Episode 25: Invitation

7.1K 235 21
                                    

 Episode 25: Invitation


****************


[ Virgel's PoV ]


" A-aray.." Bigla nalang akong napadaing sa sobrang sakit at bigat ng katawan ko. Tatlong araw narin simula nung mag umpisa kaming magsanay. At di biro ang mga ginawa namin sa loob ng tatlong araw na'yun.

Pinilit kong bumangon sa kama ko dahil mag aalas kwatro na kasi ng umaga. Umpisa na kasi yun ng training namin. Oo, ganun kaaga ang training namin araw-araw. Tatlong araw nanga rin akong walang pasok eh. Pero ang sabi naman ni Hugo na naexcuse na daw niya kami ni Kael sa school. Hindi ko alam kung anong ginawa niya basta ang sabi niya wag na daw kaming mag alala.

Paika ika akong bumaba ng hagdan at papuntang sala. Grabee, ang sakit igalaw ng mga binti at hita ko. Tapos yung braso ko rin. Hawak kasi ng hawak ng baril dun sa pagpapraktis ko ng shooting. At medyo nabibigatan pa ako sa baril kaya ganun. Haay..kakapagod mag training T.T

" Boss, gising kana pala." Lumapit ako sa kinauupuan nina Hugo at Ish. Mukhang nag uusap tong dalawa. Sila palang kasi yung nandito sa sala.

" Hindi paba sila gising? " Tanong ko sakanila pagkatapos ay tumabi ako kay Hugo na may hawak hawak na parang papel.

" Mamaya gigising na rin 'yung mga 'yun" Hugo.

" Ah.." Napatingin naman ako saglit sa hawak ni Hugo na parang isang sobre." Ano yan? " Tanong ko. Ibinigay naman niya agad sa'kin ang sobre.

" invitation card"

" Para san? "

" Para sa engranding okasyon ng ika anim napu't kaarawan ng isa sa Pinakamayamang tao dito sa buong Asya, si Don Theodore Emnacin. Mamayang gabi na ito gaganapin." Sagot ni Hugo.

" Pupunta ba tayo? "

" Nasa inyo ang decisyon, Boss." Aw. Baket ako? T.T wala naman akong alam sa mga ganyan ganyan.

" Uunahan ko na kayo Boss para mas mapadali ang inyong pagdedesisyon. Isang Mafia Boss si Don Emnacin ng isa sa pinakamatandang Mafia Family sa buong Asya; ang Emnacin Family. At sa okasyon na mangyayari, imbitado ang limang pinakamalalakas na Mafia Org. dito sa pilipinas. At kasali na tayo dun. Pati ang Elfame at Fuego Mafia." Tumingin saglit sa'kin si Hugo bago nagpatuloy " Ngayon Boss, anung desisyon niyo? "

Sa mga narinig ko, parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Puro Mafia ang imbetado sa gaganaping okasyon?! Di ko maimagine kung anung mangyayari. Baka imbes party ang magaganap eh patayan ang mangyayari.

Kakatakot.T^T

" Ayoko." Diretsa kong sagot. " Masyadong delikado." Dagdag ko. Nakita ko naman ngumiti ang dalawa.

" Gaya ng inaasahan na'tin." Natatawang sabi ni Ish kay Hugo. Tumingin naman siya sa'kin sabay salute. " Masusunod, Boss. Walang pupunta sa party."

" Alriight~ "

Napatingin kaming tatlo sa hagdan nung may magsalita. Sabay palang bumaba ang apat.

" Anung gagawin na'tin ngayon? " Elsa.

" Ganun parin tulad ng ginagawa niyo nitong mga nakaraang araw. Hasain niyo pa ng husto ang abilidad niyo. At gaya ng sabi ko, kapag narating niyo na ang limitasyon niyo, dun na tayo mag poproceed sa susunod na pagsasanay natin." Hugo. Nakita ko namang tumango sila kaya tumango rin ako.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon