Episode 47: Achilles Heel

5.9K 228 38
                                    

Episode 47: Achilles Heel


******


[ Ish's PoV ]



( Miss ko na ang PoV ni Virgel hahahaha kaso di pa pwede eh. Gusto ko kayo mismo ang mag isip kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon hahaha )



" Target, Bullet..at sino nga yung isa Benz? "


" Si ano yun eh....si.. Goryo? "


" Pfft. Hahahaha " Kael


" Tangna mag seryoso kanga Benz! Elfame na ang pinaguusapan natin dito!" Galit kong sigaw sa hangal. Andito kaming lahat sa sala ngayon maliban kay Boss at Lily na tulog pa, at pinag uusapan namin ngayon yung sinabing impormasyon ni Jack tungkol sa Elfame. At itong gago, hindi man lang marunong mag seryoso!


*Pout* " Eh Goryo naman talaga yung sinabi ni Hitler eh "


" Hahahaha mali Benz. Si Dorothy yun." Pagtutuwid naman ni Kael habang natatawa. Oh tignan mo, Goryo daw eh napakalayo sa pangalang Dorothy! Tss.


" Ay oo, Dorothy nga pala yun hehehe."


Ikinalma ko nalang ulit ang sarili ko para makapag explain ng maayos dito sa dalawa na ewan ko kung mag jowa na ba o hindi.


" So ayun nga, si Dorothy at yung kambal na sina Target at Bullet ang tatlo sa pinakamalalakas na myembro ng Elfame ngayon. At ang sabi nung Jack na'yun, mag iingat daw tayo sakanila, lalo na dun sa kambal dahil meron daw silang kakayahan na hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao." Seryosong saad ko. Natahimik naman sila at mukhang nag umpisa naring magseryoso.


Tahimik lang kami ng biglang magsalita si Benz." Baka naman ang isa sa kakayahan nung kambal ay..." Tinignan namin siya na mukhang seryoso narin sa usapan. Ganyan, ganyan dapat. Tumingin siya samin sabay dugtong ng. " Bumubuga ng Milk tea? " Muntik na kaming malaglag sa kinauupuan namin sa idinugtong ng animal. " Tapos kung sino ang matamaan ng milk tea na yun ay mapopoison dahil contaminated na pala yung milk tea na yun. Tapos yung isang kakambal niya naman ay bumubuga rin ng Ariel, tapos kung sino ang matamaan ng Ariel na yun, gumagwapo." Tumingin pa siya sa'kin sabay tapik sa balikat ko. " Tamang tama sa'yo ang Ariel, Ish."


" Hahahahaha! " Halos maubusan naman ng hininga sina Elsa at Kael kakatawa. Bwesit 'tong mga 'to! Pinagtatawanan pa ako! Tinignan ko rin 'tong animal na naluluha na sa kakatawa.


Agad kong nilock ang leeg ng gago gamit ang mga braso ko. Hayop ka, ako dapat nantitrip sayo at hindi ikaw ang nantitrip sakin!


" Akkkrrr I-sh a-aray! akrrr! " Malapit na sanang malagutan ng hininga ang kumag nung may biglang bumaba sa hagdan. Pinakawalan ko nalang agad ang hayop dahil baka isipin pa ng batang 'to na nagpapatayan na kami.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon