. Mabait naman si Tigs. Bakit hindi na lang siya? Blah.. blah.. blah.."

"May pagka-masokista ka ba at gusto mong nasasaktan? Blah.. blah.."

.

Eto na nga, naliligo na ako ng sermon at pangaral. Hinayaan ko na lang sila, opinion nila 'yun tsaka understandable naman dahil hindi pa nila alam ang buong pangyayari. Tumahimik na lang ako at tinanggap lahat dahil sumang-ayon o kumontra man ako ay wala naman magbabago. Mahal ko yung bansot kaya hindi nila ako makukumbinsi na makipaghiwalay. Hindi ko din magawang magalit sa mga sinasabi nila dahil alam kong concerned lang sila sa’kin. Natatawa pa nga ako eh, pinipigilan ko lang. Medyo nasobrahan kasi, dinaig pa mga magulang ko. Tsaka kasi may mga hugot. Ang pait! Parang deep fried ampalaya with coffee breading lang sa pait!

.

Nang mapagod sila at naubusan na ng sasabihin ay ako naman ang hinayaan nilang magpaliwanag. Sinabi ko na ang totoo. Lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Medyo kumalma sila nang malaman nila kung bakit kinailangan kong itago. Pero medyo mga nagtatampo pa din. Si Yeye din ay umamin na sa kung kailan at paano talaga naging sila ni Teng. Kaya eto, kung ako naligo lang, siya ay binagyo. Tiklop ang mahal na reyna. 

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon