31 - Official

21.1K 362 145
                                    

- ARA's POV -

.

"Yiiiieeeeee.."

.

Biglang tuksuhan ng mga estudyante nang makarating kaming bullies dito sa Henry Sy Grounds para manuod ng Finals Game 2. Pwede na iuwi ng Green Archers ang championship kapag nanalo sila ngayon laban sa Ateneo. Hindi kami nakanuod ng live dahil may training kaya dito na lang kami, may naka-setup naman na big screen at projector eh. Makikigulo kami sa mga students dito para ma-feel din namin ang championship vibe. Haha.

.

"Kaloka, nakakahiya," bulong ni best habang nagtatakip ng mukha. Halos lahat kasi ay sa kanya nakatingin. Sakto kasi na pagdating namin ay naka-close up ang pagmumukha ni Teng sa screen.

"Tago ka pa, ikaw naman may gawa," bulong ko sa kanya.

.

Pano ba naman nag-post kanina sa twitter bago magsimula yung game, pandagdag inspiration daw ni Teng. Kaya ayan, buong school ang nanunukso sa kanya ngayon. Eto yung post:

.

Twitter:

@mikareyesss: Win it and it's a YES! :) @jeronteng

.

Naupo na kami sa may likod. Buti na lang at may naabutan pa kami, magsisimula pa lang ang 4th quarter. Pinakita si Thomas sa screen, seryoso siya at poker-faced. Ang gwapo tuloy. Haha. Pero sana naman hindi katulad sa Game 1 ang pinapakita niya ngayon kung saan sirang-sira ang laro niya at halatang out of focus siya. Hindi pa ulit kami nagkakausap since yung nangyari last week sa parking. Walang pagkakataon kasi halos buong araw na sila kung mag-training dahil nga nakapasok sa Finals.

.

"Kamusta na kayo?" bulong ni Cienne sa tabi ko. Umiling na lang ako sabay ngiti. Gets na niya 'yun. "Kelan mo ba kasi sasabihin kila Ate?"

"Ewan. Humahanap pa uli ako ng magandang timing." Ilang beses ko nang sinubukang sabihin sa kanila kaso laging may istorbo.

"Bilisan mo kung hindi.." Ngumuso siya sa direksyon ng screen. Napatingin ako. Nanunuod pala ang mga buntot ni Thomas. Never say die talaga ang peg nung tatlo. 

"Ikaw naman kasi, bakit mo pa sinabing lumaban ng patas? Pwede namang tumigil na ng tuluyan at humanap na lang ng ibang bubuntutan, 'di ba?" Nasabunutan ko 'tong babaeng 'to nung kinwento nila sa'kin yung nangyari eh. Pano ba naman wala talagang sense yung dahilan niya.

"Mas maganda nga kasing pakinggan," natatawa niyang sagot. O, 'di ba? Kung wala lang tao, naghahabulan na kami nito.

.

.

.

"D-LS-U Animo La Salle!"

.

Lumalakas na ang cheers dito dahil malapit na matapos ang game. Last 2 minutes na lang at lamang ang La Salle by 5 points. Pero lumalaban pa ang Ateneo sa pangunguna ni Kiefer.

.

"Ano na nga pala nangyari kay Kiefer?" bulong ko kay Mika. Wala na akong balita sa agila na 'yun eh. "Nagtetext pa ba sa'yo?"

"Ha? Hindi na. May girlfriend na yung tao," sagot niya.

"Aah.." Kaya naman pala natahimik na si Teng at hindi na sila ganoon kadalas magkatampuhan ni Ye. Wala na pala ang pinagseselosang haring agila. Haha. "Bilis maka-get over ah?"

"Sira. Wala nga kasi 'yun. Crush lang, okay?" medyo pikon na sabi ng reyna.

"Okay, okay."

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon