23 - Triangles

23.3K 331 73
                                    

Dedicated to: YeyeBlueGreen16 -- hellooo! happy happy birthday! hope you had a good one. umabot pa ako ah. haha. God bless. thanks for reading. :))))

-----------------------------------------------

.

- ARA's POV -

.

"Oy, basta yung usapan ah? Ite-text ko sa inyo kung saan kami pupunta tapos susunod kayo ah," last-minute reminder sa amin ni best bago bumaba.

.

Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Ngayon na yung 'date' ni best kay Ravena at nasa baba na nga actually yung agila para sunduin siya. Ilang araw namin pinag-isipan kung ano magandang gawin para sana hindi matuloy kaso wala. Wala kaming nagawa kay Ate Liss, ang usapan daw ay usapan. Kaya eto na lang ang napag-usapan, susundan namin sila para 'pasayahin' lalo yung 'date' nila. ;)

.

"Bakit hindi na lang kaya si Teng ang pasunurin mo, 'no?" tanong Kim na nagsusuot na ng sapatos.

"Ay nako, warlaloo kami nun. Siya pala ang dahilan kung bakit nagbago isip nung agila," sagot ni Ye.

"Ha, bakit?" tanong ko.

"Basta, kwento ko sa inyo mamaya. Sige, alis na 'ko," paalam ni Ye at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

"Bakla na 'yun, nambitin pa ng kwento," inis na sabi ni Carol habang nagsusuklay.

"Hoy Victonara, tumayo ka na diyan!" sigaw ni Cienne sabay hampas sa binti ko.

"Aray naman!"

.

Nakahiga pa kasi ako sa kama pero nakabihis naman na ako. Para kasing tinatamad na ako eh. Tatlo na sila, kaya na nilang i-sabotage -- este pasayahin yung date nung dalawa.

.

"Tinatamad na 'ko, kayo na lang," sabay pa-cute ko sa kanila.

"Tigilan mo 'yan, hindi kami si Torres," sabi ni Kimmy at binato pa ako ng unan.

.

Si Torres. Si Thomas Torres. Miss ko na yung bansot na 'yun. Hindi na uli kami nag-usap mula nung Monday, kahit text wala. 'Pag nagkakasalubong naman kami ay parang casual friends lang, ngitian tapos wala na. Okay na siguro 'yun, si Papa lang naman ang maiisip ko kapag nagpaka-sweet ako sa kanya eh. Ayoko nang dagdagan yung galit ni Papa sa'kin.

.

"Aray!" narinig kong sigaw ni Kim.

Pagtanggal ko nung unan sa mukha ko ay nakahawak na siya sa ulo niya. Nabatukan siguro. Haha. Alam nilang maaalala ko nanaman si Thomas dahil nabanggit ni Kim.

Bigla naman lumapit si Cienne sa'kin. "Ara, 'lika na. Para makapag-enjoy na din tayo."

"Kayo na lang. Hindi ako magmumukmok, promise," nakangiti kong sabi.

.

Madalas kasi nila akong abutan na tulala nitong mga nakaraang araw, lalo na sa gabi. At hindi lang naman dahil kay Thomas kaya ako nagkakaganun. Tuwing gabi ay tumatawag ako sa bahay para sana kausapin si Papa pero laging busy daw at may ginagawa. Ayaw pa din talaga akong kausapin. Hindi ko alam kung ano pang pwede kong gawin. Wala akong ibang magawa dahil nandito ako sa Manila tapos nasa Pampanga naman sila. Haay..

.

"Hindi naman 'yun ang inaalala namin, baks," singit ni Carol.

"Eh ano?" tanong ko.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon