37 - Fits

18.3K 277 92
                                    

- ARA's POV -

.

"Nasaan na daw sila?" hindi mapakaling tanong ni Teng habang nakaupo sa single couch.

.

Nandito na kami ngayon sa dorm, si Teng at kaming dalawa ni Thomas. Hinihintay na namin dumating ang teammates ko. Alas-dose na ng tanghali kaya naka-landing na 'yun, mahigit isang oras na siguro. Sa bahay nila Thomas kami nanggaling, dun na din kasi natulog si Teng kagabi.

.

"Relax ka lang, bro. Dadating din 'yun," natatawang sabi ni Thomas na, as usual, nakahiga sa lap ko. Tuwing nakikita talaga nito na may malaking space sa tabi ko ay automatic na 'to. Tsk.

"Palibhasa relaxed na relaxed ka diyan," sabay tapik ko sa noo niya.

"Aw," hawak niya dito. "Kumain ka na nga lang diyan. Bleh."

.

Oo nga pala. Sandamakmak ang pagkain ngayon dito sa dorm. Pinadala nila tita yung iba, yung iba naman binili ni Thomas. Sigurado naman daw kasi na kakantiyawan siya ng buong team 'pag nakita siya dito sa dorm pagdating nila kaya nagtanong na siya sa bahay nila kanina kung anong pwedeng dalhin na pagkain.

.

"Kakain talaga ako kahit hindi mo sabihin," sabay tapik ko uli sa noo niya.

"Aray. Nakakadalawa ka na ah," parang naghahamon na sabi ng bansot.

"Bakit? Anong gagawin mo?" taas-kilay kong tanong.

"Kiss," sabay pout nito. Natawa na lang ako at natapik ko naman ngayon ang mga labi niya.

"'Wag naman kayong ganyan," biglang singit ni Jeron. "Kita niyo nang namomroblema ako sa girlfriend ko tapos maglalambingan kayo sa harap ko?"

"Pagbigyan mo na kami, bro," natatawang sabi ni Thom sa bestfriend niya. "Alam mo naman na mas madalas na aso't pusa kami nito -- aray!" Natapik ko nanaman sa noo. Wala lang, ang lutong pakinggan eh. Haha. "Tatlo --"

.

"DORM SWEET DOOORM~!"

.

Bigla kaming napatayo na tatlo nang may sumigaw na galing sa labas. Bullies 'yun. Nandito na sila. Nandito na ang Spikers. At siyempre, nag-uunahan na pumasok ang mga PG. Tinext ko kasi sila na nandito kami at may dalang mga pagkain pero hindi ko pinasabi kay Mika.

.

"BELATED, TORRES! BYE, TORRES!" sabay na bati nila Cienne, Carol at Kim pagkapasok ng dorm na para bang nag-rehearse ng sasabihin. Ang kaso nga lang ay hindi man lang nilingon si Thomas. Their eyes are on the prize, which in this case ay ang mga pagkain sa dining. "HI, TENG! BYE --" Pero bigla silang natigil nang ma-realize kung sino ang sunod nilang binati. Nilingon ng tatlo si Jeron at sabay-sabay na ngumiti ng pang-asar. "TSK TSK TSK," umiiling na sabi ng mga loka at tuluyan nang pumunta ng dining. Mga sira talaga.

.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat at galit na tanong ni Ye nang makapasok at makita si Teng.

"Miks, please, let's talk," nakikiusap na sabi ng boyfriend niya na lumapit na sa kanya.

"'Wag ngayon, pagod ako." Aalis na sana si Mika nang pigilan at hawakan siya sa braso ni Teng. "Bitiwan mo 'ko," walang emosyong sabi nito.

"Please naman, let me explain --"

.

"TEEEENG~!" sigaw naman ng mga teammates ko nang makapasok na ng dorm.

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon